Takot ba kayo sa aso? 'Yung mga asong nasa kalye o kaya'y mga aso ng kaibigan mo, natatakot ka bang lapitan sila dahil maaring kagatin ka nila o kaya'y dambahin?
Paano ba natin malalaman kung susugod, galit, takot o nagbabanta ng pag-atake? Ang mainam na batayan para malaman ang emosyon ng aso ay base sa buntot.
Malalaman natin kung galit o nagbabanta ng pag-atake ang aso pag nakatayo ang kanilang buntot at dahan-dahan ang pagkawag nito.
Kahit hindi sila nangingisi o tumatahol ay malalaman mo pa ding hindi maganda ang tingin ng aso sa iyo. Paano ba ang gagawin pag ganito ang estado ng buntot ng aso o ng aso?
Una ay dahan-dahang lumapit sa aso. Wag na wag munang hawakan ang aso sa ulo at ang unang gawin ay ibaba ang buntot nila sa pamamaraan na paghimas ng likod hanggang buntot para maibaba na ito. Pag nagawa niyo na ito, ok nang hawakan ang aso at makipaglaro pero mag-ingat pa din lalo na kung bagong kakilala lang sa inyo ng aso.
Isang pwedeng gawin pag may nakasalubong na asong nanahol o nanghahabol ay ang kumalma at wag magpakita ng takot dun sa aso dahil pag nagpakita kayo ng takot ay ang epekto nito sa aso ay epektibo ang kanilang pananakot at lumalabas na mas dominente sila o mas mataas sila sa iyo. Dapat ay ipakita mo sa aso na ikaw ang bossing. Pag hinahabol naman, wag ka nang tumakbo dahil lalo ka lang niyang hahabulin.
Paano naman natin malalaman kung takot ang aso? Pag ang buntot nito'y naka-bahag o naka-baba.
Ang sabi ng propesor ko ay mas delikado at mas may tsansang mangagat ang ganitong klaseng aso dahil hindi sila sigurado sa paligid nila, maaring naninibago sila sa paligid o kaya'y sa mga tao. Dapat dito ay dahan-dahan din ang paglapit at bantayan ang sarili.
Paano naman kung masaya o gustong makipaglaro ang isang aso? Syempre, makawag ang buntot niya at tila nananabik sa tao.