Kami yung tipo na simula pagkagising hanggang sa matulog mga idol inaatupag namin. Kapag fangirl, kita mo halos lahat yan may iba't ibang social networking sites tulad ng Facebook, twitter, tumblr, youtube etc.
Iba ang ordinaryong fan sa fangirl. Para kasi sakin, kapag sinabi mong Fangirl sila yung gagawin talaga lahat lahat mapansin lang ng idol nila. Full of efforts lahat kumbaga. Kapag naman Fan lang parang wala lang. Nadyan lang tga support yung kapag tungkol sa idol mo matutuwa ka. ganun lang.. Para kasi sa akin magkaibang magkaiba. Halos lahat ng fangirls ginagawa nila lahat para lang makita mga idols nila. Yung tipong kahit ang layo pupuntahan nila. Yung tipong kulang nalang makitira narin sila sa bahay ng mga idol nila. hahaha dejoke :) Pero parang ganun na rin yun. Ang mga fangirls asahan nyo palaging nandyan yan. Simpleng tweet ni idol na "goodevening" reply na sila kaagad ng "omg omg hi (insert callsign here)" haha kulang nalang iinvade nila buong twitter world. Ganun din sa fb. Isang post ni Idol na picture tatadtarin na nila ng comments yun. haha ginagawang chatbox para mapansin. Ganyan kasi kami talaga. Minsan nga napapaiyak nalang kami kapag hindi kami napapansin samantalang yung iba kotang kota na. Nasasaktan din kami. Lalo na kapag yung idol mo may natitipuan na. SAKLAP DRE TARA BIGTI. DEJOKE haha ;) Pero kami hindi kami ganun na basta basta nalang sumusuko. Sabi nga sa pambansang damit "NEVER GIVE UP" ang corny ko geh. haha pero ganun na nga yun. Pero sabi nga ang tunay na Fan hindi titigil sa pagsuporta yan kahit na may mga natitipuan na mga idols nila. Nandyan lang ang mga yan palagi walang sawang sumusuporta sa kani-kanilang idols. Kaya sa panahon ngayon, ang swerte ng mga sikat sa mga fans nila. Kasi mahal na mahal sila ng mga 'to. Fangirl ka rin kapag kahit na anong pninira sa idol mo ang naririnig mo sa iyong paligid ay hindi ka matitinag nito kasi ikaw alam mo mismo sa sarili mo na hindi naman talaga sila ganun at hinding hindi nila magagawa yon. Syempre sa sarili mo nangingibabaw parin pagmamahal mo sa idol mo diba? Fangirl ka rin kung kaya mong ipagtanggol sa iba yung idol mo. At syempre Hindi sa masamang paraan. Hindi yung tipong nagka-world war III sa twitter/fb. Pero yung paraan na kung saan mapapatunayan mong hindi talaga tama ang sinasabi ng iba laban sa idol mo. Yung paraan na alam mong nasa tama ka. Hindi yung aawayin mo lang ang mga walang kwentang haters na naninira sa idol mo.
Kaming mga fangirls hindi kami basta basta nauubos. Pero ang mga haters konting-konti nalang! charot haha :) Nandito lang kami palagi para sa mga idols namin. Fangirls na walang sawang sumusuporta, nagmamahal, nagtatanggol sa mga idol namin. Oo darating yung time na mauubos kami pero sa panahon na yon, dun rin matatapos pagiging fangirl namin kasi sa oras na yon hindi na uso mga idol at fans. Kumbaga, sinasabi ko na ang pagsuporta at pagmamahal namin sa kanila eh pang Forever. Kung pwede nga lang hanggang sa pagtanda nila bat hindi dba? haha. :)
huhu. kung anu-ano lang pinagsasabi ko dyan sorry naman. :3