Ako yung tipo ng tao na kapag nape-pressure na. bigla nalang mawawala. Minsan hindi ko na iniisip kung makakabuti ba sakin o mas lalong makakasama. Marami din akong pinagdadaanan sa buhay na tanging ako lang ang nakakaalam Di ko alam pero takot akong magsabi sa bawat tao na nasa paligid ko Nakikita nila kong laging nakangiti pero sa likod nito maraming salita na gusto kong ibahagi na madalas ko nalang sarilihin. Dahil kapag mag-isa kana, tanging ikaw lang ang makakaintindi sa sarili mo. Ikaw lang ang makakakita ng kahalagahan mo. Ayokong nakakita ng taong nasasaktan, taong nasasaktan dahil sa mga nagawa ko. dahil sa mga maling desisyon. pero paminsan minsan kailangan ko din isipin na. tao din ako na may sariling pakiramdam at sariling pang unawa.
Madalas ko nang kalimutan ang sarili ko para lang sa kapakanan ng iba. pumasok na din sa isip ko na, “Pano naman ako? pano naman yung sarili ko?” pero ayos lang. as long as God is with me, kakayanin ko lahat ng bagay. Marupok ako. madaling sumuko, higit sa lahat mabilis mapagod. ngunit kapag nakikita ko na chinicheer up ako ng mga tao sa paligid ko. nabibigyan na naman ako ng lakas ng loob. naiisip ko ulit na di lang talaga ako nag-iisa kasama ko sila, mga tinuring kong pamilya na kahit kailan hindi tumingin sa kamalian ko.
YOU GUYS ARE SO AWESOME! lovelots =)











