Kanina, napa-away ako. As in murahan at sigawan. Tangina kase, ako sinubukan nila eh naka-inom ako kanina. Ganito kase yun, nung natapos na kami mag-inom, dumeretso na kaming court kase laro na ng team namin. Pag dating namin dun, saktong napa-upo kami dun banda kung san naka-upo yung mga cheerer ng kalaban ng team namin. Syempre kami cheer kame sa team namin eh may sumagot bigla na babae. Na bat daw pinasali yung isa kong tropa eh matanda na daw in a sarcastic way. Eh di ako sumigaw ako "Go Franklin! Kaya mo yan! Panalunin mo ah!" Eh nung naka shumoot si Frank hindi pumasok. Ang ginawa nung babae sa likod namin, nag fashion show sa harap namin, mismo -_- 4th quarter na yun, lamang kami. Eh may bakla akong kasama, yung pinapagtanggol nila ako. Ayun, sinasagot sagot nila yung babae. Tas biglang sumigaw yung babae na "Go Bakla!" yung nang aasar talaga. Nilingon ni Jheo, sabi niya "Bakla ako pero may utak ako" Tas tinuro ni Jheo utak niya. Tuloy-tuloy pa rin yung sagutan. Eh nanalo team namin, eh di ang ginawa ko sinabihan ko yung babae na "Ate. Wag kang bitter kase panalo kame ha?" Sagot sakin eh "Ano? Sabunutan tayo?" Sumapaw bigla si Jheo, sabi eh "Hoy! Wag yung tropa ko yayain mo. Ako. Kase Amadure ako (Apelyido niya yung Amadure) Kilala yang amadure kas yun yung kapitan samin tas palaban mga Ate ni Jheo. Tas biglang dumating yung mga nanay na kapitbahay ko, sabi samin tama na daw, hayaan na lang daw namin sila. Eh di hinayaan namin. Nung palayo na kami, sinabihan ako nung tropa ko na pakyuhan ko daw. Eh di pinakyuhan ko. Hahahaha. Tangina. Pag pakyu ko, na out of balance ako :3 Natumba ako, lagpak ako eh, sakit tuloy ng balakang ko.
Nung natapos yung game nung team namin, pumunta kami sa bahay nila Jheo kase kakain kame. Tas nakarating na agad yung balita sa bahay nila. hahahaha. Litsi, may pakpak talaga ang balita. Pagkatapos namin kumain, bumalik kaming court kasama yung dalawang Ate ni Jheo. Tas tinuro ni Jheo yung babae na umaway samin. Nagulat ako kase biglang nag tabi yung dalawang Ate ni Jheo tas sabing "Yan ba yun? Wow. Ang ganda mo sobra." Ginatangan ni Jheo, sabi eh "Eto nga pala Ate ko. Ang ganda no?" Hindi na nakapag salita yung babae tas bigla akong sinabihan nung Ate ni Jheo na "Neng, pag ikaw inunahan wag kang papatalo jan. Patulan mo na. :)" Hahaha. Aba'y impyerno mararanasan nila. :)