"Mawala na silang lahat, huwag lang ikaw."
Ano bang ibig sabihin nun?
Na mawala na lahat ng taong nagpapahalaga, mga taong umiintindi, at mga taong totoong nagmamahal sa'yo?
Para saan? O mas tamang tanong, para kanino?
Para sa isang taong walang ibang ginawa kundi iwan, saktan at paiyakin ka?
Ganun ba talaga ka unfair ang buhay?
Na kung sino pa yung nandyan sila pa yung hindi pinapahalagahan..
May kaibigan ako.
Bestfriend niya ko.
Ako yung laging nandyan pag nasasaktan siya kasi
mahal na mahal pa rin niya yung ex niya..
Tinanong ko sa kanya dati,
"Paano kung sinabi niya na babalikan ka niya, pero kelangan mawala ako sa buhay mo? Papayag ka ba?"
Syempre sabi niya,
"Ibang usapan na yun. Syempre hindi ako papayag."
Okay sana nu?
Kaso alam mo 'yun?
Alam mong yun ang magpapasaya sa kanya.
At ikaw naman 'tong mabuting kaibigan, syempre ayaw mo na malungkot siya.
Kaya kahit ikaw yung pinili niya,
ikaw na lang din yung gagawa ng paraan para mangyari pa ring yung ikakasaya niya.
Sino ba naman ang may gusto na malungkot ang mga mahal niya?
Life is indeed unfair.
But we just gotta learn to live it with faith in God.
Everyone and everything will eventually fall into their proper places.