10.4 Serious kuya
“Intense talaga yun, grabe si kuya pakamatay agad. Ano bang trip niya. Maganda naman buhay, tapos ganun-ganun lang. Ano bang nasa isip niya bakit niya ginawa yun. Akala mo ang laki-laki ng problema - wala naman siyang problema. Ang drama. Ano ba ‘to. Ang dami ko pang kailangan gawin. Kelan ba pasahan ng project namin sa AP. Ang badtrip naman kasi ng prof, akala mo kung makapagbigay ng assignment ang bilis bilis lang. Group work pa, ang walang kwenta pa ng groupmates ko. Kung makapagalaska akala mo ang daming nagawa para sa grupo, pero wala naman. Ako lang naman gumagalaw samin. Kung hindi pa ako magsasalita, malamang wala kaming mapapasa ngayon. Pasalamat sila sa’kin na nilagay ko pa yung mga pangalan nila sa papel. Pero andaya din naman, ako lahat gumawa - sila wala, tapos mukha may ginawa sila. Ano to, free grades? Nakakabanas, ang labo talaga. Sa susunod nga hindi ko na ilalagay pangalan nila… bahala sila, kahit pa magmakaawa sila na kailangan na nilang grumaduate o ano. Maganda na ring matuto na sila ngayon pa lang, kaysa naman kapag nagtratrabaho na saka pa lang nila matitikman. Edi tanggal pa sila sa trabaho. Kung titignan mo, parang ako pa nga yung mabuting tayo dito eh. hehe. Basta, hindi na pwedeng ganito na lang lagi."











