10.7 Grocery Lady
“Ah saan ba, saan ba? Hindi ko na matandaan kung ano pang itsura ng packete na yun eh. Basta ang sabi yung kulay brown na may red sa taas, hindi ko naman mahanap. Saan ba dito - ah ito. Pero bakit may yellow, wala namang sinabing may yellow. Ano ba to? Ay ito so kuya, magpapaassist nga ako. AH kuya, oo yung brown nga. AH, wala na yung flavor na yun. Ah salamat. Kaya naman pala hindi ko mahanap-hanap eh wala na dito. AY AY, ano yung nahulog. Ay juskopo, ay nako. Hala, ang lapit lang nun san ba yun. Hala, ang daming tumitingin. Ay, nako nahulog yung mga box. Buti naman walang natamaan. Ay yung bata nako po, okay lang ba yan. Nasan na nanay niyan. Nako po, hindi dapat hinahaayan lang yang mga yan ng walang nagbabantay baka kung maano eh hindi na alam kung ano mangyayari. Buti na lang hindi siya ganun kalapit sa lugar na napagsakan. Ay ayan na, siya pala yung nakahulog. Takbo agad siya eh. Dapat kasi nagdadahan-dahan sa ganyan. Nako, andyan lang naman kasi pala lahat ng suplay ng mga grocery, eh panong hindi magkakaaksidente dito. Wala man lang harang. Pano na kung magkaroon ng lindol, edi patay tayong laht dito eh pagkabigat ba naman ng mga laman niyan."

















