10.5 Busy Lady
“Hala, sino to? Ah, nagtext nanaman si Jack, kanina pa to ah. Actually, ang tagal nang ganito. Hindi ba siya napapgod. Crush siguro ako nito. Ayy bawal, ako boss neto haha. Pero kahapon naman ang kulit-kulit, sabi daw hindi ko pinapasin - eh pinansin ko naman. Parang bata kung magsalita eh 22 na. Haha. Hala meron pa ulit nagtext, baka siya nanaman. Huh? Hindi ko alam yung number. Ano to? Sabi ko na nga sa kanila kapag magtetext dapat magpakilala muna, hindi yung basta basta na lang. Hindi ko to rereplayan eh. Bahala sila kung emergency ba o hindi, kung hindi ko kilala kung sino wala na ako dyan. Kung sino pa pala tong kausap ko ng hindi ko alam. Ang dami-dami nang mga scam dyan. Mabudol-budol pa ako ‘no. Ang lalakas din talaga ng trip ng mga tao, hindi na lang maghirap sa buhay. Mga iba dyan ganito, nagtatrabaho para magkapera. Eh sila, nakaw lang? Snatch lang? Anong klaseng buhay yun? Ewan ko ba panong hindi sila nakokonsensya. Ibang level na mga magnanakaw eh. Ah, ano bang station bababaan ko. Kasi naman, bakit ako iniwan ni Kata. Eh alam naman niyang first time ko sumakay sa ganito. Grabe pala yung sikip. AY AY, yung bag ni ate naipit.”














