#weeklydevotion #fullvideoonyoutube #22daysPsalm119devotional #booksthatmatter #kingdommessenger #amazonbooks #linkinbio #authorsofinstagram #writingwithpurpose (at Houston, Texas) https://www.instagram.com/p/Cl5Q2zaPyJm/?igshid=NGJjMDIxMWI=
seen from Aruba

seen from Russia

seen from United States
seen from Türkiye

seen from Australia
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from Denmark

seen from United Kingdom

seen from Netherlands
seen from China
seen from Italy

seen from United States
seen from United Kingdom
seen from Spain
seen from Switzerland
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Italy
#weeklydevotion #fullvideoonyoutube #22daysPsalm119devotional #booksthatmatter #kingdommessenger #amazonbooks #linkinbio #authorsofinstagram #writingwithpurpose (at Houston, Texas) https://www.instagram.com/p/Cl5Q2zaPyJm/?igshid=NGJjMDIxMWI=
September 15, 2022 ( Thursday) Bible Reading: Psalms 18
1Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan. 2Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog. 3Ako'y tatawag sa Panginoon, na marapat na purihin: sa gayo'y maliligtas ako sa aking mga kaaway
Napakagandang mga salita ang lumabas sa bibig ng Psalmist. Mga Salita ng pagpapahayag ng pag-asa,pag-depende, pagtatagumpay, at pagpapasalamat sa ating Diyos.
May sandali sa ating buhay na kung saan masasabing nanduon tayo sa "lowest moment in our lives" na sinasabi.Nanduon tayo sa hindi madaling sitwasyon, hindi alam ang gagawin, yung emotion ang taas- sobrang taas. Pwede din ito yung panahon na nasabi sa mga nakapaligid natin na " Where are you when I needed you the most?" .
Gusto nating makawala sa situation. Gusto nating umiyak. Humiyaw ng tulong. Humanap ng makakanlungan. Umasang may dumating na himala kasi hinang-hina tayo sa nangyayari.
Alam ko bawat isa sa atin ay nakaranas na nuon. Salamat sa Diyos sa Kanyang habag at awa, napagtagumpayan natin iyon.
Pero how should we really deal nga ba sa mga ganuong pangyayari? Yung kahit hindi tayo nanduon sa "lowest moment" pero nanduon tayo sa pagharap sa madaming pagsubok at di madaling situation?
Gayanin natin ang ginawa ng Psalmist- na tawagin ang ating Panginoon.
"Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan.Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog.Ako'y tatawag sa Panginoon, na marapat na purihin: sa gayo'y maliligtas ako sa aking mga kaaway."
Mahal tayo ng ating Diyos. Ibig Niya na tayo ay maging mapagtagumpay. At siyang nagtitiwala sa Kanya ay hindi mapapahiya. Lumakad tayo sa pananampalataya sa kabila ng nararanasan. Lumakad tayong nakatingin sa Kanya at hindi sa ating mga sarili sapagkat SIYA ang KALAKASAN- ANG MATAYOG NA MOOG. Lumakad tayong umaasa sapagkat SIYA ang PAG-ASA. Lumakad tayong taglay ang pusong nagtatagumpay na nagpupuri sapagkat nasa Kanya ang Pagtatagumpay.
Siyang Nagtitiwala sa Kanya ay Lumalakad na kasama Niya.
Gawin natin ang ating bahagi, sundin ang Kanyang kalooban.
Masumpungan nawa Niya tayo na laging HANAP SIYA all the days of our life. 🥰
But thanks be to God! He gives us the victory through our Lord Jesus Christ! 💖✨
Let us stay Strong in our Lord, My Dear Brothers and Sisters in Christ.😊❤️
September 10, 2022 ( Saturday) Bible Reading: Psalms 16
5 Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro: iyong inaalalayan ang aking kapalaran. 7 Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo: Oo, tinuturuan ako sa gabi ng aking puso. 8 Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos. 9 Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay.
11 Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.
Sa Chapter na ito habang binabasa ko po ito, ako po ay nakangiti. 😊❤️Sapagkat pinapahayag ng psalmist na ang Panginoon ay bahagi ng kanyang buhay na isang napakagandang bahagi sapagkat nabanggit yung mga salitang " Siyang bahagi ng aking mana".
Sa buhay na ito na walang katiyakan kung ano ang mangyayari, na maaring magdulot ng kabalisahan, ng takot, ng pangamba, tsaka yung pag-iisip at pagpayag na madaya tayo ng ating kaaway ng diablo sa ating mga sarili, ang psalmist ay nagbigay ng isang dapat gawin- ANG ILAGAY ANG PANGINOON SA HARAPAN niya. At kung atin itong gagawin kagaya ng psalmist, magagawa nating ang DIYOS ang manguna sa atin na Siyang magtuturo sa atin ng landas ng buhay. Siya ang magbibigay payo sa atin na kailangan natin.
At sa pagpayag na ang Diyos ang manguna sa atin, yung mga negatibong pag-iisip na maaring mapayagan dahil sa kawalan ng katiyakan ng buhay ay mapapalitan ng masayang puso, kagalakan ng kaluwalhatian, at katiwasayan. Sapagkat, ating ipinagkatiwala na sa ating Ama na nasa langit ang ating landasin-ang takbuhing inilagay sa harapan natin.
Mga kapatid ko kay Kristo, Napakabuti ng ating Diyos. Ang Kanyang mga salita ay patunay lamang na sa paghanap natin sa Kanya, nasa Kanya ang kasagutan kung paano tayo mamuhay na nagtatagumpay. Kaya, Piliin nating gawin araw-araw na ilagay ang ATING DIYOS SA HARAPAN natin at hayaan natin Siya ang manguna at magturo sa atin.
God bless us and Shalom! 😊❤️
August 27,2022 Bible Reading: Psalms 5
8 Patnubayan mo ako, Oh Panginoon, sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; patagin mo ang iyong daan sa harapan ko. 9Sapagka't walang pagtatapat sa kanilang bibig; ang kanilang kalooban ay tunay na kasamaan; ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan; sila'y nanganunuya ng kanilang dila. 11 Nguni't iyong pagalakin ang lahat na nagsisipagkanlong sa iyo, pahiyawin mo nawa sila sa kagalakan magpakailan man, sapagka't iyong ipinagsasanggalang sila: mangagalak nawa rin sa iyo ang nagsisiibig ng iyong pangalan. 12 Sapagka't iyong pagpapalain ang matuwid; Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag.
Tunay na sa ating kinagagalawan, ang ating mga makakasama sa buhay eto man ay sa loob ng bahay, sa eskwelahan, sa trabaho o kung saan man ,hindi natin mapipili ang ating mga makakasama palagi. May makakasalamuha at makakasalamuha tayo na hindi mga tunay na Mananampalataya ni Kristo. Tandaan na, yung mga makakasama natin ay may malaking bahagi sa ating pagkatao; at kung hindi TUNAY NA MANANAMPALATAY NI KRISTO sila yung maaring mandaya at manghikayat sa maraming bagay sa atin. Gayundin maaring makaapekto sa ating emosyon/damdamin at pananaw sa buhay. Sila yung ang kanilang sariling kalooban lamang ang kanilang naiisip kaya yung nagagawa nila ay maaring magdala/ maging instrumento sila sa mga negatibong emosyon na gagawa sa ating buhay.
Sa lakaring inilagay ng ating Diyos sa harapan ng bawat isa sa atin, tayong mga Kristyano ay makakaranas ng maraming mga pagsubok, pagtititis, mga problemang kakaharapin, hindi lang puro saya at ginhawa. Oo, ina-allow ng ating Diyos na maranasan ang mga bagay na ito, pero tandaan natin na ang mga ito ay pinag-pauna sa atin. Hindi nagkulang at hindi magkukulang ang ating Diyos sa bagay na ito, pinagpauna Niya na malaman ang mga bagay na ito gayundin ipinagpauna Niya na ang Kanyang Mga Salita ay sapat at tapat na tutulong sa ating upang mapagtagumpayan natin ang mga iyon.
Ang Kanyang mga salita ay nagsasabi sa bagay na ito na- kailangang lumapit tayo sa Kanya. Humingi tayo ng patnubay sa Kanya at idalangin na patagin ang Kanyang daan sa harapan natin. Na sa Kanya tayo magsipangkanlong lalo sa panahon na nakakaranas tayo ng mga hindi natin inaasan, tumawag tayo sa Kanya sapagkat ipagsasanggalang Niya tayo.Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Huwag tayong manglupaypay. Kundi, patuloy na nagpupumilit na lumalakad ng matuwid sa Kanyang harapan tagalay ang kagalakan sa ating puso na may pag-asa SAPAGKAT LILIBIRIN TAYO NG PAGLINGAP NG KANYANG KALASAG. Nais ng ating Diyos na tayo ay maging mapagtagumpaying KRISTIYANO!
God bless po mga Kapatid! Sa ating Diyos ang Papuri!
Covenant With Eyes | Episode 30
Monday Booster | Episode - 29
Hate Evil _ Daily With The Holy Spirit Devotion _ WEEKLY DEVOTION | Episode 30
Monday Booster | Episode - 28