seen from China
seen from Belarus
seen from China

seen from Austria
seen from United States
seen from United States

seen from Thailand

seen from Austria
seen from United States
seen from United States

seen from Australia

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Austria

seen from Austria

seen from United States

seen from Austria
seen from United States

seen from Austria
So I think we did john mulaney proud
I just learned that Wikipedia is roughly 100GB with images 100 gigabytes of what is currently the most dense collection of all of the collective knowledge of humanity in this century is only 100 gigabytes.
What's even more fascinating to me is that it is estimated that the human brain is roughly 2.5 petabytes. Which translates to 2.5 million gigabytes.
If you somehow downloaded all of Wikipedia to a human brain it would only take up 0.004% of that space. All of that info all of that history all of that art and human expression all of that current understanding of the world and universe we live in and it's only .0004% of what we theoretically could know...
wikapedia thinks she's gonna kick it.
June 2020! #teyanataylor Teyana Meshay Jacqueli Shumpert (née Taylor; December 10, 1990)[3] is an American singer-songwriter/actress, dancer, choreographer, director, and model.[4] In 2005, Taylor signed a record deal with American musician Pharrell Williams' Star Trak Entertainment imprint, before making her first national appearance on MTV's My Super Sweet 16. In 2012, she signed to Kanye West's GOOD Music label through Def Jam, after asking for her release from Star Trak.[5] As an aspiring songwriter, Taylor has worked with and written records for artists such as Usher, Chris Brown, and Omarion.[6] Taylor has appeared on runways during Fashion Week and has also landed high-profile features, such as on Kanye West's My Beautiful Dark Twisted Fantasy. She stars in the VH1 reality television show Teyana and Iman, alongside her husband, NBA player Iman Shumpert.[7] -- via #wikapedia https://www.instagram.com/p/B_77RccAmSU/?igshid=125bst6xxe324
Wikapedia is an incredibly reputable source if you actually take the time to read the citations. I mean seriously, it's help me out a bunch of times, and most of the articles(in my opinion) are well written.
Tatak sa Puso...
Ang apoy na tinupok Alaala na lamang ang papawalang usok Nang dahil sa paang siyang tumapak ‘Di na maibabalik sa isang kurap. Isang siklab ay pag-asa Pagkabuhay ay nakasaalang-alang sa mga taong gumagawa Kaakibat ito ng pagkakaisa Lalong pag-igtingin sa pagsasama-sama Para sa pagniningas na dati pang inaasam. Ang paang siyang tumapak Ngayo’y, sana, nagsusumiklab Ang apoy na minsang tumupok Magbabalik, nagbabalik, Ang liwanag ay lalagablab.
________________________________________________________________
Paano mo kausapin ang sarili mo tuwing mag-isa ka? Nagi-ingles ka ba? Bisaya? Tagalog? o natural na conyo o TagLish na uri ng wika ang ginagamit mo?
Mula sa tanong sa itaas, anong naisagot mo?
Sa pagkuha sa kasagutan, naisip mo man lang ba ang pambansang wika na dapat nating pinapalaganap? Wikang Filipino. Wala sa pamimilian sa itaas, namansin mo ba?
Mula sa akda ni Conrado de Quiros, “Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan,” malaki ang mahalaga ng Ingles bilang isang paraan para sa komunikasyon. Ngunit kailangan ba talaga natin ng wikang Ingles sa buhay nating mga Filipino? Malamang na ang pagsang-ayon ang sagot ng nakararami at hindi naman sila nagkakamali.
Sa panahong ngayon kung saan ang teknolohiya’y patuloy na umuusbong sa buong dako ng mundo. Ingles ang pangunahing wika, basic nga raw kumbaga. Ang Ingles ay ang dominanteng global lingua franca ngunit hindi ibig sabihin na ito na kaagad ang primaryang wika ng isang bansa lalo na ng Pilipinas. Ginagamit ito bilang tulay sa pagkakaintindihan ng iba’t ibang mga lahi. Ayon sa tantiya ng ibang mananaliksik, umaabot ng 80 porsyento ang dami ng bilang ng mga non-native English speakers.
Ngunit mas mahalaga ang wikang atin, hindi ba? Bakit pinagsisiksikang ipilit ang Ingles sa bawat Pilipino?
Tignan ang bansang Thailand na ayon sa akda ni de Quiros ay hindi marunong mag-Ingles ngunit ang umaangat pa rin patungong itaas hindi tulad sa ating bansang halos mag-Ingles na lang kahit saan, mula sa mga babala sa daan, pangalan ng mga eatery dyan sa may kanluran pati na sa pagkausap sa mg alagang hayop na pakiramdam ko’y hinuhusgahan ka sa iyong kabaliwan.
Ang problema ay we’re missing the forest for the trees.Tinitignan natin ang kahalagahan ng wika bilang komunikasyon lamang imbes na alamin ang buong diwa nito. Ang punto kasi ay hindi lang naman iisa ang gamit ng wika, hindi lang para sa komunikasyon, marami itong tulong at sari-sari pa.
Magpahanggang sa ngayon, nakikipagpatintero at pilit hinahabol na makamit ng ating sinisintang gobyerno ang katanyagang hatid ng wikang usapin. Pinaniniwalaang ito ang susi sa kaunlarang pang-ekonomiya na dati pang argumento para sa pagtataguyod ng Amerikanisadong Pilipinas. Wow! Napakagandang basahin. Contrasting sh*t.
Mababa ang tingin sa mga hindi marunong at hasa ang paggamit ng wikang Ingles kaya nandyan na naman ang kumpol ng mga tao, magtatakbuhan na parang tanga makahabol lamang sa uso. Puspusang gagamitin kahit hindi naman talaga maintindihan ang esensya. Subalit bakit nga ba patuloy na sinasayang ng isang tao ang kanyang oras sa pagbabasa ng isang artikulong wala namang saysay sapagkat wala namang karagdagang impormasyong naibibigay? Kabobohan.
Welcome sa Pilipinas na isa’t kalahating dayuhang kaisipan na ang tila umiikot at patuloy na dumadaloy sa kaugat-ugatan ng bawat isa. Kung saan ginagawang pribilehiyo ang pagsasalita ng Ingles, isang mabilis na daan patungo sa panandaliang o dagling tapak sa tuktok na mabilis masira.
Nagkakaroon na ng stereotype, kung saan ang mga alipin sa palabas ay nag-tatagalog samantalang ang mga aktor na gumaganap na may gintong kutsara sa bibig ay inaasahan ng magaling makipagtalastasan sa Ingles. Bakit pinapalabas na ang Tagalog o Filipino ay wikang pang-mahirap sa mismong sarili nating bansa at dapat gamitin ang Ingles bilang hagdan patungo sa taas? “Hindi tayo ang rule, tayo ang exception.”...Hindi naman mahalaga na basta iba, ang maganda ay naiiba ka sa magandang paraan.
Ayon nga sa balita ng GMA News taong 2011, isang artikulo ang nailathala sa ilalim ng Manila Bulletin na nagsasaad hindi lang ng agwat sa pamumuhay ng mahihirap at mayayaman kundi pati na rin sa paggamit ng wika. Tinutukoy na wikang pang-kalsada nga lang ba talaga ang ating wikang Filipino? Sapagkat mas pinupuna ang kamalian sa Ingles na para bang dito nakasalalay ang dignidad ng isang Filipino kaysa sa pagpansin at pag-initindi sa kamaliang dapat itama sa Wikang Filipino, parte ng pagkatao nating mga mamamayan dito.
Bakit sa mga hindi marunong ng tamang paggamit ng Wikang Filipino? Ang mga taong ‘di alam ang pinagkaiba ng salitang “nang” o “ng” at “rin” o “din”? Hindi ba mas nakakahiya?
Napapaisip ka na ba? Sapagkat ang wikang Filipino ay tila natatabunan na at umuusbong ang Ingles bilang isang panibagong moda. Isang napakagandang diskarte, ipamahagi ang karunungan upang kaisipan ng mamayan ay mabuksan at tuluyang masakop ng kolonyal.
Ngunit bakit ka mahihiya? Dapat lang! Ngunit huwag nang ihiya pa nang sobra sapagkat ang kailangan ay tamang pagtuturo at paghuhubog.
Nakakatatwa lamang na inuusig na tanggalin ang wikang sariling atin ngunit alam natin sa sarili nating hindi natin ito ganoong kagamay sapagkat paulit-ulit na raw, kahit paulit-ulit na nga. Paulit-ulit nga ngunit sa isip ng iilan lamang napapatda. Innovation? Walang magandang resulta ang pagbabagong hinahangad kung tatalikdan ang iyong pinanggalingan. “Ang siyang marunong lumingon sa kanyang pinagmulan, ay tiyak na makakarating sa kanyang paroroonan.”
Kaya ba ng wikang Filipino ang seryosong diskusyon? KAYA! Sadyang tatanga-tanga ang ibang tao at ‘di marunong makipagsabayan. Kung lahat ay makikisalamuha sapagkat atin namang naiintindihan ang sarili nating wika (hindi ba?)
Sa SONA (State of the Nation Address), isang napakahalagang talumpati sa bansa na dapat maging isang halimbawa upang palaganapin at kumonekta sa bawat mamayang Pilipino sa bawat sulok ng Pilipinas ngunit sinasabi na ang gobyernong Pilipino’y higit na komportable sa pagsasalita sa wikang dayuhan ‘di naman nila totoong gamay. Mas nauuna pang pag-aralan ang wika ng iba kaysa sa dapat naman talaga.
Ang kultura ng iba’y nagiging una pa. Ang tulay o hagdan ang binigbiyan ng higit na kahalagahan imbes na tumawid at pagtuunan ng tunon ang wikang dapat na satin naman. Bago tumuloy at makipagsapalaran sa tulay, ayusin muna at patatagin ang pondasyon ng siyang pinanggalingan bago gumawa ng mga sanga sanga upang kaguluhan ay maiwasan at hindi magkaroon ng kalituhan.
Ika nga ni Conrado de Quiros, “Ang wika ay isang buhay na bagay. tumutubo ang wika mula sa puso ng isang bayan.” Mayroon itong kapangyarihang saklaw, ang kultura at sensibilidad ng lipunan.
Bakit pa kailangan tumingin sa iba kung may hawak ka naman na matatawag na tiyak na iyo talaga? Hindi na kailangan hanapin pa ang wikang pinaka-mahusay sa lahat sapagkat walang likas na mahusay na wika. Tao ang nagbibigay buhay at kabuluhan sa bawat letra,bawat salita, bawat pangungusap na binibigkas. Kung walang taong gagamit at magpapayaman, walang uusbong na mahusay na wika.
Hindi lang Ingles ang may kapangyarihan, kapangyarihan ng mga Pilipino ang wikang Filipino. Sa paggamit ng wikang sariling atin at lubos na niintindihan, ang emosyong maipapamalas ay totoo at mas epektibo, tatak sa puso.
Mga Pinagkunan:
https://www.altalang.com/beyond-words/how-is-english-used-as-a-lingua-franca-today/
https://www.youtube.com/watch?v=p5IRKbYDCy0
https://elvalienteonline.wordpress.com/2018/09/07/the-kili-kili-power/
https://www.facebook.com/wikapediaph/posts/kung-nasa-wikang-filipino-lang-sana-ang-sona-ni-pangulong-duterte-mas-maiintindi/1240517902648185/