Y’all I have 71 units at my college going on 75 and I just want to transfer




#ao3#writeblr#ao3 fanfic#writing community#archive of our own

seen from Malaysia
seen from Brazil

seen from Syria
seen from Canada

seen from Japan

seen from Syria

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Singapore
seen from Brazil
seen from United States

seen from Paraguay
seen from Taiwan

seen from United States
seen from Netherlands
seen from Taiwan

seen from United States
seen from China

seen from Australia
seen from China
Y’all I have 71 units at my college going on 75 and I just want to transfer
Magara pero Sulit na Langit
ISINULAT NI: SEBASTIAN MARCAIDA
Mula noong 4 hanggang 5 ng Disyembre 2021, ako, kasama ng aking mga magulang ay nag-relax at nagpunta sa Grand Sierra Pines Hotel; kahit sabi lang naman ako at ang aking ina para sa isang kaganapan ng mga motorista na kasama ang aking tatay. Batay sa aking naging karanasan, talagang pinatunayan ng hotel ang salaysay na ito ang numero uno na hotel sa Baguio; kaya mukhang totoo naman na kami ay nagkaroon ng pagka-imeldific, karangyaan, at higit pa ay kasiyahan sa 5-star na prestiyosong hotel na ito; na kung saan ay presko mong mararanasan ang pagsilip sa mabundok, masimoy, at mapresko na lupain ng Baguio; at bagkus maari kang mag jogging sa labasan ng hotel tuwing umaga. Ang prestihyosong hotel na ito ay na matatagpuan sa No. 43 North Outlook Drive. Brgy. Gibraltar, Baguio City 2600; na maganda, kasi naging madali lang sa amin mamasyal sa dakong labas ng bayan dahil napakalapit ng hotel sa mga magagandang tanawin sa Baguio tulad ng the Mansion, Mines View Park, Botanical Garden, Wright Park Horse Stable Hill at ang katangi-tanging nakakatakot at nakakapagpabagabag na Laperal House sa Teachers’ Camp. Sapagkat tayo pa rin ay nasa pandemya ng COVID-19, kinailangan pa rin namin gumawa ng ng rehistrasyon sa Baguio Visita website at dumaan sa mga tsekpoint papuntang Baguio; i-tesk ng mga tauhan sa hotel sa pamamagitan ng sistema ng beripikasyon sa email at QR code. Aking inirerekomenda na pumunta sa Baguio sa pamamagitan ng sasakyan kung paputang Marcos Highway dahil uniporme ang daanan o motorbike papuntang Kennon Road dahil mag-alimpuyo at kurbada; at gamitin ang daanan papunta sa TPLEX Pozorrubio-Rosario Exit upang makadaan aliman sa Marcos Highway o sa Kennon Road kung galing sa timog o Metro Manila; na siyang aming ginawa at aabot sa mga 3-6 na oras.
Primera klase ang hotel, kaya mayroon itong kalidad na mga pasilidad na maliban sa kwarto na talagang nakakarelax, malinis (lalo na yung alpombra), magandang asotea, at technologically-equipped– kasama pa ang gym at spa (na pwede mong i-avail sa pamamagitan ng pagreserba o reservation), bar, palaruan, ihawan, nakatagong pananiman sa bakod at meetings/events place; at silid-aklatan ng hotel na aking pinuntahan at talagang nakapag-aral ako nang mahinahon para sa inaabanagan na pagsusulit o gawain sa agham pisikal. Payak ang naging handaan sa buffet pero masarap na parang a la lutong-bahay pero sosyal na klase; kaso lang ay nahihirapan akong noon mag timpla at matunaw ang asukal at krema sa kape, dahil na rin sa lamig ng klima na kung saan mabilis lumamig ang kape noong kumain ako sa buffet. Ang hotel na ito ay lubhang espesyal, lalo na sa akin na mahilig sa sining at pagpipinta na kaya na-enjoy ko ang lugar na ito; kaya lubos kong; sapagkat, may mga katangi-tangi na eksibit ng mga obra at artipakto sa ikalawang palapag, na kung saan ay matatagpuan ang Adkos Gallery; na naglalaman ng mga prestiyosong obra maestra mula kay Fernando Amorsolo, Felix Hidalgo, atbp. Isa sa mga pinaka espesyal sa galerya na ito ay masisilip mo ang obra ng mukha ni Nellie Boustead, isa sa mga naging kasintahan ni Gat José Rizal; na gawa ni Felix Hidalgo; kaya Kinailangan ko na mag-ingat lamang sa pag-libot sa galeriya dahil maliit at dikit-dikit ang espasyo ng lugar, mga obra, at mga artipakto, lalo na naglalaman ito ng mga prestihyosong kagamitan na sirain at sensitibo. Sa labas ng galerya, may mga obra pa na gawa ng mga lokal na pinto na binebenta at sa paligid ng mga kwarto ng hotel ay mga obra na habi ng mga katutubong Igorot. Sa aking pagpunta, kasama ng aking pamilya, kinailangan lang na mag-ingat tuwing gabi, lalo na sa mga taong hindi kayang maparaya ang marahas na simoy ng lamig at lubhang dilim ng Baguio tuwing gabi; kaya napakahalaga na magdala at magsuot ng makapal na damit upang mabisa ang lamig, lalo na sa tuwing sasapit ang hanging Amihan tuwing Disyembre at nag-asaran pa kami na kinayanan ko ang lamig kahit manipis ang aking naging pananamit; at kinailangan talagang gumamit ng flashlight o gamit na pang-ilaw para makapaglakbay sa labasan ng hotel. Sa biru-biruan namin, nag-akala kami kung siguro ba, mas warm-blooded ako kaya mas mainit ang aking dugo sa kabila na manipis ang aking balat, hindi kaya ba dahil lang mas komportable ako sa lamig at dahil sanay ako sa lamig, o baka dayuhan ako na tiga klimang temperate o templada (pero sa totoo naman kasi, may lahi akong Tsino at Kastila).
Sa aking naranasan sa pagpunta at o pananatili sa hotel, ipinahiwatig at ipinakita sa akin ng hotel ang mga leksyon na bigyang halaga ang kagandahan, dahil ito ay bumibigay kulay upang tayo ay mas maging sagana at kapayapaan sa buhay–na parang tila isang berdeng tsaa. Ipinakita ng lugar na nito na kaya nating Pilipino na mabahagi ang ganda, tradisyon, at kultura ng bansa; na maiihahain natin sa dayuhan kahit sa modernong setting; na sa mga tauhan nito na ipinamalas ang kultura ng pagmamalasakit, talagang masasabi ko na tayong Pilipino ay likas na magiliw at malugod. Dahil sa karanasan na iyon, (dagdagan mo pa ang pagiging prestihyoso na kalidad), naramdaman ko na parang naging prinsipe ako kahit man lang sa ilang sandali. Ang birtud na ito ay datapwat ang bigyang-halaga. Ang hotel, lalo na sa aspeto ng sining, ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng sining; upang mas maging makulay ang ating kulturang Pilipino at ang pagpapahalaga sa pagiging tao sa anyong Pilipino.
Alaala ng Kamusmusan
ISINULAT NI: JEAN VILLANUEVA
Kung koleksiyon ang pag-uusapan, ipinagmamalaki ko ang mga di mabilang na alaala ng aking kabataan sa lalawigan ng Camarines, isang payak na paraisong tampok ang mga makukulay na larawang nakaguhit na lamang sa aking kaisipan.
Sa Daet, hindi lamang matatagpuan ang pinakamatandang bantayog ni Gat. Jose Rizal; ito rin ang bayan ng aking mga ninuno at kung saan nakatayo ang aming “ancestral home” – isang malaparaisong tahanang napapalibutan ng malawak na “landscape”, halamanan, palaisdaan at kaparangan.
Tulad ng isang botanical garden, nakatanim dito ang mga ornamental at namumulaklak na halaman: marigold, begonia, yellow bell, anthurium, zinnia, mayanna, adelfa at sari-saring barayti ng orkidyas; ito’y may malawak na laguerta o “orchard” na katatagpuan ng mga puno ng kaimito, chesa, santol, langka, atis, guyabano, bayabas, manga, macapuno at buko.
Tuwing bakasyon, walang humpay na habulan, taguan, bahay-bahayan, pag-akyat ng puno at pamimitas ng prutas at pangangain ng mga kakanin ang pampalipas ng oras naming magpipinsan. Kaulayaw ang aking Lolo’t Lola, duon lamang ako nakakita at nakatikim ng mga sariwang gulay na halos kumumpleto sa awiting Bahay Kubo.
Hindi sulit ang bakasyon kung hindi kami dadaan sa isla ng Calaguas na may pinung-pinong buhanging mala-polboron at asul na kristal na tubig! Masaya kaming nagpapagulung-gulong sa tinatawag na Mahabang Buhanging maihahalintulad sa dalampasigan ng Boracay. Nagkukwentuhan, tawanan at kapag napagod na’y nagpapahinga sa tent o kubo habang idinuduyan ng tunog ng alon at katiwasayan ng kalikasan.
Sa unaunahan ng Hilagang Camarines ang lalawigan ng Albay, ang tahanan ng Bulkang Mayon, na kung mapalad ka ay matutunghayan mo ang halos perpektong hugis nito! Mainam na tambayan ang Lawa ng Sumlang o kung pahingahan din lang ang hanap, sa parke sa Simbahan ng Daraga habang kumakain ng sorbetes na may pleybor na sili, minatamis na pili o Bicol Express.
Hindi matutumbasan ng Facebook o Twitter o panonood ng Netflix ang masaya at makulay na kapaligirang humubog sa aking kabataan. Dahil wala na sila Lolo at Lola, bihira na kaming umuwi sa Bicol ngunit hindi kumukupas sa aking alaala ang masasayang salu-salo, huntahan, kulitan, kainan, tawanan, taguan at takbuhan sa paraiso ng aking kamusmusan. Mananatili sa aking puso ang mga larawang hitik sa mga memoryang hinding-hindi ko makalilimutan.
Pagnais sa Venice
ISINULAT NI: CHRISTIAN LACSON
Naaalala ko pa, ang una kong pagpunta sa isang lugar sa Pilipinas, na mukhang galing sa Italya na napakaganda. Ang pangalan ng lugar na ito ay Venice, isang lugar na malubha kong namimiss. Ang Venice Grand Canal Mall ay matatagpuan sa Fort Bonifacio, Taguig City ito ay kilala dahil sa kakaiba nitong arkitektura na hindi mo mahahanap sa ibang lupalok ng Pilipinas sapagkat ito ay kumukuha ng inspirasyon mula sa orihinal na Venice ng Italya. Noong pumunta ako doon ay kasama ko ang aking mga kaibigan at hindi naman talaga ito ang aming pangunahing destinasyon at napadaan lamang kami, ngunit sa ilang munting oras na paglibot ko sa lugar na iyon, nahulog na ang aking damdamin sa kagandahan at sa katahimikan nito, talagang parang pang romantiko ang vibe ng lugar.
Pumunta kami doon nung umaga kung kaya’y wala pa talagang masyadong maraming tao kung kaya’y nakapaglibot kami ng walang nanggugulo, marami rin naman ang makakainan mo doon at karamihan sa mga restawran ay italian dishes ang binebenta. Kung gusto mo ikutin ang Grand Canal ay pwede kayong sumakay sa Gondola, ito ay isang tradisyonal na bangka na nagmula sa Italya kung saan ang ang gumagaod ng bangka ay tinatawag na mga Gondoliers na kumakanta habang sila’y nasa bangka. Syempre kailangan mong tandaan na may bayad ang pagsakay dun sa mga Gondola, kung tama man ang pagkakatanda ko ang presyo ng pagsakay dito ay nasa 300-500 para sa isang ikot. Ang mga taong nakahalubilo namin doon ay mga mababait at palaging nakangiti, naalala ko pa na habang kami ay naglalakad sa may tulay ay kinakawayan kami ng mga Gondoliers at kinakamusta kami habang sila ay nakanta. Nagkaroon rin ng pagkakataon na nahulog ng isa kong kasama ang kaniyang kartera at hindi niya ito napansin ngunit hinabol siya ng isang nagbebenta.
Napakaganda ng Venice sa umaga kung saan ito ay payapa at tahimik at malalasap mo ang simoy ng hangin, ngunit maganda rin naman ito sa gabi kung saan nagdadalas-dalas ang mga tao naghahalakhakan, nagpapakasaya, at makikita mo ang iba’t-ibang kulay ng ilaw na kumikinang sa iyong mga mata! Magagandang arkitektura, magagandang tanawin, masasarap na pagkain, masaya at mababait na mga tao, ito ang Venice, isang lugar na pag inyong pinuntahan ay inyong babalik-balikan dahil ito ay inyong mamimiss. Pangarap ko na pagkatapos ng pandemic ay agad-agad akong babalik at bibisitahin mo muli ang lugar na ito, kasama ang mga importanteng tao sa buhay ko ang mga kaibigan ko.
Sana ay maranasan niyo rin ang naranasan ko, at kung hindi edi aba’y pasensya nalang po, Si Nikolas Christian Sebastian Carpio Lacson po ito, naghahatid lamang ng mga sariling pananaw ko.
Hanggang sa muli, paalam!
This nigga #ToryLanez was phuckin #CrowdSurfing at the #concert while #performing "Real Addresses." Im #wildlin like everybody else, but the groupie bitches was fuckin pushin me from behind, left&right to get to this lil nigga. Im tryna record n #turnt at the same time. Bad combination.Lol.. #LevelUpTour moments at the #Filmore .Still #rolling
#OrangeSoda #CrushIt #FuckYou #Wildlin
This dude @groovyq was #wildlin yesterday smh lol he had me Soo nervous