Magara pero Sulit na Langit
ISINULAT NI: SEBASTIAN MARCAIDA
Mula noong 4 hanggang 5 ng Disyembre 2021, ako, kasama ng aking mga magulang ay nag-relax at nagpunta sa Grand Sierra Pines Hotel; kahit sabi lang naman ako at ang aking ina para sa isang kaganapan ng mga motorista na kasama ang aking tatay. Batay sa aking naging karanasan, talagang pinatunayan ng hotel ang salaysay na ito ang numero uno na hotel sa Baguio; kaya mukhang totoo naman na kami ay nagkaroon ng pagka-imeldific, karangyaan, at higit pa ay kasiyahan sa 5-star na prestiyosong hotel na ito; na kung saan ay presko mong mararanasan ang pagsilip sa mabundok, masimoy, at mapresko na lupain ng Baguio; at bagkus maari kang mag jogging sa labasan ng hotel tuwing umaga. Ang prestihyosong hotel na ito ay na matatagpuan sa No. 43 North Outlook Drive. Brgy. Gibraltar, Baguio City 2600; na maganda, kasi naging madali lang sa amin mamasyal sa dakong labas ng bayan dahil napakalapit ng hotel sa mga magagandang tanawin sa Baguio tulad ng the Mansion, Mines View Park, Botanical Garden, Wright Park Horse Stable Hill at ang katangi-tanging nakakatakot at nakakapagpabagabag na Laperal House sa Teachers’ Camp. Sapagkat tayo pa rin ay nasa pandemya ng COVID-19, kinailangan pa rin namin gumawa ng ng rehistrasyon sa Baguio Visita website at dumaan sa mga tsekpoint papuntang Baguio; i-tesk ng mga tauhan sa hotel sa pamamagitan ng sistema ng beripikasyon sa email at QR code. Aking inirerekomenda na pumunta sa Baguio sa pamamagitan ng sasakyan kung paputang Marcos Highway dahil uniporme ang daanan o motorbike papuntang Kennon Road dahil mag-alimpuyo at kurbada; at gamitin ang daanan papunta sa TPLEX Pozorrubio-Rosario Exit upang makadaan aliman sa Marcos Highway o sa Kennon Road kung galing sa timog o Metro Manila; na siyang aming ginawa at aabot sa mga 3-6 na oras.
Primera klase ang hotel, kaya mayroon itong kalidad na mga pasilidad na maliban sa kwarto na talagang nakakarelax, malinis (lalo na yung alpombra), magandang asotea, at technologically-equipped– kasama pa ang gym at spa (na pwede mong i-avail sa pamamagitan ng pagreserba o reservation), bar, palaruan, ihawan, nakatagong pananiman sa bakod at meetings/events place; at silid-aklatan ng hotel na aking pinuntahan at talagang nakapag-aral ako nang mahinahon para sa inaabanagan na pagsusulit o gawain sa agham pisikal. Payak ang naging handaan sa buffet pero masarap na parang a la lutong-bahay pero sosyal na klase; kaso lang ay nahihirapan akong noon mag timpla at matunaw ang asukal at krema sa kape, dahil na rin sa lamig ng klima na kung saan mabilis lumamig ang kape noong kumain ako sa buffet. Ang hotel na ito ay lubhang espesyal, lalo na sa akin na mahilig sa sining at pagpipinta na kaya na-enjoy ko ang lugar na ito; kaya lubos kong; sapagkat, may mga katangi-tangi na eksibit ng mga obra at artipakto sa ikalawang palapag, na kung saan ay matatagpuan ang Adkos Gallery; na naglalaman ng mga prestiyosong obra maestra mula kay Fernando Amorsolo, Felix Hidalgo, atbp. Isa sa mga pinaka espesyal sa galerya na ito ay masisilip mo ang obra ng mukha ni Nellie Boustead, isa sa mga naging kasintahan ni Gat José Rizal; na gawa ni Felix Hidalgo; kaya Kinailangan ko na mag-ingat lamang sa pag-libot sa galeriya dahil maliit at dikit-dikit ang espasyo ng lugar, mga obra, at mga artipakto, lalo na naglalaman ito ng mga prestihyosong kagamitan na sirain at sensitibo. Sa labas ng galerya, may mga obra pa na gawa ng mga lokal na pinto na binebenta at sa paligid ng mga kwarto ng hotel ay mga obra na habi ng mga katutubong Igorot. Sa aking pagpunta, kasama ng aking pamilya, kinailangan lang na mag-ingat tuwing gabi, lalo na sa mga taong hindi kayang maparaya ang marahas na simoy ng lamig at lubhang dilim ng Baguio tuwing gabi; kaya napakahalaga na magdala at magsuot ng makapal na damit upang mabisa ang lamig, lalo na sa tuwing sasapit ang hanging Amihan tuwing Disyembre at nag-asaran pa kami na kinayanan ko ang lamig kahit manipis ang aking naging pananamit; at kinailangan talagang gumamit ng flashlight o gamit na pang-ilaw para makapaglakbay sa labasan ng hotel. Sa biru-biruan namin, nag-akala kami kung siguro ba, mas warm-blooded ako kaya mas mainit ang aking dugo sa kabila na manipis ang aking balat, hindi kaya ba dahil lang mas komportable ako sa lamig at dahil sanay ako sa lamig, o baka dayuhan ako na tiga klimang temperate o templada (pero sa totoo naman kasi, may lahi akong Tsino at Kastila).
Sa aking naranasan sa pagpunta at o pananatili sa hotel, ipinahiwatig at ipinakita sa akin ng hotel ang mga leksyon na bigyang halaga ang kagandahan, dahil ito ay bumibigay kulay upang tayo ay mas maging sagana at kapayapaan sa buhay–na parang tila isang berdeng tsaa. Ipinakita ng lugar na nito na kaya nating Pilipino na mabahagi ang ganda, tradisyon, at kultura ng bansa; na maiihahain natin sa dayuhan kahit sa modernong setting; na sa mga tauhan nito na ipinamalas ang kultura ng pagmamalasakit, talagang masasabi ko na tayong Pilipino ay likas na magiliw at malugod. Dahil sa karanasan na iyon, (dagdagan mo pa ang pagiging prestihyoso na kalidad), naramdaman ko na parang naging prinsipe ako kahit man lang sa ilang sandali. Ang birtud na ito ay datapwat ang bigyang-halaga. Ang hotel, lalo na sa aspeto ng sining, ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng sining; upang mas maging makulay ang ating kulturang Pilipino at ang pagpapahalaga sa pagiging tao sa anyong Pilipino.















