Elementary-College. Pati Kindergarten.
Kanina habang pauwi ako galing sa SM, nakasalubong ko si Haisel sa Teresa. Ayun kinuwentuhan ko sya habang naglalakad. Tapos naiisip ko na tumambay na muna ako sa kanila. Habang papunta naman kami sa boarding house nila. Nakasalubong namin si Arlo. Nakita ko kasi sya bumaba sa jeep. Eh madalang naman kami magtagpong tatlo ng sabay-sabay, kaya sumama na din si Arlo.
Si Haisel, classmate ko siya nung Grade1, Grade3-6, High school at ngayon schoolmate ko din sya sa PUP. Si Arlo naman, classmate ko siya ng Elementary, 1st year, 3rd at 4th year High school. PUP din sya. Tapos silang dalawa magkaklase ng Kinder.
Nagkwentuhan kami ng mga recent event sa buhay namin. LOL Basta yung latest. Mga quizzes/test, professor, schedule, mga ganon. Usually school stuffs. Dun na din kami nagdinner kasama si Ate Jenuelle. Ang dami namin napag-usapan. Pati mga dorm-mates namin napag-usapan namin. Highschool. Hanggang sa umabot na kami sa Elementary days namin. Yung mga classmate namin, kaibigan, kabarkada. Wala kasi kami masyadong connection ng Class VI-1 (2006). Yung mga hindi namamansin, yung mga nakalimot at iba pa. Pati kinder days nila nadamay. Nagulat nga ako sa dami ng naalala ni Arlo eh. Pati mga lunchbox ng classmates niya naalala niya. Hahahahah.
Ang dami kong naalala. Hindi kasi ako ganun katandain sa mga nangyari sa akin. Konti lang yung tinatandaan ko. Yung mga significant lang. Madalas pa puro tungkol lang sa mga close friends ko.
Masaya din makipagkwentuhan sa mga kaibigan mong kahit madalas kayo magkita. Dorm-mate ko yung isa, yung isa adviser ko at madalas ko puntahan para magturuan ng Math subjects at magsabi ng problema.
Ang sarap isipin ng mga nagngyaring mga bagay sa nakaraan. Lalo ng yung mga sobrang tagal na. Mas nalalaman kung paano ka lumaki at nagbago bilang isang tao.