Pangako bilang kaibigan.. bilang isang katropa.
Kahit anong mangyari, alalay ako sa inyo. Suporta. Syempre kaibigan. Dumating man sa puntong pagod na kong makinig sa inyo. Matutulog lang ako sandali. Makikinig ulit ako sa inyo. Kilala nyo naman ako eh. Mahal ko kayo. Kontra man ang buong mundo sa kasiyahan mo, pero ako? Andito pa din ako. Karamay at kakampi mo. Hindi kita iiwan kahit talikuran ka ng lahat.











