Maniwala ka lang sa kakayahan mo, at sa sarili mo
Cams
08-01-18

Andulka

Love Begins
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
Misplaced Lens Cap
No title available
Keni
cherry valley forever

#extradirty

tannertan36
Sade Olutola
Stranger Things

Product Placement
taylor price
Lint Roller? I Barely Know Her
Cosimo Galluzzi
Show & Tell
The Stonewall Inn
No title available

ellievsbear
YOU ARE THE REASON

seen from United Kingdom

seen from Türkiye

seen from Australia

seen from United States
seen from Italy

seen from Ireland
seen from United States

seen from Australia
seen from Malaysia

seen from Switzerland
seen from Germany
seen from United States
seen from Italy

seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Netherlands
seen from United States

seen from Türkiye
seen from Germany
seen from Portugal
@therealcams-blog
Maniwala ka lang sa kakayahan mo, at sa sarili mo
Cams
08-01-18
Mr. Unknown
Mr. Candy,
Five years? 5 years na pala ang nakalipas. pero hanggang ngayon hindi pa rin kita kilala at hindi ko matandaan ang mukha mo. Pero thank you, dahil sayo nakaalis ako sa lugar na puno ng panglalaot at takot. Nung panahon na yun hiyang hiya ako na bumalik sa lugar na yun dahil sa ginawa ko. Hahaha :) Sayang, hindi ako nakapagthank you sayo sa personal ni hindi ko man nakita yung mukha mo, basta ang naaalala ko lang sinubuan mo ako ng candy :) Kung sino ka man, sana magkita tayo kahit isang beses lang.
Mr. Jeepney,
May isa pang tao na tumulong sakin, takot na takot ako nun sa jeep dahil sa harap ko may dalawang lalaki na lasing at iba yung titig nila sakin. Napakalayo ko pa iskwelahan para bumaba. May katabi ako same University kami pero hindi ko na nakita yung uniform niya para malaman ko kung anong course niya dahil sa takot ko nasa dulo ako ng jeep ng biglang...hinawakan niya yung pole sa dulo ng jeep akala ko bababa na siya...pero hindi...parang tinakpan noiya ako dahil nakikita niya ng takot ako sa dalawang lalaki...pinotrektahan niya ako kahit hindi niya ako kilala. Malayo pa ang University namin para makababa na ako, simula nung nanginginig ako sa takot prinotektahan niya ako hanggang makarating ako University...sasabihin ko na sana yung salitang “para” pero siya yung gumawa...pinauna niya akong bumaba tapos bumaba na rin siya. Dahil sa kanya hindi na ko natatakot sa mga lalaki. Nagthank you ako sa kanya. Pero hindi ko na tinanong pangalan niya...Nakalimutan ko na rin yung itsura niya...Pero kung sino ka man thank you :)
May dalawang strangers na lalaki na gusto kong makilala...pero naisip ko wag na lang. Malay natin magkita ulit kaming tatlo sa tulong ng tadhana, yung isa si Mr. Candy yung isa naman si Mr. Jeepney haha. Hinding hindi ko kayo makakalimutan. Sana protektahan niyo rin yung mga taong malapit sa puso niyo at yung taong nagpapasaya sa inyo. Thank you sa inyong dalawa :)
Cams
10-10-17
How?
Cams
9-17-17
Cams
9-17-17
Kaya ko pa.
Ang dami natin katanungan sa buhay. At sana lahat ng salitang “ Bakit? “ ay may tamang kasagutan, minsan naman lahat ng salitang “ Sana “ ay matupad. Lagi na lang ba tayo’ng masasaktan, mapapagod, iintindi, at iiyak?
Kapag ang tao ay napagod hindi ibig sabihin nito sumusuko na siya. Dahil na uso ang salitang pahinga. Kapag ang tao ay umiyak hindi dahil sa hindi na niya kaya, dahil tao din siya na nasasaktan at napupuno na. Kapag ang tao ay tumigil sa pag-intindi sayo hindi dahil sa pagod na siya sayo, dahil gusto niyang maintindihan mo ang bawa’t salita na sinasabi niya. Kapag ang tao ay nasaktan hindi dahil sa bumitaw na siya sayo, dahil gusto niya’ng maisip mo may pakiramdam din siya. Lahat ng bagay sa mundo ay may limitasyon nasasayo na lang iyon kung itutuloy mo pa o titigil ka na.
Cams
9-7-17
Hindi ikaw ang nasaktan.
May mga bagay na gusto mo sana’ng balikan, pero mas pipiliin mo na hindi na lang. Natatakot ka baka masaktan ka ulit. At yung sakit na pwede mo maramdaman ay doble pa sa sakit ng dati.
Pero ang pinakamasakit sa lahat, yung mga kaibigan mo na akala mo naiintindihan yung sitwasyon mo... hindi pala. Kahit kaibigan ko sila, wala kayong karapatan husgahan kung gano yung dinanas ko dati. Magkaiba man tayo ng sitwasyon pero parehas lang tayo na tao na nasasaktan din. Sana marunong kang makinig sa iba.
Cams
08-31-17
Still, I'm waiting.
Cams
Good luck,Camille!
Dear Tumblr,
Hello I’m back!Sorry kase hindi ako everyday active sa tumblr. Naging busy lang ako, sa paghahanap ng work. At nagdeactivate kase ako ng mga accounts for personal matter. Anyways, meron pala akong ishe-share. July 8,2017 nagkaron kase ng one processing ang EAST WEST BANK sa Taguig, luckily nakapasa ako sa exam ang initial interview actually ang ina-applyan ko talaga Service Associate ( Teller ) or Sales Associate ( Telemarketing/New Accounts ) Sabi sakin ng HR gusto daw niya ako ilagay sa Customer Service. Well, sayang naman ginrab ko na ung oppurtunity.Then after nun meron kaming hearing test which is dun mo malalaman ang mga Good clients and Bad clients. After nun sabi samin may FINAL INTERVIEW kami July 11,2017 sa mga Managers. OMG! Kinakabahan ako. What if magfail nanaman ako this time? Sana matanggap na ko. Sawang sawa na ko sa rejections. Bukas na nga yung final interview ko eh. -____- KAYA KO TO! ishe-share ko yung result dito. Good luck to me. Please guide me.
07-09-17
Cams
Pain.
Hi tumblr. I‘ back after 8 months. Bakit nga ba ko nagbalik? Gusto ko lang kase maglabas ng sama ng loob. Lalo na ngayon wala akong mapagsabihan. Best friend ko nasa ibang bansa...kapatid ko hindi naman kami ganun ka close lalo na lalaki sya halos lagi na lang din kami nag-aaway...mga magulang ko? hindi ko alam kung dapat ko sabihin sakanila lalo’t na sa kanila ako may sama ng loob. Hindi ko alam sa dami ng tao sa mundo sakin pa napunta yung sakit na yun. Hindi ko rin naman ginusto magkaron ng sakit. Lahat nagbago dahil sa sakit ko. Masaya na ko, may trabaho na ...tapos natutulungan ko pa magulang ko..ang saya lang sa pakiramdam. Pero sa isang iglap lang nagbago ang lahat. Nasa comfort room ako at nilock ko after nun nawalan na ko ng malay at hindi ko na matandaan yung nangyari. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matandaan. Dahil nalaman nila sakit ko tinanggal nila ako. Ang saklap. DAHIL SA SAKIT KO. Sabi ng magulang ko “ okay lang yan makakahanap pa daw ako “ naniwala ako dun. Syempre nag-apply ako sa iba naniniwalang matatanggap ako. Pero hindi. Ang dami ng rejections sa buhay ko. Sa una okay lang patagal ng patagal nadidisappoint na sila hindi lang nila masabi. TAPOS NGAYON, yung mga narinig ko sa nanay ko ang pinakamasakit na nangyari sakin. Sabi ng nanay ko “problema na nga nila yung araw araw na pamasahe ng kapatid ko tapos dadagdag pa ako dahil sa sakit ko.”
Siguro kung wala lang akong sakit hindi nila ako poproblemahin.Araw araw na lang ganito. Kailangan nila akong sabihan na may sakit ako. Ako nga na may sakit gumagawa ako ng paraan para isipin ko na wala akong sakit na kaya kong maging normal.Pero ang hirap na. Minsan hindi ko na kaya. Lumalaban lang ako kase iniisip ko lola ko at mga pinsan ko. Hanggang dito na muna hindi ko na kaya isipin ang lahat.Lalo lang ako nasasaktan.
Cams
6-20-17
I don’t know why :)
“ yung feeling na napapangiti ka na lang bigla. nababliw na ba ako? siguro. pero seryoso hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako napapangiti. Simula lang nung nagsa-soundtrip ako tapos bigla na lang ako napapangiti. Wala naman akong iniimagine. As in parang automatic na lang. “
10-14-16
“Cams”
7 years and counting...
Since 2009 naging magkaibigan tayo, pero hindi ko inasahana na isa ka pala sa mga totoo kong kaibigan. Patagal ng patagal ang panahon lalo kita nakikilala...at nagpapasalamat ako kase andyan ka lagi kapag may problema ako, at andito rin ako lagi kapag kailangan mo ako. Ang bilis ng panahon at hindi mapagbiro madami na nagbago sa atin. Mas lumalim ang pagkakaibigan natin, hindi na nga siguro kaibigan ang turingan natin sa isa’t isa kundi kapatid o best friend. Sabay tayo nagtapos ng high school, hindi man tayo sabay nagtapos ng college pero sinuportahan naman natin ang isa’t isa. Halos wala nga tayong pinagaawayan eh. Kase hindi naman tayo tulad ng iba. Ngayon na malapit ka na magtapos ng college. Syempre, may onting magbabago satin kase kailangan na natin magtrabaho. Nung isang araw na nagpasama ka sa akin...nung nakita ko pa lang hawak mo yung dati mong passport. Nasa isip ko (aah...may balak talaga siya magibang bansa) hindi ko lang siguro pinapahalata pero, nakaramdam ako ng lungkot nun. Tapos nung pumunta tayo sa rooftop namin, sabi mo sakin “labs, kapag malungkot ka, upo ka lang dito sa pwesto ko tapos isipin mo ko sabihin mo (kim kelan ka ba uuwi?)” nung sinabi mo sakin yun. Ahhh gets ko na! May balak ka talaga na umalis hindi mo lang alam kung pano sasabihin sakin. Pero okay lang, desisyon mo naman yan eh. Alam mo naman na andito lang ako para sayo, suportahan kita sa lahat ng gusto o desisyon mo sa buhay. Pero i-promise mo lang na hindi mo ko kakalimutan. Wag ka magalala kapag may work na ko magiipon ako para sundan ka kung san ka man pupunta. Hindi lang siguro ako sana’y na wala ka.
It happens in real life...I wish this will not happen to me when I get older.
10-1-16
“Cams”
The track list of FLIGHT LOG:TURBULENCE...nice songs!! Veeeeryyyy cool! :) Yesterday they already revealed the Music Video of Hard Carry. The JYP Family gives them a support, and cheer them. Even their Boss (Park Jinyoung PD), congratulate them through Instagram. Again, congratulation to your new album GOT7. (We) the IGOT7 are always here to support you and cheer you guys. We well give you motivations to compose and produce new songs. Let’s just focus on the positive things. WE LOVE YOU GOT7!!!
GOT7 and IGOT7 trip to forever <3!!!
9-27-16
“Cams”
9-26-16
“Cams”
Friend, I’m still here!
Na experience niyo na ba na maleft out. Ever since kayo lagi magkasama. Gumala, kumain, magsine, gumawa ng kalokohan. Namimiss ko na lahat yun. Namimiss ko ng gawin kasama ang dati kong kaibigan. Sabi nila people change, oo naniniwala ako dun kase wala namang permanente sa mundo. Pero hindi ko inakala na pati ikaw ay magbabago...yung maya’t maya magkachat kaming tatlo sa GC ngayon para hindi na nangyayare. Madalas kami magkulitan, magasaran...halos alam na nga namin ang ugali sa isa’t isa kaya kung ano ang dark side nya tinatanggap namin ng buong puso. Sabi nga love all his/her imperffections.
Kaso sa isang iglap nagbago lahat. Halos 4 na araw na hindi kami nagkakachat. Wala ng kamustahan, wala ng galaan, nagbago na nga siguro ang lahat. Masaya ako kase may nagpapasaya na sa kanya. Pero sana wag niya kalimutan na may mga kaibigan pa rin sya na nagaantay sa kanya. Wala akong magagawa mas napapasaya na siya ng lalake sa buhay niya. Aantayin ko na lang siguro yung araw na siya na ang lalapit sakin, at sasabihing namimiss ako.
Sana masaya ka ngayon, friend.
9-25-16
“Cams”
Hindi maintindihan
“Hindi kita maintindihan, kung bakit ka nagkakaganyan
May nagawa ba ako? Kaya ako ay i’yong nilalayuan
Dumating siya sa buhay mo..kaya wala na ba ako para sayo?
Pero kahit anong mangyari ako’y narito, at umaasa na mapansin mo”
P.S. ako po talaga nagcompose nyan. haha
9-24-16
“Cams”
I just wanna love you! <3
9-22-16
“Cams”