Why it’s important to vote for politians who actually do their job
We are a fifth class municipality. But days before the storm hit everyone was prepared.
Bago pa man bumagyo ay alam na ng mga tao kung saan pupunta kung sakali man na bumaha, saan tatawag kung kailangan ng tulong, tapos nakahanda na generators para roon sa mga kailangan mag charge kung sakaling mawalan ng kuryente.
May nakabantay sa ilog 24/7 para makaalis ang mga nasa malapit nito kapag tumaas ang tubig. Nakahanda ang rescue team kasama ang mga sasakyan at gamit. May mga tents, pagkain at generator ang evacuation center. May sapat na lugar para magkaroon ng distance for safety measures dahil sa banta ng corona.
Hindi kami first class municipality pero panatag ang mga tao. Kasi handa kami. Pinapahalagahan ang kaligtasan tao at may plano. Mabilis kaming makaahon mula sa mga sakuna at nakakabalik agad sa normal na daloy ng kanya-kanya naming buhay.
Walang pasaway, alam niyo kung bakit? Kasi binibigyan kaming assurance ng mga namumuno sa amin. Lahat ay nagkakaisa kasi ang plano ay malinaw at maayos na naiabot sa bawat isa.
Kaya sa susunod bumoto kayo ng maayos. Piliin niyo iyong alam niyong kaya gawin ang trabaho nila. Utang na loob, taasan niyo ang standards sa pagpili. Hindi pwede iyong ‘pwede na’.
Dahil sa panahon ngayon hindi na blessing ang ‘Filipino Resilience’ kung hindi sumpa. Oo kahanga hanga ang kayang tiisin ng mga Pilipino, pero naisip niyo ba? Bakit kailangan pa nating magtiis in the first place?
Stop romanticizing hardships, start demanding for accountability.