SAD STORY
Ambulance Running🚑🚑🚑
Suddenly😱😱😱
He say's◻◻◻◻◻◻◻
GOODBYE😭😭😭
ojovivo
The Stonewall Inn
Keni

pixel skylines
hello vonnie
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

No title available
KIROKAZE
★

No title available
macklin celebrini has autism

PR's Tumblrdome

titsay
NASA
No title available
h
Not today Justin
Interview Vampire Daily

Game Changer & Make Some Noise
seen from Canada
seen from United States

seen from Türkiye

seen from Iraq

seen from Netherlands
seen from Indonesia
seen from Italy
seen from Mexico

seen from Canada

seen from United States
seen from Italy

seen from Netherlands
seen from Colombia

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Germany
seen from Türkiye

seen from United States
@thewishfulthinker08-blog
SAD STORY
Ambulance Running🚑🚑🚑
Suddenly😱😱😱
He say's◻◻◻◻◻◻◻
GOODBYE😭😭😭
THROWBACK
Masayang balikan ang nakaraan, nakaraan na naging parte na ng buhay mo sa kasalukuyan. Habang sinasariwa ang aking nakaraan ay hindi ko maiwasan ang matawa dahil sa mga pinaggagawa namin na akalain moy nagawa mo pala. Masayang balikan yung mga panahong naglalaro kayo ng mga pinsan at kaibigan mo maghapon ng walang prinoproblema, yung mga panahong maglaro kayo ng bawang base at wala ka man lang ginawa kundi upuuan ang bato, yung sa patintero na kapag nahuli ka ay idedeny mo pa dahilan para mag aaway away kayo, yung sa tagutaguan ang laro niyo tapos ang gagawin mo magtago ka sa bahay niyo at ilock ito hanggang sa mahilo na kakahanap ang taya sayo, pero ang malupet ay iyong wala na kayong maisip na laro tapos ay napagdikitahan niyo ay yung putik na kunyari ay maglulutuan kayo tapos gagawa kayo ng halo halo kunyari yung buhangin yung yelo nito tapos yung mga iba naman ang bibili at ang pera niyo ay yung dahon ng bayabas, yung laro na kunyari gagawa kayo ng cake gamit ang putik pagkatapos kapag nadumihan na kayo sabay sabay na kayong maligo at kapag umulan tatakbo agad kayo sa labas at maglaro yan ang mga bagay na talaga namang napakasayang alaala na kapag iyong binalikan talaga namang tatawa ka ng lubusan. Kay sarap talagang balikan ang nakaraan na kung okay lang ay gusto mong bumalik sa pagkabata para maramdaman muli ang saya ng nakaraan na natakpan na ng kasalukuyan
Beyond that SMILE
Sinasabi nila napakamasayahin ko daw na parang wala akong kaprobleproblema, napakamasayahin ko daw dahil kahit pinagtritripan na nila ako ay hindi parin ako nagagalit at itinatawa ko nalang daw kaya nga daw napaka ganda akong asarin kase hindi ako pikon pero akala lang nila yan dahil ang totoo sa kabila ng pagtawa ko kapag niloloko ako ay nakakaramdam din ako ng lungkot sa kabila ng hindi ko pagpansin sa pagloloko niyo sa akin ay nakakaramdam din ako nh sakit kasi tao rin ako at nabubuhay pa ako kaya may pakiramdam din ako pero siguro nasanay na ako dahil parati naman ganyan na kapag ako ang topic marami ka talagang maipipintas sa akin physical feature palang ang dami na pero hinahayaan ko nalang, hinahayaan ko nalang kase doon sila masaya e sa pagtrip sa akin kaya ano ba dapat ang gawin syempre itawa ko nalang rin dahil sa tawa marami kang maitatagong nararamdaman dahil sa pagtawa mo pwede mong maitago ang sakit na nararamdaman mo. Kaya sa mga nantritrip sa akin jan, If you only know kahit na nakasmile ako nasasaktan parin ako
LODI
Tayo ay may kanya kanyang iniidolo kung saan sila ang inspirasyon natin, sila ang umiimpluwensya sa atin tulad na lang sa paraan ng kanilang pananamit pananalita at sa pakikitungo sa kapwa at ang isa sa iniidolo ko ay SIYA, siya na napakamasayahin siya na napakaraming kaibigan siya na matalino sa lahat ng asignatura siya na talented mapa sa sayaw o sa pagkanta siya na sa tingin ko ay nasa kanya na lahat, lahat ng ng katangian na gusto kong taglay ko pero di ko magawagawa, di ko makuhakuha. Ano ba ang secret mo? How to be you po?
SAlamat,YOu're my hero
Sa dinami rami ng gurong nakakasalamuha ko ikaw yung pinakagusto ko dahil sa tingin ko iba ka sa lahat ng gurong nakilala ko dahil nasayo iyong katangiang ng guro na gusto ko tulad may mga oras lamang ang mga jokes at ang pagiging seryoso sa pag aaral, Diko alam kung bakit maraming natatakot sayo dahil dahil sa strikto ka pero pero para sa akin ikaw parin ang the best na guro kasi nakilala ka namin, nakilala namin ang gurong kinakatakutan nila pero ang hindi nila alam ay mapagmahal ka sa mga estudyante mo lalo na saamin noon. Kaya salamat maam dahil sa madami akong natutunan sayo hindi lang tungkol sa subject kundi pati narin ang mga payo kung paano maging mabuting mag aaral. Samat sayo maam, you're my hero
Ang Kwento Ko
Lahat tayo ay may kanya kanyang kwento ng buhay na pwedeng maging drama, romance at iba pa. Ngayon ay ikukwento ko sa inyo ang pelikula ng buhay ko, nag umpisa ito noong nagkaisip na ako, kung saan hindi ko matanggap na marami ang nambubully sa akin at kasama ma na dito ang mga kamag anak ko na mas nakakatanda sa akin, diko alam kung talaga lang bang hindi maiexpress ang pagmamahal nila sa akin pero iba talaga e, pati mga kapatid ko gunin lalo na kapag nag aaway kami dahilan para isipin ko kung mismong pamilya ko ginaganito ako much more sa mga di ko kakilala na maaaring makasalamuha ko dahil dito naging mailap ako sa mga tao kapagkinakausap ako, ayaw ko nang dumidikit sa mga tao dahil ayaw makarinig ng kung ano ano, hanggang sa may nakilala ako na isang kaibigan, kaibigan na talaga namang naramdaman ko ang pagmamahal feeling ko parang parte na siya ng buhay ko, naging maganda ang samahan namin hanggang sa dumating ang puntong umalis siya wala naman akong magagawa dahil yun ang plano niya at doon umalis siya, sa pagkaalis niya ay nawala na ang komunikasyon namin at ngayon patuloy ko paring hinihintay ang pagbalik niya o kaya naman ay ang pagchat niya sa akin dahil sa tingin parte na siya ng buhay ko dahil siya talaga ang bestfriend ko
PAsALAMat
Bakit napakahirap kong sabihin sayo ang salitang salamat, kung tutuusin ay ang dami mo nang nagawang mabuti sa akin kaya nga ikaw favorite kong lola ko ikaw pa nga ang kaclose ko kesa sa parents ko pero tuwing tinutulungan mo ako di ko alam pero diko kayang sabihin sayo ang salitang salamat, hindi sa walang akong galang at modo, hindi ko lang talaga kayang sabihin dahil sa mga nababasa ko na kapag nagpapasalamat sila ay parang nagpapaalam na rin sila kaya naman para sa akin napakapangit pakinggan na sabihin "salamat lola sa tulong at pagmamahal mo sa akin hinding hindi ko yon malilimutan" dahil ang pinakaayaw ko sa lahat ay nagpapaalam sa mga mahal ko pero laking sisi ko at hindi man lang ako nakapagpasalamat sayo noong nandito kapa sa mundong ginagalawan ko hindi mo man lang narinig ang salitang salamat na nanggaling sa mismong bibig ko dahil huli na noong nasabi ko pero kahit ganoon ay gusto ko parin ang magpasalamat sayo at banggitin ang mga salitang salamat lola ng sobra, kaya laking pagsisisi ko na sa pagkakaalam ko na sinasabi lang ang salamat pag nagpapaalam dahil napakasakit pala sa damdamin na nagpapasalamat ka na nagpapaalam mas magandang nagpapasalamat ka sa kanya ng hindi nagpapaalam
SPAGHETTI
I was 7 years old noong first time kong pumunta sa Tuguegarao, kaya naman excited ako noong na pumunta para makapunta ako sa jolibee, kasama ko noon ang parents ko at si lola, naglibot muna kami at noong nagutom na ako saka kami pumunta sa jolibee, pagpasok palang namin marami nang tao kaya naman naghanap na kami ng mauupuan habang si nanay naman ay pumuntang nag order, pagkaràting ng pagkain ay talaga namang ginanahan ako lalo na at ang sarap ng spaghetti pero maya maya lang ay nagkwento si lola yung experience niya noong first time niya dito may muntikan na daw siyang nakaaway dahil sa hindi sila nagkaintindihan nung babae dahil iba ang linggwahe niya kaya bigla akong napatawa at kasabay non ay ang paglabas ng spaghetti sa ilong ko natigilan si lola at tumingin sa akin, marami ang nakatingin sa akin kaya nahiya ako pero ang mas ikinahiya ko ay yung hinugot ni lola yung spaghetti mula sa ilong ko, hindi ako nagsalita hanggang sa natapos kaming kumain at noong paglabas namin saka ako pinagtawanan nila nanay. Nahiya talaga ako doon, dahil yung first time ko sa jollibee may nakakahiyang nangyari
Ako ay naging Ako dahil sa Pagkakamali ko
Alam mo yung feelings na sa tingin mo ay naprepresure ka dahil sa sabi ng mga kapatid mo na ikaw ang bread winner ng pamilya, to the point na ayaw mo nang magkamali kasi sa tingin mo pagnagkamali ka madidisappoint mo ang pamilya mo, kaya noong nangyari nga ang kinakatakutan mo, ang bumagsak sa klase, sasabihin mo sa sarili mo na IM DEAD, feeling mo kase na you failed your family and their expectation on you, pero noong narinig ko ang sabi nila na "natural lang ang pagkakamali, nagkakamali tayo para matuto tayo sa pagkakamali natin" doon ko napagtanto na wag kang matakot magkamali dahil pagnagkamali ka ibig sabihin natututo ka, parang sa sabi sabi na hindi mo matututunan ang magbisikleta hanggat hindi ka nagkakamali, kaya naging ganito ako ngayon dahil sa pagkakamali ko. Doon ko napagtanto na kailan man hindi magiging tama ang mali ngunit ang mali ay pwedeng itama.
BUBBLE GUM
"Ang samahan natin ay parang bubble gum na sa umpisa mo lang malalasahan ang tamis ngunit habang tumagagal mawawala rin ang lasa in short nagtagal lang ng pansamantala."
Masaya ako ng nakilala kitak noong una. Ikaw ang naging kaibigan ko at tinawag kong bestfriend.Naging masaya naman ang ating samahan hanggang sa diko alam pero iba na ang aking nararamdaman, kasabay nito ang pag iwas mo sa akin sa di ko alam ang dahilan, kung noon tayo ang magkasamang magrecess bigla nalang iba na ang kasama mo.Nasaktan ako dahil ang kaibigan ko ay iniiwasan na ako. Naghintay ako na baka pansinin mo parin ako pero wala na, lalong lalo na noong nagbago ka ng mapapasukan.Sa nangyaring ito masasabi kong ang pagkakaibigan natin ay tumagal lang ng pansamantala.