The God Killer
The Bright Sessions

Discoholic đȘ©
official daine visual archive
EXPECTATIONS

No title available
Cosimo Galluzzi
KIROKAZE

@theartofmadeline
occasionally subtle

ellievsbear
Color Me Curious
Sade Olutola
h
đ©” avery cochrane đ©”

oozey mess
todays bird

shark vs the universe
đ
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
sheepfilms

seen from United States

seen from Maldives
seen from Ecuador
seen from United States
seen from Colombia

seen from Malaysia

seen from Germany
seen from Bangladesh
seen from United Kingdom
seen from Costa Rica

seen from Singapore
seen from Nepal
seen from Brazil
seen from China

seen from United States
seen from Philippines

seen from United States

seen from Canada

seen from Argentina
seen from United Kingdom
@thewordkeeper-blog1
The God Killer
WHERE DO BROKEN HEARTS GO?
WHERE? It doesnât necessarily have to be a place.
Ayan ang palaging tanong saâkin ng mga kaibigan kong broken hearted. Kala mo naman kapag sinabi kong âpumunta ka ng South Korea, hanap ka dun ng oppa. Andoon ang forever. Abs. Emegerdâ gagawin talaga. Nakakatawa lang kasi sila mismo sa sarili nila, alam naman nila kung saan sila dapat pumunta. Alam nila sa sarili nila kung anong dapat nilang gawin para mawala ang sakit. Nagtatanong sila dahil gusto nilang humanap ng mas madaling paraan. Hindi nila ginagawa kasi alam nilang hindi ito basta basta.Â
Totoo naman eh. Hindi yun kasingbilis ng paglubog ng araw, hindi kasingbilis ng paglamig ng kape mo sa starbucks dahil hinihintay mo yung kaibigan mong âon the wayâ na daw. Hindi kasingbilis nagpagpapatuyo sa nail salon ng gel polish mo, hindi kasingbilis ng pagsama mo sa kaibigan  mo pag sinabi niya ang mga mahiwagang salitang âlibre kitaâ. Hindi kasingbilis maubos ng yellowpad mo pag may quiz dahil isang buong klase niyo ata ang nanghingi sayo, partida dalawa pa yung sa iba. Higit sa lahat, hindi âyon kasingbilis na pagkagising mo kinabukasan ay nagawa mo na.
Iniisip niyo siguro na âdami namang sinabi nun, di na lang diretsohinâ. Ganyan talaga, kailangan mong maging âpatientâ. Hindi patient sa ospital dahil nagkasakit ka na kaka-love love mo diyan tapos sasabihin ng nanay mo âkaka-computer mo yan ehâ. Di ganon, patient as in  KAILANGAN mo ng mahabang pasensya. Bakit? Dahil ganyan din ang pagdadaanan mo bago ka tuluyang maka-move on, bago tuluyang mawala ang sakit, at bago mo marating yung lugar na sinasabi mong tambayan ng mga broken hearts. Gaya ng mga nabasa mo na maraming pasikot-sikot at mukhang walang sense pero sa huli alam mong may matutunan ka.Â
Ang dami ko nang sinabi pero isang word lang naman ang kailangan talaga. Excited ka nang malaman no? Ayiie, makakamove on na siya. Oh wag kang umasa diyan. Gaya ng sabi ko, mahaba ang proseso. Matagal pero kung mas nanamnamin mo yung sakit sa bawat sandaling lumilipas na nagmomove on ka, mas magiging fulfilling ang pakiramdam mo sa huli. To the point na mapapaisip ka nalang na âWHAT THE HELL? INIYAKAN KO YANG PANGET YAN? NAKAKALOKA, MUKA SIYANG KUTO. YUCK. EWWW. DARLAAAAA!â ganern. Para ma-achieve mo ang ganiyang accent ni Kris Aqui- oops teka mali pala ko ng tinuturo, eto pala dapat. Para makawala ka na sa sakit, isang bagay lang ang kailangan at dapat mong gawin. Ano yun? Isang salita lang... TANGGAPIN.
Isang salita lang yan pero mahirap gawin. Marami kang dapat pagdaanan bago mo tuluyang matanggap na hindi talaga kayo ang para sa isaât isa, na hindi na matutupad yung sinumpa niyong forever sa ilalim ng puno ng alatiris. Maraming pangako ang napako at maraming oras, pagmamahal, at pera (na ginastos mo sa pambili ng monthsary, anniversary, birthday, christmas, at kung anu-ano pang regalo na binigay mo sa kanya, isama mo na rin yung pamasahe at pangdate) ang nasayang. Pero hindi ka dapat manghinayang sa mga iyan dahil naging masaya ka rin naman at kung tutuusin hindi na rin yun âsayangâ. Kusang loob mong binigay ang oras mo sa kanya. Kusang loob mo siyang minahal. Kusang loob mong bigyan siya ng mga regalo at bayaran ang pamasahe niya kapag lumalabas kayo. Kahit gaano karami ang binigay mo, kahit gaano karami ang nagastos mo, isipin mo na lang yung magagandang ala-alang kasama noon. Yung mga ngiti niya kapag sinasabi niyang mahal ka niya, Yung tuwang naramdaman niyo pareho nung panahong kasama mo pa siya. Ganiyan talaga, nagmahal ka eh. Hindi mo yan para isumbat, hindi mo yan para bilangin, dahil ang pagmamahal kalakip niyan ang pagbibigay.
Kapag natanggap mo nang hindi na siya ang makakasama mong tuparin ang mga pangarap mo, kailangan mo ring tanggapin na makakahanap siya ng iba -ng bago - ng hindi ikaw. Gagawin niya yung mga magagandang bagay na ginawa niya sayo sa susunod na babaeng mamahalin niya at kailangan mong tanggapin na kahit anong iyak ang gawin mo, mapapalitan ka pa rin. Harsh pero totoo. Mahirap, oo, pero DAPAT. Okay lang namang maging bitter, okay lang na lait laitin mo yung bago niya ng nakatalikod. Pero tandaan mo, wala ka nang karapatang isumbat sa kaniya na nasasaktan ka dahil  hindi na siya sayo. Sakit ba? Masakit talaga pero kailangan mong tanggapin. Wag kang magmamakaawa na sana ikaw na lang, sana ikaw na lang ulit dahil unang una, hindi ikaw si Basha. Pangalawa, thatâs not how you move on, thatâs being desperate and in love, you shouldnât be desperate at all. You canât force him to love you back. ENEBE, napapaenglish ang ati mong girl.
Kapag lahat ng nabanggit ko ay sa tingin mo nagawa mo na, nasa pinakahuli ka na. Natanggap mo nang hindi na maibabalik ang lahat ng binigay mo at hindi mo ito dapat panghinayangan. Natanggap mo nang makakahanap din siya ng bago at hindi ka na para magmakaawa sa pagbalik niya. Pero meron ka pang isang bagay na dapat tanggapin. Ayan ay ang katotohanang tuloy tuloy lang ang buhay kahit wala na siya. Hindi pa end of the world dahil lang wala na kayo o wala na siya. Lagi mong tatandaang hindi lang siya ang nagmamahal saâyo. Nandiyan ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, at hinding hindi ka pababayaan ng Diyos. Mahalin at alagaan mo ang sarili mo at gawin mo lahat ng bagay na magpapasaya sayo. Magshopping ka ng pang-OOTD sa instagram. Magpaayos ka ng buhok. Tandaan mo, okay lang na magpaganda ka o magpapayat ka/ magpamuscles ka basta gagawin mo âyan hindi para sa ibang tao kundi para sa sarili mo mismo. Hindi mo dapat ginagawa ang mga bagay na iyan para sa ibang tao. You should learn to love yourself at kasama na doon ang pagaalaga sa sarili, ang pagiging masaya.
Kapag nagawa mo na lahat yan ay CONGRATULATIONS, malapit ka na sa destinasyon mo. Malapit ka na sa dapat puntahan ng puso mong nasawi. So, kung tinatanong mo parin âwhere do broken hearts go?â, isa lang ang sagot diyan. Pupunta ang puso sa isang bagay na pinaghahandaan mo simula nang matuto kang tumanggap. Sa dami ng tinanggap mong sakit, sa dami ng pinagdaanang lubak ng puso mo, sa wakas ay makakarating na siya sa tama niyang destinasyon... ang muling magmahal. Your broken heart will eventually learn how to love again. It may again have some pains or scratches or even be broken again. But that is never the end. Through those pains, marami kang natutunan at yung mga natutunan mo na âyon ay magagamit mo sa susunod na magmamahal ka. Sa point na âyan, sure akong natuto ka nang mahalin ang sarili mo. Alam mo na kung ano ang klase ng pagmamahal na deserve mo at isa âyan sa mahahalagang bagay na dapat mong malaman bago ka muling magmahal. âWe accept the love we think we deserveâ.