Blog #2 - Kaibigan o Ka-ibigan?
Kaibigan? Sila lang naman yung taong nasa tabi mo sa t’wing kailangan sa lahat ng oras. Sila yung makakasama mo sa saya man o lungkot. Kahit ano ang pwede mong ikwento sa kanila. Hindi ka na nahihiya sa harap kasi kilala niyo na ang isa’t-isa. Alam niyo ang sikreto ng bawat isa at kung sino ang minamahal ng bawat isa. Pero masasabi mo kaya sa iyong kaibigan na sya ang ‘yong mahal? Ano ba talaga ang tingin mo sa kanya, kaibigan o ka-ibigan?
“Bes”, “Bespren”, “Tropa”, “Pre”, etc. Madami ka ng naging kaibigan. Mapababae man o lalaki pero ni minsan ba naisip mo sa sarili mo na mahuhulog ka sa tropa mong babae o lalaki? Mahirap sa sitwasyon mo kasi sobrang tagal niyo ng mag-kaibigan kaya di mo masabi sa kanya ang tunay mong nararamdaman. May mahal siya. Pero hindi ikaw. Mas masakit kasi nakikita mo yung taong mahal mo na umiiyak dahil sa taong mahal niya. Gusto mo s’yang alagaan at angkinin na parang pagmamay-ari mo siya. Kaya eto ka, naging takbuhan na lang niya sa t’wing nasasaktan siya. Nakakasawa na bang maging BESTFRIEND? Nakita mo s’yang araw-araw nasasaktan at nahihirapan, wala ka pa bang gagawin? Nakikita mo ang mahal mong umiiyak, di ka pa ba kikilos? Mahirap yan pero kung gusto mo talaga s’yang sumaya, gumawa ka ng paraan para mapasaya mo s’ya. Give yourself a chance to let her know you exist in his/her world.









