PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

JVL
d e v o n

Love Begins
No title available
KIROKAZE

Discoholic 🪩
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open

祝日 / Permanent Vacation

Janaina Medeiros
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
taylor price
No title available
🪼
noise dept.
I'd rather be in outer space 🛸
Show & Tell
trying on a metaphor
Cosimo Galluzzi
hello vonnie

seen from Singapore

seen from United States

seen from Netherlands

seen from Malaysia

seen from United States

seen from Netherlands

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from T1

seen from Netherlands

seen from United States

seen from United States

seen from Netherlands
seen from Netherlands

seen from Türkiye

seen from T1

seen from Spain
seen from Netherlands
@thirtysecondsurfer
Breaking Bad
Ikaw at Ako
First time ko mapanood at mapakinggan nang live si TJ Monterde kagabi. Iba talaga yung feeling pag yung mga kantang pinapakinggan mo lang dati sa YouTube eh narinig mo nang live no? Ibang-iba, friends.
Lalo kagabi. Di ko inexpect na para akong nasa walwalan session kahit wala namang alak. Hahahaha ang luha ko kagabi walang tigil sa pagpatak. Nahihiya na nga rin ako kasi baka nagtataka yung mga katabi ko ba't punas ako nang punas ng panyo sa mga mata ko. Girl!!! Di ko talaga mapigilan, as in!! Medyo comforting lang din malaman na di lang ako ang umiiyak kagabi habang pinaglalaruan ni TJ ang mga damdamin namin char hahahahhaa
Limang kanta yun. Limang hugot songs para sa iba't-ibang klase ng heartbreaks. Kada kanta friend tuloy-tuloy rin ang luha ko hahaha! feeling ko nga heartbroken ako di lang ako aware. Di pa kami break ng boyfriend ko pero may playlist na ko pag nangyari yun. Hahaha! First time ko atang umiyak nang ganun kalala sa isang concert. Buti na lang may dala akong kendi (pei pa koa lol) kaya medyo nahimasmasan ako.
Kung alam ko lang na ganun ang magiging impact sa'kin ng solo concert ni TJM edi sana bumili rin ako ng ticket for day 2. Kailangan ko ng closure. Charet hahahaha
Nakakamiss naman tumambay dito. Hehe
Kakatapos lang ng Pasko at yung pagod ko parang hanggang media noche na. Ang dami nang nangyari sa'kin pero hindi pa rin ako sigurado sa career at lovelife ko. Char hahahahha
Tambay muna ako dito. Basa basa lang hehehehehehee
What language are you fluent in?
silence
July 27 - 00:14
Anong gusto mong maging paglaki mo?
Lagi ko 'tong naiisip lalo pag may mga desisyon akong kailangang gawin. Pero until now di ko pa rin alam ang gusto kong gawin. Haha nakita ko p 'tong post na 'to sa fb kaya mas lalo akong naguluhan sa life purpose ko.
Mas okay sana kung alam ko rin kung ano ba talagang gusto kong gawin. Kung ano talaga yung gusto kong propesyon, ganun. Kaso hindi eh. Clueless talaga ako. Hindi ko alam kung minsan ba sa buhay ko meron akong ginawa na masasabi kong "ahh eto na yun, gusto ko 'tong i-pursue" hahaha hirap naman ng ganito. Mas madali sana kung alam ko kung saan ako papunta.
Hayst makatulog na nga. Reply lang ata ni Yang Ik June ang nagpaganda ng araw ko na 'to. Hahaha
Sige nga, try nga. Hahaha
Try ulit. 2021!!! Happy new year!!!!!!
Another try. June 2021. Kelangan ko 'to. Hahahaha
June 28, 2021 - 00:29
Ilang weeks na lang wala na naman akong trabaho. Matatapos na kasi yung kontrata ko sa current employer ko. Di ko na ire-renew. 3 yrs. din yun. Sa 1st job ko, 3yrs rin itinagal ko. Dito sa pangalawa, 3yrs. din. Totoo siguro yung sinabi ng dati kong manager na kapag daw umaabot ng 3yrs sa isang trabaho, dun ka na magsisimulang mag-isip isip.
Sobrang pinag-isipan ko 'to pero hindi ko masyadong pinaghandaan. As in pinag-isipan ko lang pero ewan ko ba, may mga araw pa rin na kinukwestyon ko yung desisyon ko. Hindi ata talaga ako magaling sa paggawa ng desisyon lalo pag para sa sarili ko.
Gusto ko naman yung trabaho ko. Gusto ko rin yung mga kasama ko sa trabaho. Sa sahod, keri na. Syempre bilang tao, may side rin ako na di marunong makuntento lol. Masyado na rin siguro akong komportable sa trabaho ko kaya naisip kong wag nang mag-renew.
Sana lang talaga bago matapos ang grace period ng visa ko, makahanap na ko ng bagong trabaho. Choice ko 'to eh so dapat panindigan ko. Hahaha
Good luck sa'kin. Good luck, self! ❤
“The trouble is, you think you have time.”
—
Happy new year!
2021 na!!!!! Sabi ko last year itatry ko nang maging active ulit dito eh. Sabi ko lang pala. 😂
Recap ng 2020 ko:
- excited sa pagpasok ng 2020 dahil sumakto ang annual leave ko sa inannounce na fanmeet ng Running Man (feb 2020). Secure agad ng ticket nung nag-sale. Online warrior kami ni ate kasi pareho kaming faney pero wala sa ph lol
- umuwi for 3 weeks pero walang naging ganap dahil nagsisimula nang lumala yung pandemic. JP sana kaso denied lol. pina-refund din namin yung sa ticket ng RM fanmeet kasi "postponed" daw due to pandemic pa rin. From feb naging june. So refund na lang kasi di namin kami pwedeng magpabalik-balik para sa fanmeet. lol ulit sa sarili ko 🤦♀️
- lockdown (march 2020). nag-start kami mag-WAH/WFH. March 26, 2020 to be exact.
- ang daming transactions for refund!!!!!! (April 2020)
- sunod sunod ang pag-alis ng mga katrabaho ko. di na nagsipag-renew ng kontrata
- bumalik sa office nung august 2020
- NAG-FAN GIRL SA BANGTAN DAHIL SA SOOP (AHHHHH HIGHLIGHT NG 2020 KO 💜)
- naki-abang sa premiere ng Life Goes On - BTS, sinalubong ang BE album, nag-abang ng mga guestings nila kahit pre-recorded naman, tuluyan nang nahulog sa kumunoy ng mga kanta nilang umaapaw sa ganda ng melody, beat at meaning (seryoso, gandang-ganda ako sa mga kanta nila to the point na kada nagtatrabaho ako, all songs playlist ng BangtanTV ang naka-play. 257 songs 'te)
- overwhelmed sa content ng Bangtan kasi hayp na yan di na nga ako nakakaahon sa panonood ng mga variety shows nila, ang dami pang dumagdag na bagong content. Anuna
- 2020: YEAR OF CANCELLED PLANS AND REFUNDED TRANSACTIONS. up to the last few days ng taon na 'to pagpaparefund pa rin ang ganap ko eh. Kasalanan ng Whosfan at Talabat!!! Pero gusto ko rin talaga yung feeling na successful yung pagpaparefund kasi feeling ko nakatipid ako kahit di naman hahahahahahahaha
- tinapos ang taon na kasama pa rin ang Bangtan 💜
Marami pa ata dapat ako ilalagay dyan kaso tinatamad na naman ako hahhahahaha
So ayun. Feeling ko magseseparate post pa ako para sa umaapaw na feelings ko sa Bangtan. 💜 Hahahaha
HAPPY NEW YEAR ULIT, SELF!!!!!!! ✨🎇🎆
Sige nga, try nga. Hahaha
Try ulit. 2021!!! Happy new year!!!!!!
remember back in the day spending hours trying to get the perfect theme for ur blog having it reflect ur whole identity. nowadays its like. i havent looked at my blog on desktop in 4 years and neither has anyone else
2020
Hello!
Pakiramdam ko panahon na para buhayin ko ulit ‘tong account ko dito. Yung mga gifs ni Jhen ang nag-push sa’kin para kalkalin pa lalo yung mga bagay bagay na naka-save sa drafts ko pati na rin yung mga posts ko simula 2012. Kitams, 8 years old na ‘tong account ko so bakit ko idedeactivate. Sarap kaya mag-throwback. LOL
So yun nga, July 08, 2020 ngayon. 9:45AM dito sa Dubai. OFW na ako pero yung sahod ko pwede namang kitain sa ‘Pinas. Nasa gitna ng pandemic (COVID-19) pero blessed pa rin kasi nakakapagtrabaho pa rin ako kahit bawas ang sahod. Work-at-home set-up kami, mga mamser. Namimiss ko na mag-commute. Pwede ko namang gawin kahit papano pero ayoko rin. Hahahaha required pa rin ang face mask at hassle ‘yon para sa’kin. Aksaya pa sa pamasahe. Huling sakay ko ata ng public transpo last March pa. Yun yung last day ng work sa office.
So ayun, feeling ko magkukwento na ulit ako dito para may mabalik-balikan naman ako. Makapag-work na nga ulit.
Badtrip ako sa ka-trabaho ko.
Eto yung kuwento. Binigyan kami ng almost 2 weeks para ilipat lahat ng reports (from Mar 14 up to date) sa bagong server. Re-uploading lang naman ng kanya-kanyang reports so inunti-unti ko sya everyday para di ako mangarag. Nandyan pa yung inaabot ako ng 9-10pm para matapos yung sinimulan/plinano kong ilipat for that day. Natapos naman ako ahead ng due date which is today nga. So eto petiks na 'ko kasi syempre tapos na ko sa extrang gawain, pwede na 'ko mag-focus sa day-to-day tasks ko.
Eto na yung nakapagpa-frustrate sa'kin. Etong colleague ko minessage ako na patulong daw sya kung di ako busy. Wala namang problema kung alam kong nag-effort din sya tapusin yung kanya. Pero hindi eh. HINDI. Alam kong hindi kasi "friend friend" ko sya and ever since na nag-work from home kami, nagkakachat kami lagi tungkol sa mga bagay bagay kaya alam kong di nya sineseryoso yung pinapagawa sa'min. Kesyo ganito, kesyo ganyan. Dami kuda. Wala syang pakialam kung umabot sya sa deadline o hindi. Di raw naman kasi kelangan so bakit nya ipepressure sarili nya. TAPOS NGAYON MAGPAPATULONG SYA?????? HELLO???? DI KA NAPEPRESSURE DI BA??? BAKIT MAGPAPATULONG KA PA? HAHAHAHA
Sinagot ko naman yung sinabi nya na magpapatulong sya.
Naramdaman nyo ba yung pagpipigil ko? Itinawa ko na lang eh. LOL
Singular = regional report lang. Maximum of 30mins lang kumpara sa ibang report na minimum of 1hr ang kelangang oras.
Ewan ko sa taong 'to. Kahit nung bago pa lang sya ang dami nang reklamo. Sabi nang sabi na kaya nya raw mag-resign basta may mangyari lang na di nya gusto, ganito ganyan. Ang sinasagot ko? "sige abangan ko yan" o di kaya "ano ba yan dami mong reklamo susunod ka rin naman" 😂 Actually kaya ko naman syang bara-barahin nang ganyan kasi nga close close kami tsaka lagi ko sya sinasabihan na matabil ang dila nya kasi totoo naman. So ibinabalik ko lang din sa kanya yung pagiging matabil nya. Hahahahaha
So wala na yung pagka-badtrip ko. Nakapag-vent out na ko eh. Bilis no? hahahhahaa