'Di ko na makita pa Ang liwanag na dati'y malaya Patuloy lang sa Paglakad ang aking mga paa Panatag na kailan ma'y di ako mag-iisa
Ngunit Unti-unting kumupas lahat ng kulay Naglaho ang sigla ng dating Punung-puno ng buhay Kinabukasan man ay walang patunay Umaasa na hindi ka pa mawawala
Kung lahat may hanggan Pwede ba'ng 'wag mo na 'kong bitawan 'Di ba't kung mahalaga 'Di mo hahayaang mawala nang basta Alam kong pagod ka na
At nandito pa rin ako Sa paraisong pinangako Na sabay nating binuo 'Wag natin hayaang gumuho
Bawat minuto At segundo Ibibigay ko ang lahat Oh! Hayaan mo na muna ako'ng pumasan ng iyong bigat Ng bigat, Oh!
Unti-unting kumupas lahat ng kulay Naglaho ang sigla ng dating Punung-puno ng buhay Kinabukasan man ay walang patunay Umaasa pang hindi ka basta mawawala
Kung lahat may hanggan Pwede ba'ng 'wag mo na 'kong bitawan 'Di ba't kung mahalaga 'Di mo hahayaang mawala nang basta Alam kong pagod ka na
Kung lahat may hanggan Pakiusap wag mo kong sukuan 'Di ba pwedeng balikan Ang mga pangako sa'ting nakaraan Iyo bang nalimutan? Oh!
'Di ko na alam kung anong gagawin Kung para sa'n pa ang aking mga hiling Malayo-layo na rin ating narating Ba't parang mag-isa't ako na lang?
Wala ba talagang kinabukasan ang Mga sinimulan, ayoko namang Pagsisihan ang lahat Ito na ba'ng wakas?
Ang lahat may hanggan, Oh! Walang saysay ang patuloy lumaban 'Di ba, para kang tanga Kung isasalba mo pa rin ang wala na Alam kong ubos ka na
Kung lahat may hanggan, Oohh Pakiusap 'wag mo akong sukuan 'Di na ba mahalaga Mga binitawan nating salita Ako man ay pagod na
'Eto nga bang simula at wakas ng Mga bagay bagay na pinaghirapan Matatapos na lang ba sa paalam?
Eto nga bang simula at wakas ng Lahat ng pangarap na ating nilaban Wag mong kalimutan ang aking pangalan













