maligayang buwan ng wika!
upang simulan ang buwan na ito (paumanhin, alam kong medyo huli na nga ako dito nang ilang araw HAHA), gusto kong magbigay ng munting detalye mula sa buhay ko
(di ito seryoso! medyo mukhang seryoso lang ang pagsusulat ko sa filipino,,,)
sige, alamin niyo muna na mag-aaral pa rin ako. di naman masyadong bata, wag niyo 'kong ganyanin! sa pagsimula ng bagong taong pampaaralan namin, syempre may mga pumasok na bagong estudyante sa mas mababang mga baitang.
napapansin ko sa kanila na di sila masyadong sanay sa wikang filipino. naiintindihan ko naman! sa pagsusuri ko ng wikang filipino (ginagamit kong inspirasyon sa ginagawa kong wika para sa 'king sarili), oo, mahirap nga aralin ang wikang filipino kung di ka sanay!
at pag sinasabi kong "di sanay", di lang ito sa pormal na pagsulat o sa eksaktong kahulugan ng mga salita. kahit nga ako, nakakalimot ng ilang (ok, karamihang) salita kapag may bagong Word Doc na sisimulan.
ngunit di lang ito sa pagsulat kundi sa pagbigkas! may mga taga-nakababatang baitang na di sanay sa pagsasalita sa filipino o pagbasa ng mga tekstong filipino. siguro ay marami ring mga salitang filipino na di na napunta sa bokabularyo nila.
hindi ito upang ipahiya sila, syempre! di naman ito tungkol sa pagiging perpekto sa wika, dahil babagsak rin ako doon. sa totoo lang, noong simula ng nakaraang taong pampaaralan lang ako nahilig sa wikang filipino, at bago noon ay wala rin akong masyadong pakialam!
ngunit tingnan natin ang ikalawang talata ng munting detalyeng ito - mahirap matutunan ang filipino kung hindi ka sanay.
ito ang gusto kong pagtuunan ng pansin - bakit di masasanay ang mga batang pilipino,,,,, sa wikang filipino?
wala akong siguradong sagot dito! pinag-iisipan ko rin ito, at sinusubukan ko ring alalahanin na kapuluan ang Pilipinas, at dahil taga-lungsod ng Luzon ako, medyo malapit sa Maynila (mga isang lalawigan ng layo), talagang napakaiba ng makikita ko sa kultura at wika ng mga nakababatang baitang ng paaralan namin kumpara sa iba't ibang dako ng Pilipinas!
kaya ibinibigay ko ito sa ating lahat upang pag-isipan. talaga bang di na sanay ang mga bata sa wikang filipino? bakit? kung di nga talaga sanay, anong puwede nating gawin? anong kahalagahan nito?
pasensya at naging parang talatang pampaaralan ito đ
ngunit kung gusto niyo itong simulan ng diskusyon, bakit hindi? hahanap ako ng oras upang balikan kayo! (waw, binalikan SANAOL!! /j)
paalam, mga mambabasa! maraming salamat!