First of all, this is not a story but a random drama of a certain person everyone used to call Arianne. Arianne is the type of person who doesn’t care about what people might think about her. She’s the type of person who has her favorite motto ‘bahala na si batman’. She’s loud…too loud to be true. Sabi nga nila, para siyang serena ng bombero. She cares for others too much, too much that she doesn’t even realize that some people are taking her for granted. At kahit alam niya na tine-take for granted na siya ng ibang tao lalo na ng mga mahahalagang tao sa buhay niya, parang wala lang sakanya. Mapagbigay kasi siya. Kung ano ang nasa kanya shine-share niya sa mga taong gusto niyang hatian o bigyan.
She’s too kind yet too selfish. Kung minsan, sarili lang niya ang iniisip niya. Sariling sakit, sariling problema, sariling kasiyahan. Hindi siya santa. Ang dami niyang pagkakamaling ginawa sa buong buhay niya. Ang dami niyang regrets pero kailanman, ang mga pagkakamali, insecurities, pain, regrets at lahat ng negatibo na pwedeng maging hadlang ay hindi naging hadlang sa pag-abot ng pangarap niya.
She’s optimistic. Lahat ay dinadaan niya sa tawa na tipong kahit ibang tao tinatanong na siya kung hindi ba siya nag-aalala sa mga bagay-bagay o kung wala ba siyang problema sa buhay. Ang totoo niyan, ang dami niyang problema at isa na roon ang insecurities niya sa buhay. Pero naging hadlang ba iyon? HINDI!
Sa dinami-dami ng nagawa niya sa buhay niya, isa lang talaga ang masasabi niyang worth it at may magandang kinalabasan. Dahil nga sa isa siyang dakilang insekyura, inggit na inggit siya sa mga taong magaling kumanta, magaling sumayaw, magaling umarte, magaling mag-drawing, at matatalino pa. Eh, siya? Kahit pa yata ano’ng pagmamahal ang ialay niya sa musika at sining hinding-hindi siya mamahalin pabalik ng mga iyon. Kumbaga, hindi pa man siya nanligaw ay basted na siya. Tsk! Kung sa pagsusulat lang, title pa lang ng story ay waley na, intro pa lang ng teaser rejected na ng editor. Lintek na buhay! Kaya ang ginawa niya? She prayed.
She prayed hard. Iyong hard na tipong mapapaungol ka na talaga sa sarap, iyong hard na ang halinghing ay naging hiyaw na talaga—este hard na ano pala…iyong ano…upo—este talong—ay mali! Ah, basta iyon na ‘yon! Basta nagdasal siya. Pinagdasal niya na sana mahanap na niya kung ano at sino talaga siya. Sana mahanap na niya ang totoong talento niya. Iyong pagdadasal na araw-araw, sa pagmulat ng mata at sa pagpikit niya iyon ang dasal niya. Kung umabot ba siya sa punto na sumuko na siya? Masasabi niyang oo at hindi.
Dumating siya sa punto kung saan kinwestyon na niya ang Diyos. Yung tipong “Lord, bakit mo pa ako binuhay kung wala lang din naman akong silbi sa mundo ito? I’m so worthless! Hindi ako magaling sa kahit na ano’ng bagay. I am so useless!” pak ganern with matching kembot pa ng pwet ni Nikki Minaj (Tama ba spelling? LOL)
Pero dahil nga si God ang pinakamatalino, pinakamakapangyarihan at pinaka-creative, nilikha niya ang Dyosang si Arianne (Charowt!). Nilikha niya ang pinaka-unique na taong nabubuhay sa mundong ibabaw. Totoo nga talagang ‘great things come to those who wait’. Nakatanggap siya ng sign. Ano’ng sign? EBOOK at WATTPAD. Paano naging sign iyon? Iyon ang naging daan upang makilala niya ang totoong siya.
Just by reading, she felt amazed of the writers. And just by being amazed, she became one. Kaya pala wala ang mundo niya sa musika at sining dahil nasa harap pala iyon ng likod ng math notebook niya na siyang inuubusan niya ng page para lang masabing nagsusulat siya ng lessons at nakikinig kahit hindi naman—este iyong math notebook niya ang ginagamit niya kasi wala naman siya kainte-interes sa mga numero. Mas prefer pa niya ang madugong labanan ng mga words na kahit hindi naman niya maintindihan minsan ay natatanong naman niya sa malapit niyang kumpare na si Google.
She found herself. She found out na may talent din pala siya. She found out na unique din pala siya katulad ng iba, iyon nga lang ay MAS unique pa talaga siya kaysa sa iba. Walang aangal dahil maakas ang paniniwala niyang iyon at walang makakapagpabago ng paniniwala niyang iyon.
She became a writer. Unti-unti ay masasabi niyang nakikilala na siya sa mundong ‘fiction’. Wala pang isang taon nag-boom na ang unang naging successful at completed story niya. Sinundan ng isa, at ng isa pa ulit, ng isa pa hanggang sa nakapag-publish na siya ng apat na completed story sa wattpad.
Balik tayo sa tanong na ‘Umabot ba siya sa punto kung saan sumuko siya?’ OO at HINDI nga ang kulit (LOL). Oo, sumuko siya at hindi rin kasi kahit na ano’ng pagsuko ang gawin niya alam niya sa sarili niya at sa loob-loob niya na naghihintay pa rin siya kung kailan niya mahahanap ang totoong siya. At noong nahanap na niya nga ang sarili niya, pinangarap niyang maging isang kilala at tanyag na manunulat. Iyon nga lang hindi naging madali ang daan na tinahak niya patungo sa pangarap niya.
Something happened. Tinamaan siya ng kalandian, eh. She’s a unique person and that makes her amazing? LOL Don’t her. Don’t her na talaga. Paano ba naman, nabiktima ba naman siya ng ‘You’re an amazing person, A.’