Hanggang kailan pang kopong-kopong
Sa makabagong panahon ay marami ang nagbabago, mapa oras teknolohiya man o estilo. Ngunit sa panahon natin ay ang masasabi natin ang ating wika ay nagbabago narin o sa mga katangian ng wika, ito ay dinamiko. Sa pinanood na dokumentaryo ay sinasabi na ang mga bagong alita tulad ng mga bekinese at mga pagpapalit ng tunog sa mga salita upang makagawa ng panibagong salita ay sinasabi na ang karamihan ng mga salitang ito ay “pang-computer” sabi ni Virgilio Almario na ang tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino. Ang mga wikang ito ay isa sa mga baryti ng wika na ang sosyalek, ito ang mga nakabatay na wika ukol sa katayuan o antas panlipunan ng mga taong gumagamit ng wika. Sinabi rin niya na maging maingat sa paggamit ng mga salitang balbal at hindi naman laging importante ang mga salitang popular na nagiging katatawanan dahil raw sa hindi ito nakakaambag sa kaalaman tungkol sa wika. Sa aking palagay, ay tama naman ang pahayag na ito sa parte na hindi importante ang mga ibang salita dahil ito naan ay hindi natin magagamit ang mga salitang ito sa mga pormal na paraan ng paguusap.
Ang Wikang filipino ay dinamiko, ito ay magbabago-bago at may mga salitang maiiba at hindi magagamit ngunit ito parin ay matatawag nating Wikang Filipino. Ang mga salitang bekinese at jejemon ay maitatawag nating Wikang Filipino dahil sa ito ay ginagamit parin natin sa panahon ngayon. Masasabi ko rin na ang pagbabago na ito ay kasama sa ebolusyon natin bilang Pilipino dahil dati panaman nagbabago na ang ating wika mula sa mga espanyol at iba’t iba pang kultura. Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Schedar Joson na ang mga ito ay nagiging paraan upang maipakita ng mga tao ang sarili nila, sa mga wikang ito. Naniniwala rin ako na ang patuloy na pagbago ng wika ay maaaring maging tulay upang mabigyan ng boses ang lahat ng tao at maging pantay-pantay ang mga ito dahil ang lahat ng wika ay pantay-pantay.
Sa kabuuan, ang lahat ay nagbabago kahit papano at ang isang halimbawa nito ay ang Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay may katangiang dinamiko kaya’t ito ay sumasabay sa takbo ng panahon ang nagbabago at sa pinanood ko na dokumentaryo ay ito ang paksang tinatalakay. Sa dokumentaryong aking napanood ay tinatalaky ang mga salitang umuusbong sa panahon natin ngayon tulad ng bekinese at mga pagpapalit ng tunog sa mga salita upang makagawa ng panibagong salita ay sinasabing “pang-computer” lamang ngunit sa aking palagay ay ito ay isa sa mga paraan ng ebolusyon nating mga pilipino. Masasabi ko rin na ang mga wika na nabubuo natin mga Pilipino ay maaaring maging paraan upang magkaroon ng boses para sa sarili nila at para maging pantay-pantay ang mga ito dahil sa ang lahat ng boses o wika ay pantay-pantay. Ang Wikang Filipino ay magiging dinamiko kahit kailan kahit sa Nineteen kopong-kopong pa iyan o sa kasalukuyang panahon. Masasabi ko lamang na ang pagbabago sa Wikang Filipino ay mayroong mga naiaambag sa ating mga Pilipino ngunit dapat natin mag-ingat sa paggamit ng mga ito, dahil ang mga salitang ito ay hindi natin magagamit sa pormal na paraan ng pagsasalita.















