hello vonnie
ojovivo

bliss lane
$LAYYYTER

if i look back, i am lost
I'd rather be in outer space 🛸
RMH
Interview Vampire Daily

Origami Around
🩵 avery cochrane 🩵
Monterey Bay Aquarium

shark vs the universe
🪼
d e v o n
Keni
No title available
TMBGareOK. The Official They Might Be Giants tumblr

tannertan36
almost home

Game Changer & Make Some Noise

seen from Malaysia

seen from Vietnam
seen from United States

seen from United States
seen from Ecuador
seen from Argentina
seen from Saudi Arabia
seen from Brazil

seen from United States

seen from TĂĽrkiye

seen from Germany
seen from United States
seen from Moldova

seen from Senegal
seen from Kenya
seen from Argentina

seen from Brazil

seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United States
@walang-pamagat
iisang baybay, iisang bitaw, iisang pantig
ang sinasagot ng tanong na ano,
sa isang hininga ay magagawang marinig
ang sinasagot ng tanong na paano,
ay hindi nababago dahil lang sa labis na pag-ibig
"n__g", 2024
hindi ko talaga gusto ang kape
-x, 240413-
hindi ko talaga nagustuhan ang kape
wala sa lamig o sa dami ng tsokolate,
hindi ang pait o paraan ng pagkakahalo,
hindi ang pakla ng bula o gatas na ipinapatong,
at lalong wala sa antas ng asukal
o proporsyon ng arnibal na maaaring idagdag dito.
wala sa mga ito ang nagustuhan ko.
ngunit mahal ko ang kawayang deban sa balkonahe,
ang lagaslas ng usapang matatanda at 'di kilalang lengguwahe,
ang huling patak at tustadong pulbura,
at ang unang anggi mula sa tablang bintana.
hanga ako sa ugong ng kanyang boses at kung paano nito ako diktahan,
walang lamáng mga utos ngunit nagagawa ko siyang paniwalaan.
'din ang garalgal na kahol sunod ay mahinahong pagwawastong ihinahabol,
pati ang atungal ng pamilyar na makina at ng pamamaalam niya.
hanga ako sa lahat ng ito.
ngunit hindi ko nagustuhan ang kape
tulad ng hindi ko gusto ang itlog na pula,
liban kung may kasamang kamatis o nasa bibingka
at kung minsan ay nagsasawa rin ako sa bibingka
ngunit paborito ko ang halimhim nito sa dahon ng saging
at ang niyog na hindi isinabay para magawang papakin.
o tulad ng hindi makasanayang brandy at gin
ngunit gusto ko ang panablang usapan na pampausaw namin,
mga kuwentong mali ang pinanggalingan ngunit tama ang sa ami'y kahahantungan,
at pati na rin ang palaging hamong hindi mabanggit ang iyong pangalan.
hindi ko nagustuhan ang kape
ngunit minahal ko ang patintero sa mga desisyon namin
ang sari-sariling balita at mamahaling pastry na malata,
kung saang mga upuan masusulit ang muling paghaharap,
ang halinhinan sa charger na mailap,
ang hindi namamalayang pagtila ng ulan,
at ang pamamaalam na hindi maiiwasan
ay hindi ko nagustuhan
kaya sa sarili kong wangis aking nilalang,
at nagkaroon siya ng kapangyarihan sa aking salita at panulat,
at sa mga damdaming nais ipabatid,
at sa mga takot,
at sa buong diwa,
at sa bawa't lasa, na nagsisitawid sa ibabaw ng dila.
tulad kung paanong gusto mo lang ang amoy ng kape
at kung paanong palihim na bumalik ang lamig ng pebrero
sapat lang na paliwanag ang maaari kong bitawan para sa pananatili mo
at hindi sapat ang pagtawag kaya't ang maaari ko na lang bitawan ay ang pagpili sa'yo
inia eke buri ing kape uning palsintan kanaku ing saguli,
ing pagkaul keng awakan na ning tasa,
a magpaganaka para kaku keng pali na ning abril, apat a banua ing milabas,
ampo ing maligamgam a pamanyatáng mu,
minamahal ko,
ang lahat ng ito
isa, dalawa, tatlo. tatlo. tatlong takal sa kutsara.
isang baso ng yelong isinalin
dalawang malumanay na tapik at kislap sa daliri
at ang ikatlong ulit sa kanyang ibig sabihin.
bago tuluyang mabulahaw ang aking pandinig at paningin
na tila tumining maitanggi lang ang kanyang mga salita.
bihira ang mga pagkakataong makatatanggap ng papuri
lalo't higit mula mismo sa aking mga sinasamba
"kailangan ko palang magdagdag ng lima"
"ha?", kanyang pagtataka
nakalimutan kong magkaiba ang aming nakikita
ngunit pinakawalan niya ako nang walang pag-aalala
dahil alam niya, at alam din nung matandang kahera na
hindi ako lalayo, labing-siyam na hakbang kung titiyakin
hindi sapat na bilang upang ang atensyon niya'y maibaling
kaya inilakas ng ale sa tapat ang pagpapaypay,
at dahil sabay na umiikli ang pila at kanyang pasensya,
inalok niya ako at iisa pa rin ang sagot ko.
ang kanyang pagngisi ang pinakamalinaw kong alaala.
sa pagkupas ng kanyang ngiti, nagbitaw siya ng limang iling
bitbit ay diwa ng tugon sa nais kong iparating
saka ko lang napansin ang aliwalas ng pamamaalam
at saka ko lang napansin ang lumalayong init kahit kami'y nasisinagan.
ngunit bago ko pa subukang basagin ang namamagitang iláng at ginaw,
umalingawngaw ang pangalan niyang sa aki'y nagpamangha
tumaas ang mga kilay niyang may ibig itanong
ngunit isinauli ko ang pag-iling at sinabayan siya sa pagtayo
bigla ko lang napagtanto
kung gaano kadaling dumudulas ang pangalan niya sa dila
at kung gaano ito kadalas tumatakas sa aking mga labi
tig-dalawang baso ng tubig, tinidor at kutsara.
sa aming paghaharap, muling nangusap ang mga kilay niyang mas malambing mula sa nakaraan
saglit siyang ipinasyal sa pasilyong likha ng mga kaluluwang naghihimok magpasiyá
sa kanyang pagyuko ay ang aking pagtingala
at sa pagpatong ng kanyang mga siko ay nagmistulang altar ang mesa
sandaling tumahimik ang paligid na humihimbing at nagpapakumbaba sa kahinaan ng kanyang mga pilikmata
at kahit siya ang tumawag sa isang bathala,
sa akin naman ibinunyag ang isang rebelasyon
aking napatunayan sa mga oras na iyon
sinungaling si Galileo,
saksi ako sa pagkurba ng mga aksis sa kanyang mukha,
sa káyo ng kanyang paglapit at paglayo,
at sa hatak ng mga alon sa aking palad at pulso—
hindi ito isang teorya—
malinaw na araw ang umiikot sa mundo.
ngunit hindi ko rin magawang tumitig nang hindi humihingi ng tawad sa kanyang panginoon kaya
bago ko pa tangkaing samantalahin ang pagkakataon,
'di ko namalayang sinundan ko siya sa pagpikit
ngunit nananatiling malinaw ang paligid
nakikilala ko ang bawat yabag sa daan,
nabibilang ang bawat siklo ng mga bisikleta at sasakyan,
ramdam ko ang alinsangang hatid ng kanyang katapatan
at ang rebolusyon ng hanging tumatangay sa'king kamalayan
siya nga ang sentro ng santinakpan.
sa kanyang pagmulat, nahuli niya akong hinahabol ang aking hininga,
pinihit niya ang kanyang ulo pakaliwa na
nagbigay sa'kin ng pagkakataong masilip ang kanyang mga matang pinatitingkad ng kabubukas na ilaw sa kalsada
at sa lalim ng kanyang titig ay may nabuong paliwanag sa aking isipan, taliwas sa mga naranasan
walang bigat sa dibdib na sa iba'y lulunod
malayo sa bingit kung sa'n maaaring mahulog
at hindi kailangan ng init kung saan ako ang nasusunog.
wala ang madalas na salaysay sa pagbagal ng oras
kahit na labing-isang minuto pa lang ang lumilipas,
sa inip at ikapat na muling pananabik kanya nang inulit
"paano ka nakakasulat...
...ng ganitong kaibig-ibig?"
at iisa pa rin ang sagot ko
maliit na platito, kalamansi, toyo, at kutsara
ang pangalan niya ang pinakamahabang sinulid
na humahabi at nagtutugma sa mga salitang aking nasasambit
ganito ko siya nakita
ngunit hindi ko siya minahal gaya ng pagkakasulat ko sa kanya
isa lang naman akong buhay na inaaring pinakamatalinong uri ng organismo pero siyang pangunahing dahilan ng pagkasira ng pamilihang hindi kailangan ng bayad ngunit hindi tumitigil sa paniningil. simula pa lang ay wasak na tayo pero mayroong malungkot na pwersang nagpupumilit panatilihin ang parusa at paniwalaing hindi lang ito ang kapalaran natin. isang damdaming pinagyayabong ng pagkakaila at pag-asang katha. tayo nga ang pinakamatalino at ito ang ating sumpa. ang ating pagkakamali. kaya lalong sumibol ang karunungan at ang kagustuhang gamutin ang humahapding katotohanan. hanggang sa naging dilema ang pag-ibig sa sarili at pagtanggap na hindi naman malungkot ang pagsagot sa pwersa.
(at hihipan ng mga banal at birhen ang gaserang matagal nang walang langis para lang magsindi ng mga kandilang kapareho lang ang ningas. pagka't iyon ang ipinag-uutos ng kanilang mga panginoon. at tatawagin nilang sakit ang noon pa ma'y isa nang palasiya. pagka't takot sila sa labis na paliwanag. handang muling pasuin ang sarili at ituturing na langib ang natunaw na liwanag.
ngunit wala sa kanila ang tunay na matalino. maging ang kanilang mga panginoon ay dumadalangin sa ibang diyos. at ang mga diyos ay katulad nating birhen na walang muwang sa ating alay. abalá din silang itanggi na hindi sila ang dahilan ng mga kabibing bakante't naliligaw.)
-x
Ang Takipsilim ay hindi isang pag-aagaw ng liwanag at dilim. 
Walang nagaganap na laban.
 Isa itong yugto ng pagsuko. 
Isang marahang pagbitiw ng liwanag mula sa daigdig.
Keep reading