I actually hated my name at first.
Kasi masyadong plain. Tulad ng iba, siguro, mas gugustuhin ko magkaroon ng sariling unique na pangalan. But yeah, times change, yung dati mong ayaw nung maliit ka, unti-unti mo nang nagugustuhan pagtanda (tulad ng kalabasa, Economics, religion, adult films). Of course, bukod pa sa daming paperworks na kailangan mong asiksuhin at bayaran–unless feel na feel mo yung pangalang Narciso at Rosenda.
Masuwerte yung mga baby ng latest genration. Karamihan sa kanila, jeje ang names. Napasobra naman sa pagka-unique. Bhabylhyn, Aeries Thorus, Ghemini, bkosxz_threinta, Tyrion Lannister. Unique nga, pero parang sumpa lang rin, kasi habmbuhay nilang dala yan. Kasi sila yan.
While most of us feel bad sa mga may über-unique na pangalan (Oh imagine their Grade 1 pads, jumbo pencils, and weary tiny hands), I think may advantages din naman ang magkaroon ng ‘unspellable’ na first name:
1. Less chance na magka-hit sa NBI. Ilan ang may pangalang John sa Pilipinas? Ilan ang dela Cruz? Santos? Reyes? Eh ang mhaLdiiTaH? While maliit nga ang tsansa mong maaresto on the spot eh for sure maha-hayblad sayo ang encoder ng NBI, Comelec, pati PGH.Â
2. Di ka na maiirita once sadyaing i-misspell ng favorite mong Starbucks barista ang pangalan mo. Kasi misspelled na siya ever since.Â
3. No need na mag-isip pa ng matinding term of endearment (e.g. bae, honeycake, creampie, krem-top). The first name will suffice. (O sa Tagalog, ikaw lang sapat na.)Â
4. Once na magtrabaho ka as service crew, at biglang nagrekalamo sa'yo ang isang customer (trust me, it’s not your fault; excuse lang nila yan para i-emphasize yung ‘The customer is always right’ principle), mahihiya silang magreklamo after nila makita yung name plate mo. Good luck with them.Â
With those advantages in mind, do I still want to change my name? Nah. Besides, we should learn how to appreciate simple things, like plastic envelope, cartolina, and folder.
From someone named John









