Talaga bang kalapastangan ang ibigin ka?
9:55 P.M. | 6/10/26
Talaga bang kalapastangan ang ibigin ka?
Mga salitang 'di ko inaasahang mangangaling sa'king mga labi, lalo pa't dati kitang ipinalangin sa Diyos nang paulit-ulit.
Hindi ko lamang malubos isiping ganito ang tadhana, at ang kagustuhan ng ating ama sa langit.
Na sa tuwing malapit ako sakanya, nawawala ang ating pagsasama.
At sa oras na ako'y kumawala sa ama, muli kong hinahanap ang 'yong presensya.
Sa tuwing 'di ko nadadasal nang maayos ang ama namin, pagdating ng alas-diyes ay tiyak na muli kitang hahanapin.
Ngunit tuwing buong loob akong nagtitiwala sa kanyang hangarin, pagmamahal ko sayo'y tinatangay ng mapagmatiyag na hangin.
Kung ikaw ang naghihintay sa dulo ang madilim na daan, masisi mo ba 'ko kung tatawagin kitang kasalanan?
At kung ika'y isang kasalanan sakin, masasabi mo bang ang ibigin ka'y isang kalapastangan?
----------------------------------------
- in stars, from the heavens above -
Feather











