Anong kasunod?
Nabisita ko nanaman ang tumblr dahil may naalala lang ako.
Ewan ko ba, bakit mukhang di ko talaga makakalimutan yung first crush/first love ko sa highschool. Paminsan minsan, naiisip ko siya, pero wala ng love towards the person, pero more like appreciation of what I was and what I felt, and it was so beautiful.
Ngayon, ako'y mag 27 na, happily married, nakatira sa apartment sa maliit na town sa Finland. Di ko naisip na magiging ganito yung future ko, looking back when I first felt love, akala ko mamamatay ako kung hindi siya yung makakatuluyan ko, I mean, siguro kasi teenager ako and going through puberty kaya yung emotions ay sobra sobra.
---------
Tapos I pursued an hospitality degree in college sa Pinas, then now I'm working in the energy sector. Nag 360 degrees yung buhay ko since nakilala ko asawa ko. Hayy, iba ang teenage love sa adult love.
Haha, pero yun na. Di ko na alam kasunod. Huling post ko dito, namimili pa ko ng career and waiting sa result, ngayon nasa thesis stage na ako at graduating next year spring. Daming tanong parin. Magsstay ba ko dito sa company ko ngayon? Or anong magiging career ko nanaman after neto? Wind turbine industry parin ba? Nga pala, nakaraang Martes lang, nakatungtong ako sa taas ng turbine, na never in my wildest imagination na mangyayari, pero nangyari, and I felt alive. Yung adrenaline, tapos unbelivable feeling lang na I was there at the exact moment, and seeing a whole new world. Like legit whole new world.
Daming ganap. Waiting ako sa citizenship ko. Magbabakasyon sa Spain, bibisita sa Pinas, Gagawa ng thesis, Hahanap ng bagong work? Makikipag negotiate sa boss? Ay basta, nung nasa taas ako ng turbine, yung windspeed and windgust ay sobrang lakas, parang itutumba ako, pero di naman ako natumba and it's just my fear of heights overtaking. Sguro, same same rin ngayon. Hoping for good winds ahead.
Osha, next time ulit!
19.04.2024 15.41











