BF Comic feat. Xenon and Elaina: Sleeping Beauty Can Xenon wake the sleeping princess? Or will his helmet stand in the way? Find out in our latest comic!
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open

Origami Around
One Nice Bug Per Day

if i look back, i am lost
sheepfilms
🩵 avery cochrane 🩵

oozey mess
Interview Vampire Daily
EXPECTATIONS

izzy's playlists!
d e v o n

pixel skylines
tumblr dot com
KIROKAZE
NASA

blake kathryn
Game of Thrones Daily
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
todays bird

No title available
seen from United States

seen from Brazil
seen from Estonia
seen from Canada
seen from Argentina
seen from United Arab Emirates
seen from United States

seen from Indonesia

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Russia
seen from United States
seen from Spain

seen from United States

seen from Poland
seen from Morocco

seen from United States
seen from Indonesia

seen from Iraq
seen from United States
@youarenotsure-blog
BF Comic feat. Xenon and Elaina: Sleeping Beauty Can Xenon wake the sleeping princess? Or will his helmet stand in the way? Find out in our latest comic!
UPLB Queen's Landing <3
First matinong kachat sa Omegle.
Kuntento na ko
Kuntento na ko dito
Sa kung anong meron tayo
Sa kung anong gawin at hindi mo gawin
Kuntento na ko
Mabilis naman ako makuntento e
Nakukuntento na ko sa kung nasaan tayo
Kung nasaan ako sayo
Kung aasa pa ba ako sayo
Hanggang dito na lang ba ito
O ayan napapakanta na tuloy ako
Pero seryoso, nakukuntento na talaga ko
Sa kung anung meron at wala tayo
Pero sana naman meron ano
Gusto kong makuntento sa lahat
Sa Makita kung paano ka umiiyak dahil sa halong kilig at ligaya ng kanta ni Cookie Chua
Sa amoy ng damit mong matagal mong ibinabad sa sabong panlaba
Sa mga yakap mo’t mga halik
Sayo mismo…
Malaman ko lang na nandyan ka, masaya na ko.
Makita lang kita kahit ilang Segundo lang, buo na ang araw ko.
Kung nagtagal ma’y magbago ang isip mo
Mali, magbago ang tibok ng iyong puso
Kung saan bawat kalabog ay sa ibang direksiyon tutungo
Sa direksiyong papunta sa akin
Wag ka sanang biglang lalayo
Masasabihan naman ako at maiintindihan ko
Di ko kasi kakayanin ang hapdi ng lamig ng hangin na yayakap sa gabi dahil hindi ikaw ang kapiling
Ang init ng sinag ng araw na dadampi sa aking mga labi
At kung ano pang uri ng sakit na ako lang ang makadarama
Hindi ko naman hiniling na ikaw ay maging akin
Kahit oras mo hindi ko hinihingi
O yung mga binibigay ko ay iyong maibabalik
Dahil sinasabi ko sayo, mahal, Makita ka lamang
Kuntento na ako.
Uso noon na kapag manliligaw ka, todohan dapat.
Pagmamahal na walang hanggan, pag-aalaga na dapat ay sapat
Mula sa mamahaling rosas tuwing araw ng mga puso
Hanggang sa sulat kamay na liham na para sa iba ay di na uso
Kung di man makuha ang matamis na oo, wag muna sanang sumuko.
-
Mahirap ang simula, alam ng lahat yan.
Pero ito rin ang pinakamatamis,
Kaya hangga’t nakakabanat pa ng mga buto, di dapat sumuko
Darating din ang araw na sasambitin mo sa akin ang iyong matamis na, “Oo na, loko.”
At doon mapapatunayang di nga dapat talaga sumuko
-
Nagdaan ang mga araw, pati mga buwan
Enero, Pebrero, Marso hanggang Disyembre
Dinala tayo ng init at lamig ng hangin sa kung saan
Ang dating mainit na pawis sa iyong mga kamay ay biglang nanlamig sa di malamang dahilan
Dapat na ba kong sumuko?
-
Maraming di pagkakaintindihan, alitan, aminan, at sumbatan
Lakipan mo pa ng papel sa sobreng matatalas na salita ang nilalaman
Paanong di susuko kung sa ganitong pamamaraan tayo nagkakasakitan
Ang puso kong nagdurugo kahit di mo sugatan
-
Tinapos mong lahat ng parang nobelang walang sanang katapusan
Pinutok ang bula ng lumulutang kong puso sa mismong araw ng mga puso
Pinadaan ang mga araw na di ikaw ang kapiling at mga gabi nang di ikaw ang kasiping
Matapos nating magtapos ay binalik nating muli
Dahil pagsuko sayo’y hinding hindi ko pinipili
-
Nakakalungkot dahil ang pagbabalik nati’y di rin tumagal
Oras na mahiwaga, bakit ngayon ka pa tumangging magbagal
Pagmamahal nya saki’y mabilis na mapagal
Magmula nang sabihin nyang, “Loko, ‘di na kita mahal!”
---
Reynbow
Noong una tayong magkakilala, parang wala lang Walang magic o sparks o kahit fireworks sa ibabaw natin Ni maguusap lamang pag may importanteng sasabihin, O di kaya kapag may kailangan ka sa akin. Dumating ang pagkakatong nagkasama tayong muli sa iisang lugar Sangkop nito’y iba’t ibang mukha ng taong pareho nating nakakasalamuha Puno ng pagmamahal kasabay ng pagbuo ng pagmamahal ko sa’yo… e ako kaya para sayo? Nasa stage ako kung saan binabangon ko pa ang aking sarili mula sa pagkakasawi, tapos bigla kang darating. Di nagtagal ay binuksan mo rin ang sarili mo upang ako’y mahalin din at alagaan Mali, binuksan mo ang sarili mo na magmahal ng iba, habang mahal mo s’ya. Ako naman si tanga, humahabol habol sa’yo Sa t’wing ako ang pinipili mong samahan sa araw na ‘yon Matanong kita, sabi mo mahal mo ako, pero mahal mo rin sya, Pero bakit sa ako ang palaging naiiwan? Bakit di mo magawang sundin ang kasabihang ‘pag may dalawa kang mahal, piliin mo yung pangalawa dahil hindi ka magmamahal ng isa pa kung masaya ka dun sa nauna’. Anong lokohan ‘to? Mahal mo ba talaga ako? O, pampalipas oras mo lamang ako sa tuwing wala s’ya sa tabi mo? Tanga ka din e, ano? Oo, ikaw! Kasi walang matinong tao ang maglalaro ng dalawang magkaibang laruan, o liliko sa parehong kanan at kaliwa, at matutulog nang buhay ang ilaw habang patay ito, nang walang maiiwan. Lagi at laging may maiiwan. Hanggang sa huli, s’ya pa rin ang pinili mo, at libog, este, reserba mo lang ako. Reserba habang wala sya. Reserba habang di mo s’ya kasama. Lumipas ang panahon, ating napagpasyahan na maging magkaibigan na lamang: magkaibigang minsan normal, minsan alam mo na. Kati ng bawat balat sa’ting katawan ay kinakamot parin nating pareho Naging magkaibigan ngang muli, pero wala pa ring nagbago sa katotohanang paasa ka pa rin, at tanga ako. Napag-isip-isip ko, kung minahal mo nga kong tunay, alam ko at mararamdaman kong oo at yun ay totoo. Dahil sabi mo sa akin nun, mahal mo ako bilang ako: ang parang dinamita kong mga halakhak, ang minsang di pagligo sa isang linggo, at kahit amoy bagong gising ang aking mga labi’y hinahalik-halikan mo pa rin. Pero, ang tanga ko. Di ko naisip ang kabuuan mo: ang kabuuan ng puso mo at kung paano ka magmahal. Ang alam ko kasi, buo ka magmahal--- buo ang pagmamahal mo sa kanya dahil nagawa mo akong iwan para lang makasama sya. At oo, ako si tanga, humahabol noon nang paulit-ulit, kahit sobrang sakit. Paulit-ulit kahit masikip sa dibdib. Oo, buo ka magmahal. At ginamit mo lang ako. Gamit lang ako, at nagpagamit naman ako. Ako ay hindi isa lamang bagay, at lalong lalo nang, hindi tayo bagay. Bago tayo magkakilala, itim at puti lang ang kulay ng buhay ko. Dumating ka, namuo ang bahaghari nang di ko inaasahan Di ko inaasahang makakapagpabago, makakasira , at makakapagbigay aral sakin. At tulad ng bahaghari, di katagala’y babawiin ito ng langit Mawawala ito at babalik ang kulay sa dati--- itim at puti. Noon una tayong nagkakilala, parang wala lang. Pero ngayong nakilala na kita, gusto kong wala ka na lang. Tulad ng bahaghari sa buhay kong kulay itim at puti, sana wala ka nalang: Sa puso, presensya at sa alaala. Alaala ng saya, sakit, kirot at hapdi. Tulad ng bahaghari matapos ang malakas na ulan, sana di ka na nga lang dumating.
Clear your mind here
Powerful.
Iba atake
Nakakapanibago at nakakagago, pero sadyang gusto ko. Di ko alam kung anong meron sayo Bakit madali mo makuha loob ko Dinaig mo pa ang kanta sa ganda ng musika ng iyong bawat salita Ang radyo sa tanghalian sa bilis mong makapagbigay ng balita Balita ng kung anong buhay mo na Balita ng buhay ko na lagi mong kinakamusta Bakit ka ganyan, anong meron sayo? Tuwing ikay andyan tila bumabaliktad ang paningin ko Na para bang wala nang ibang pwedeng makita Kundi ang yong paghinga at pagkurap ng mga mata Damdamin koy di mapaliwanag Sadyang puso ko ay madali mong nabibihag Saktan mo koy di ako papatinag Mahalin mo ko at aba akoy iyong iyo na.
The best quotes on Tumblr.
Baked butterscotch for mom. First for 2016! :)