Hindi Niya Naman Minamadali Eh.
Hindi niya naman minamadali ang pag-ibig. Nasa estado lang siya ng buhay na kailangan rin niya ng saya. Naghahanap lang ng kaonting liwanag sa madilim niyang mundo.
Hindi niya minamadali. Maaaring may hinahanap lang siya. Hindi pa rin malinaw kung ano kaya wala siyang naid madaliin.
Hindi talaga siya nagmamadali. Dahil alam niyang hindi ito dapat minamadali.
Hindi siya nagmamadali. Baka nagkamali ka lang. Baka nagkakamali lang kayo. Masaya lang siya sa sandali at hanggang doon lang iyon. Sa katunayan, pinag-iisipan nga niya ang lahat eh.
Hindi niya hinihingi ang pag-ibig na akala mo minamadali niya. Kinakaibigan niya ang lungkot at ilang masasayang alaala, pero hindi niya magagawang madaliin ang pag-ibig.












