ANG AKING MAHAL NA PAMILYA
Ang aking pamilya ang aking inspirasyon. Sila ang nagbigay sa akin ng pagmamahal. Masayang masaya ako dahil sila ang naging aking pamilya. Ang aking tatay, nanay at kapatid ay ang mga taong nagpapasaya sa akin. Nakakaranas man ako ng mga pagsubok sa buhay, hindi ako sumusuko dahil alam ko na nandiyan sila at sa kanila ako humuhugot ng lakas ng loob upang malampasan lahat ng mga suliranin.
Ipinapakita sa aking pamilya kung gaano kahalaga ang pagmamahalan sa bawat isa. Sa pamilya nagsisimula lahat ng mga gawaing mabuti at paggalang sa ibang tao. Ibinibigay nila ang ating mga pangangailangan. Ang pagmamahalan ng pamilya ay isang mahalagang bagay kung saan ibinibigay natin sa bawat isa. Ang may matatag at masayang pamilya ay isang pundasyon ng lahat ng matugumpay na bata.
Ang aking pamilya ang itunuturing kong kayamanan. Sila ang aking kaagapay, kasalo at kadamay sa lahat ng oras o bagay. Sa lahat ng nararanasan ko, ang aking pamilya ang siyang aking nagiging sandigan. Ako ay ako dahil sa aking pamilya.
Sa loob ng 13 taon na aking pananatili sa mundong ito, nagpapasalamat ako sa suportang ibibigay ng aking pamilya. Mula sa unang pagbigkas ng unang salita hanggang sa pakatutong magsulat at magbasa. Sana ay ipagkaloob ng Diyos na lagi kaming magkakasama na ligtas at masaya.
















