Gusto ko pa sana magrenew Kaso yung pasensya ko expired na!

Game Changer & Make Some Noise
YOU ARE THE REASON
macklin celebrini has autism
★
almost home
Monterey Bay Aquarium
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

titsay
𓃗

No title available
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
taylor price

Kiana Khansmith
Interview Vampire Daily
he wasn't even looking at me and he found me
Game of Thrones Daily
art blog(derogatory)

No title available

Discoholic 🪩
🩵 avery cochrane 🩵

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Bangladesh
seen from United States
seen from United States

seen from China

seen from New Zealand

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Russia
seen from Canada
seen from Germany

seen from New Zealand
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
@akoposimissa
Gusto ko pa sana magrenew Kaso yung pasensya ko expired na!
BUS
Gusto ko magbyahe kasama SYA. Kaming dalawa lang. Sabay kaming kakain ng Itlog Pugo at Chicharon. Magkayakap habang natutulog sa byahe. Masayang nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang mga nadaraanan. Sabay kaming baba mula sa Bus at hawak-kamay kami, patungo sa lugar na aming nais puntahan.
ALAALA 101
May naalala uli ako. Noong high school kase ako uso yung pocket books. Oo, yung Precious Hearts Romances. Hahahaha! Naadik ako doon. Naging collection ko yun. Pero hindi naman karamihan. Ang naalala ko lang, yung mga classmate ko kase noon meron nun. Akala ko nagaaral talaga sila pero yun pala hindi. Nagbabasa pala sila non. One time, sabi ko dun sa kaklase ko pahiramin ako kase gusto ko subukan magbasa. Pinahiram naman nya ako. Parang sa una ang boring pero habang tumatagal naman at nasa kalagitnaan na, nandoon na yun pagkasabik mo sa story. Tagalog Romance yun so nakakakilig. Actually, maraming klase ng pocket books. May nakakatakot pa nga. Nakabasa na rin ako nun. Pero na hooked talaga ako sa PHR( Precious Hearts Romances). After ko mabasa yung pocket book, humiram pa uli ako kasi nakakaadik pala. Hanggang sa naging libangan ko na sya. And dumating sa point na halos lahat na kami sa klase nagbabasa nun. Nagpapalitan kami ng Pocket Books. And yung baon ko and allowance dun napupunta kase nagiipon ako para makabili lang. Naalala ko isa din ako sa umaasa na sana one day may ganun din akong love story. Yung palaging may Happy Ending. Halos lahat naman ata ng nabasa ko puro Happy Ending. Ang lakas lang maka Fairy Tale. Wala lang naalala ko lang.
Hindi natin deserve
Gusto ko tumakbo palayo hanggang mapagod ang mga paa ko. Gusto ko umiyak hanggang maubos ang mga luha sa mata ko. Gusto ko mawala pansamantala at pumunta sa lugar kung saan puro lang saya. Gusto ko magpahinga hanggang sa mawala ang pagod at sakit ng katawan ko. Gusto ko na matapos lahat ito.
akoposimissa
Sana sapian ako ng ispirito ng kasipagan.
Miss A
Salamat!
Naalala ko bigla. Nagiisip kase ako ng magandang post para sa page ko. Naalala ko noong High School ako. Yung taong nagpapaaral sa akin. Palagi nya sinasabi sa akin noon na pagkagising ko, 'wag ko daw kalimutan magpasalamat sa ITAAS. Magapasalamat daw ako kase nagising pa ako. Magpasalamat daw ako kase may panibagong buhay pa na inilaan para sa akin. Magpasalamat daw ako kase muli ko nanaman daw matitikman ang lasa ng pagkain at ng Ice Cream. Sinusunod ko lang lahat ng sinasabi nya. Nagpapasalamat ako. Nagdadasal. At mas lalo ako nagpapasalamat sa ITAAS, kase binigyan nya ako ng Lolo na tulad ng Lolo ko. Yung taong nagpaaral at pansamantalang nagaruga sa akin. Masyado nya akong inilapit sa dyos. At doon talagang nagpapasalamat ako ng buong puso. Dahil lahat ng natutunan ko SPIRITUALLY ay naiaapply ko sa pang araw-araw na pamumuhay. BELATED HAPPY GRANDPARENTS DAY PO at MARAMING SALAMAT SA PAPANG!
Talaarawan
Gusto ko magsulat araw-araw. Marami kase ako naiisip. Pero minsan tinatamad kase ako or busy lang talaga. Kailangan kase kapag naisip ko dapat isulat ko agad. The next day kase makakalimutan ko na sya. Or iba na yung idea na nasa isip ko. Gusto ko makaugalian gumawa ng talaarawan ko dito sa Tumblr. As in araw-araw. Yung klase ng talaarawan na kahit mga simleng bagay, pangyayari or karanasan pa eh isusulst ko. Ang problema ko kase, sa sobrag madaming idea ako naiisip diko alam uunahin ko. Diko alam saan ako magsisimula. Diko alam gagawin ko. Naghahalo-halo sila sa utak ko. Magulo.
Apat na Taon
Good Morning! Kahapon nga pala yung ika-4 years ko dito sa abroad Ang bilis. Parang kelan lang. Naalala ko pa noong first time ko sumakay sa eroplano. Parang ignorante. Paiyak-iyak pa nga ako. Tapos habang papataas na yung eroplano, sabi ko “See you after 2 years.” Umiiyak mga kasabay ko, nakiiyak na rin ako. Iba yung pakiramdam lalo pa first time ko mag-aabroad. Hindi ko alam kung ano yung kapalaran na naghihintay sa akin. Doon sa lugar na pupuntahan ko. Pero naisip ko na kailangan ko maging positibo at matapang. Una para sa sarili ko at para sa mga taong naiwan ko. Ang PAMILYA ko. Ayun yung ibinaon ko papunta sa banyagang bansa na magiging tirahan ko pansamantala.