Wow. I miss Tumblr
Color Me Curious

oozey mess

@theartofmadeline
No title available
RMH
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
ojovivo

Product Placement
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open

if i look back, i am lost
untitled
Fai_Ryy
occasionally subtle
Claire Keane
No title available
EXPECTATIONS
d e v o n
Monterey Bay Aquarium
The Stonewall Inn
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
seen from United States

seen from Singapore

seen from Belarus
seen from Colombia
seen from United States
seen from Malaysia
seen from France

seen from Malaysia
seen from United States
seen from Bangladesh

seen from Kazakhstan

seen from Indonesia
seen from Ecuador
seen from Venezuela

seen from Bangladesh
seen from United States
seen from Ecuador

seen from United States
seen from United States
seen from France
@allaboutsunsetandmoon
Wow. I miss Tumblr
9.19.24
Pinipilit ko. Pinipilit kong maging isang mabuting anak sa paningin nyo. Lahat ng gusto nyo sinusunod ko. Wala kayong narinig na reklamo sakin kahit sabihan nyo pa ako ng masasakit na salita. Kahit hindi nyo nakikita yung effort na ginagawa ko. Kahit gusto kong ipagtanggol yung sarili ko sa mga araw na hindi ko kayang tanggapin lahat ng masasakit na panunumbat nyo ay okay pa rin ako. Wala naman akong choice kundi tanggapin lahat 'yon. Okay lang.
Okay lang ako...
Palagi dapat akong okay kahit hindi na.
9/16/24
Nakakatakot
06.17.2023
Hindi na talaga kompleto yung weekend ko ng hindi ko nakakasama si Jay. Haaaay
06.15.2023
Hindi pa rin nawawala yung inis ko simula kahapon ng hapon. Last time na nagkaganito ako ay nung nagpasama sila kay Jay sa SNR noong december 2022.
Aaahhh ang sakit ng likod at puson ko, ngayon pa talaga sumabay yung topak ko
Hindi pa rin ako kalmado. Lol
A small talk can fix a lot.
kapag ganito yung inis na nararamdaman ko naiiyak talaga ako
totoong naiinis talaga ako mga miiiii
06.14.2023
Nag DND ako ng phone at sineen ko lang si Jay dahil naiinis na naman ako. Hindi ako naiinis sakanya literally, kundi doon mismo sa sitwasyon na meron ngayon. Nakakainis kasi ang haba haba ng oras maghapon para ayain mag pasama mag simba sa baclaran bakit ngayong oras pa kung kailan alanganin at pa rush hour na. Sobrang naiinis ako, tinotopak na naman ako dahil don. Sanay laging ayain nung may-ari ng shop na alanganing oras umaalis. Pinipigilan ko ang sarili ko ngayon dahil kapag hindi ako kumalma, mag aaway na naman kaming dalawa kahit nonsense yung dahilan. Ipagpapabukas ko nalang din ang pagsabi na nainis ako dahil alam ko din naman na labag din naman sa loob nya ang pagsama ngayon at halata naman yon sa chat nya sakin kanina. Sadyang mabilis din uminit ang ulo ko dahil sa meron ako ngayong araw.
the pain hits different when you're missing someone in heaven knowing they will never comeback and u can't do anything about it but miss them.
Miss kita araw araw, Nanay
06/13/2023
Grabe nagbasa ako ng mga old post ko dito sa tumblr, ang korni lalo na yung 2018-2020.
03/30/22
Dear Tumblr,
How can I start this? Me and Jay had a not so little misunderstanding awhile a go. Inistalk ko kasi sya then I found some photos of her ex sa album ng family nya, there you go. Honestly speaking hindi naman ako nalungkot ang totoo ay hindi ako nakaramdam ng kahit ano its just pure stalking lang for me habang inaantay sya makauwi dahil wala akong magawa. Paguwi nya nagchat agad sya kung ano na naman daw ang nakaita ko sa pag stalk ko na ikanalulungkot ko, sabi ko wala naman at hindi nga ako nalulungkot. He replied emojies only sabi nya pa anong nakita ko, so sinabi ko na nakita picture ng ex nya kasama family nya replyan ba naman ako ng "tara sleep na tayo po" Okay? Nag start na akong mag worry because of short replies and naramdaman ko na medyo cold sya. Nag sorry naman ako, sinabi ko naman na okay lang ako, bat daw sya magagalit sa'kin. Hindi ko maintindihan after nyang tanong na yan naiyak na ako at hindi ko alam kung anong nararamdaman.
12.15.21
So ayon nga, sobrang saya ko sa mga nangyayari sa'kin ngayon most especially pagdating sa'ming dalawa ni Godfrey. Iba yung epekto sa'kin ni Godfrey as in! Hindi ko alam paano nangyari yon pero sa lahat ng bagay ang laki ng nagiging epekto nya at nagagawa nya sa'kin pati sa mga disisyon ko sa buhay. Yung assurance and consistency na binibigay nya sakin halos araw araw sobrang na aappreciate ko as in! Walang araw ata na hindi ako kikiligin sa mga ginagawa at sinasabi nya. Sobrang sarap sa pakiramdam na nararamadaman ko na ulit 'to pagkatapos ng matagal na panahon. Grabe din ang iniyak ko noong unang beses nyang sinabi na mahal nya ako. Sa sobrang saya na naramdaman ko na maga talaga yung mata ko kakaiyak, naguumapawa yung nararamdaman ko. Sobrang priceless rin kapag nakikita kong kinikilig sya sa mga sinasabi ko, doon ako mas kinikilig yung makita yunb reaction ng mukha nya.
Ang dami dami kong gustong ikwento tungkol kay Godfrey pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan at ano ang uunahin ko. Ang alam ko lang ay mahal ko sya at araw araw 'yon nadadagdagan.
My heart is happy right now. Thank you 💖
Lets vibe together until we figure out something 💖