Unang pag kakataong binigkas ang salitang mahal kita ng buong puso at pag dama
Bawat salita ay may kaakibat na pangako
Malayo pa ang tatakbuhin sa pagkat nag uumpisa pa lang
Ngunit kung ako'y tatanungin sigurado na ako sa kanya
Kung naisin na makasama sya ng pang habang buhay
Sa pakiwari ko'y tama naman ang direksyon
Iniisip ko lang na ang syang nais ko ba'y kanya ring gusto
Kung ang kahandaang nadarama ko ba ay kanya ring nadarama
Wala ng pag hahanda ang kailangan pang gawin
Walang pag aatubili na akong tumalon sa bangin
Hindi nag dalawang isip na puso ay itaya
Kailan mo ba masasabi ang tamang pag kakataon?
Gaano ba dapat katagal na panahon?
Masyado bang mabilis ang mga pangayayari?
Ang nadarama ba ay bugso lamang ng aking damdamin?
Ngunit hindi, sigurado ako
Malinaw kong naririnig ang isinisigaw ng puso ko
Bakit kailangan pahirapan at pakomplikahin ang mga bagay bagay?
Hindi ba maari na kapag mahal mo ay makasama at makita mo sa tuwina?
Bakit kailangan pang hintayin ang minsan?
Gaano ba kadalas ang minsan?
Paanong kung sa sunod na pag kikita ay huli na?
Palaging iniisip na may sususnod pa ngunit paanong kung ang susunod ay di na darating pa?
Hindi kalkulado ang pag lipas ng araw
Ngunit gaano pa man kaalangan
Siguro ako sa nararamdaman
Na ikaw ang una at huli aking mahal
Huwag mo sanang hayaan na ang puso ay masadlak sa kalungkutan
Iyong irog man ay mapagdamdam ipag paumanhin ko ngunit sadya lamang kitang mahal
Kung dumating man ang panahon na mapagod ka at gustuhing kumawala
Taas kamay na akoy mag paparaya
Huwag mo ng lingunin kung sakali
Mahirap ang mag alumpuhit sa taong gustong lumisan
Bastat parati lang pakatatandaan na walang ibang mamahalin kundi ikaw.