Hi! pa-abala lang po saglit. Hehe! 😉 Halos ilang linggo na lang at ika-27 na taon ko na po. At sa panahon na ito, nais ko pong muling maging makabuluhan ang celebration ko, iba sa nakasanayan na ginagawa. Isa po itong proyekto para sa mga bata. Tinatawag ko po itong proyekto na ito bilang "Munting Tulong" na naglalayon na maghahatid ng saya sa 30 mag-aaral at sa mga baby na sa Concordia Children’s Services Inc. sa may Sta. Mesa, Manila nakatira. Dahil kaarawan ko na po, ako po sana ay hihingi sa inyo ng munting regalo ngunit hindi para sa akin bagkus ay para sa mga bata. At dahil ang Hunyo po ay panahon ng pasukan, ako po sana ay hihingi sa inyo ng kaunting tulong at donasyon. Ang halagang P150 po para sa isang School Kit ng bata sa ampunan. Kung may nais pa po kayong ibang idagdag at itulong para sa mga bata sa ampunan, ito po ay buong puso naming tatanggapin. Para po sa gusto pong makibahagi at sumama, ito po ang napili kong araw: What: Feeding program, Games & Collaboration at School Kit / Donation giving When: 01 September 2016 Time: 1:30PM to 04:30 PM Where: Concordia Children’s Services Inc. Sta. Mesa, Manila Ako po ay lubos na nagpapasalamat na sa lahat ng mga makikiisa at mag-aabot ng tulong para matupad ang aking proyekto. Pasensya na po kung maaga ako nag-abiso sa inyo, para kc maihanda na po ang lahat agad. PM nyo nlang po ako if willing po kayong magdonate. Thank you na rin po sa paglalaan ng oras para basahin ito. God Bless! PLS. SHARE PO :) Thanks po. 2 Corinthians 9:10 – "Now He who supplies seed to the sower and bread for food will supply and multiply your seed for sowing and increase the harvest of your righteousness." #charity #bday #gift #sharing #giving #lifegoals #blessed #bestoftheday #potd #love #hope #happiness #aj (at Luneta Park, Manila, Philippines)














