Oh, andami kong sticker. Mainggit ka! LOL Karamihan dyan libre! Libreng sticker ng ibang bansa! Gusto mo din ng libre?! Malamang gusto mo yan! O sya sige tuturuan ko kayo. Para cute tayong lahat. Tinuro sakin to ng isang amag ranger din na si Sir Dan, isshare ko lang din sa inyo para lahat tayo may free sticker! Btw for android lang ito amags ah.
Step 1:
Kailangan muna syempre iinstall mo yung LINE. Pwede mo sya makuha sa Google Play Store. Lagay ko na dito link at baka maligaw pa kayo: https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.naver.line.android&hl=en
Step 2:
Kung may old acct ka na at ginamitan mo ng Registered Phone number, Di ko alam kung paano na yan. Aw sad :( Kelangan mo gumawa ulit ng bago at gamitin mo yung Facebook account or any social network na supported ng line para sa pag register, wag mo ilagay yung phone number para hindi nila ma verify yung location mo. Gets?
Step 3:
Punta ka sa settings > App > LINE. Force stop then Clear Data. Di ko din alam kung bat kelangan Iganyan. Pero gawin mo nalng din para cute /o/
Step 4:
Madami pang ibang VPN app. Pero ang gamit ko is EasyOvpn at OpenVPN connect. Wala kasi limit dyan, iconnect mo lang oks na!
Pag na install mo na, Open mo na yung EasyOvpn lang tapos Iconnect mo na sa country na gusto mo! For example eto Japan ang napili ko:
Step 6:
Pag connected ka na sa country na napili mo, punta ka na sa Sticker shop sa LINE then sa free. Makikita mo na dun yung available free stickers sa country na napili mo!
O taray, may free stickers na din kayo! Ayos ba? *haypayb*
Sana next time meron din way para sa FREE line dolls. w
So isa to sa pinaka mahirap na part pag kayo ay nagpa-plan umalis. Lalo na at wala kayong tour? nako po! kelangan planchado lahat para hindi kayo mataranta na pag andun na. Kaya nga halos buong summer vacation ko inaral yung pano yung system ng train sa Japan. Pero di ko kinaya sobrang nakakalito (literal na nakakalito) Pero yun ang nasa isip ko before pero pag andun ka na, sobrang dali lang pala. Basta alam mo lang kung saan ka pupunta!
So first syempre hahanap ka muna magandang attraction right? So pinaka useful na site para sa mga attraction na pwede mo puntahan sa Japan ay ang Japan Guide. Andiyan na halos lahat, may forum din sila pwede ka magtanong or pwede mo basahin past post na related din sa mga questions mo. Sobrang useful nito para sa itinerary planning. Nakalagay na din sa bawat attraction kung pano pumunta sa certain place na yun, ano pinaka malapit na station etc.
Next step ay hanapin ang pinaka malapit na train stations sa mga attraction na napili mo para sa itinerary niyo. Hyperdia. This time yung Hyperdia naman ang tutulong sa inyo para diyan. So pwede mo check dito schedules ng train. Sobrang panalo nito dahil pati transfers ipapakita niya sayo! Pero tandaan, lalo na sa Shinkansen (Bullet Train) ride, sobrang on time nito, pag nakalagay sa Hyperdia na aalis ang Shinakasen ng ganung oras, ganung oras talaga aalis yun. Let's say 15:23 aalis saktong ganyan aalis yung, kahit sa arrival, sobrang sakto!! So para maiwasan magantay, dapat laging time check.
Actually after niyo mag research about mga tickets sa Japan maeencounter niyo yung Japan Rail Pass (JR Pass) Gumamit kami nito since sobrang daming benefits nitong Pass na to lalo na pag hindi lang kayo sa Tokyo pupunta. Let's say two days kayo sa Tokyo, tapos two days Osaka, tapos akyat kayo ng Iwate tapos balik ulit Tokyo sa paguwi. (lang yang itinerary to akyat baba HAHA) Sobrang dami niyong Shinkansen rides na gagawin. At ginto ang Shinkansen one way ticket (kayo na magcheck kung magkano lol) so kung gagamit kayo ng ganun kadaming ride, ang JR Pass ang kasagutan sa lahat! Sa JR Pass unli rides ang Shinkansen! pwede ka pareserve din sa reserved seats for Free!! although may mga exceptions din sila sa mga routes read mo na lang to para sa benefits and exceptions ng JR Pass: http://www.japan-guide.com/e/e2361.html
So depends pa din sa inyo kung gagamit kayo niyan or hindi, pero kung katulad nga ng nabanggit ko sa taas ang itinerary niyo, sobrang sulit ng JR Pass. Pero kung around isang area lang kayo for example sa tokyo lang, medyo lugi kayo sa JRPass. May mga one day ticket naman available na pwede niyo purchase pagdating niyo dun, medyo hindi ko kasi kabisado one day tickets kasi nag JRpass kami so i dunno kung pwede bang mag order online or what lol.
Actually pwede kayo magtanong if sulit ba ang pag purchase niyo ng JR pass considering kung ano itinerary niyo : http://www.jrpass.com/forum/topics
Sobrang bilis mag respond ng JRPass experts jan, minsan within a day nasasagot agad nila mga inquiries, minsan kinabukasan meron agad reply. Maganda rin magtanong since marami sila ma suggest sayo alternatives kung di man accessible using JR Pass. Sobrang dalas ko sa site na yan, sa sobrang dalas ko feeling ko close na kami ni Daniel-san LOL (isa sa JRPass expert) Yun nga lang kelangan mag sign up, pero naman jusko naman sandali lang naman yun HAHA.
Once na decided na kayo gumamit ng JRPass. Check mo ulit itinerary mo. Balik ka sa Hyperdia. Para JRPass routes lang ipakita ng Hyperdia sundan mo lang tong instruction dito : http://www.jrpass.com/blogs/plan-with-the-hyperdia-online-timetable para kapag nag search ka sa Hyperdia, lalabas lang yung routes na pang JRPass. Pag walang lumabas, then hindi sya ma-aacess gamit JRPass, pero you can ask JRpass experts para sa alternatives.
As for the VISA naman dun kami sa Friendship tours galing sa suggestion ng ka-filwota namin na galing Japan. Although marami din Agency na accredited ng Japanese Embassy pili na lang kayo kung san kayo aaply. Dun na din kami kumuha ng JRPass. Pero pwede rin kayo umorder sa JRPass (yung may forum)
So first pili kayo which agency then tignan niyo mga hinihingi nilang papers as much as possible dapat meron lahat. Pwede kayo magdadag ng mga optional papers kahit hindi hinihingi (para sure!)
Wag kayo matakot sa VISA. As long wala kayong binabalak na masama at purely tourist purposes lang ang hanap niyo, tiyak ma-aaprove yan. Pero suggest ko lagi kayo mag apply as tourist, kahit pa may guarantor kayo sa tourist pa rin kayo mag-apply (ayon sa mga nabasa ko dati)
So ayan sana nakatulong sa mga nagbabalak pumunta sa Japan!
Ola, This blog contains posts that are not suitable for very not so amag audiences. Please be reminded that unfollow button is always at the top right corner of your screen. So if you can’t deal with our crap, do not follow. We will be posting mostly in Tagalog ho. Randomness at its best!! よろしく!
Matagal na naming pangarap magkapatid pumunta sa Japan. And yeah malaking influence siguro ang pagkahilig namin sa anime at kung anu anong mga bagay na related sa Japan. Tapos napaka supportive pa ng parents namin pagdating sa fandom.
Well hindi ko talaga inaasahang makakapunta kami last year. Akala ko pag meron na akong trabaho saka lang kami makakatapak dun. I mean, sabi nga nila sobrang mahal daw sa Japan. Pero syempre pag gusto mo may paraan talaga.
Nagsimula lahat pagkainggit namin sa kasama namin sa filwota (pinoy forum ng mga mahilig sa 48 girls - AKB48) na nakatapak din sa Japan last year. Punta agad kami kay Mami at nag-pacute cute sa harapan niya. Dinescribe namin kung gaano ka ganda ang Japan, ayun bumigay din! Imbis na pupunta kami ng Shanghai, nauwi sa Japan!
After ng konting discussion, nag antay kami ng sale seats sa Cebu Pacific. Madaming sales seats ang cebupac actually monthly yan, konti tiyaga lang sa pag-antay! After makakita ng magandang schedule, nag book agad kami ng flight.
Ang sad part lang talaga eh, hindi kasama si Dadi. Well given naman na yun since di niya pwede iwan si lola. Pero iba talaga syempre pag kumpleto kayo.
Naalala ko pa pakiramdam ko nung after ibaba ni mama telepono, kausap niya tiga cebupac (nagpa-book ng flight) Hindi ako makapaniwala "AHHHHHH". Pero syempre di lang naman seats ang kelangan ayusin, buti bakasyon nun (at wala pang thesis) so buong bakasyon ako nag ayos ng mga itinerary. At oo nga pala yung VISA pa! anak ng! Pinaka kinabahan kami sa VISA. Kasi naka pag book na kami ng flight if ever ma-deny, nako po! Sayang ang flight na ni-book! Pero ayon, God will, na approve naman VISA.
And at last October 24, 2013 achievement unlocked! Nakatapak na kami sa dream country namin! yay!
So gagawa ako ng post para sa pag plano ng itinerary share ko lahat ng mga tips na nakuha at the same time experience habang nasa Japan!