July 25, 2021. Nasabi ko na rin sayo sa wakas. Na gusto ko nang mamatay dahil sayo. Alam ko naman na walang mangyayaring maganda ron. Alam kong hindi ako makakakuha ng paumanhin, sa lahat ng masasakit na salitang paulit-ulit mong binitawan pagkatapos ay nilimot. Pero sinabi ko pa rin. Para palayain ang sarili ko sa mga sikretong matagal ko nang kinikimkim. Pagod na rin naman akong magpanggap na malakas, na okay lang ako, na matigas ako kahit na sa totoo lang ay nadudurog ako. Ginawa ko to hindi para marinig ang salitang “patawad” mula sayo, kundi para palayain ang sarili ko mula sa kulungang ikaw ang gumawa pero ako ang nagkandado.
Dalawang lingo. Dalawang lingo mo akong di pinapansin. Dalawang lingo akong nagkukulong sa kwarto ko kesa harapin ang nakabibinging katahimikang isinisigaw mo. Ano bang pinag-awayan natin? Hindi ko lang agad nagawa yung sulat na pinapagawa mo. Hindi ko naconvert sa pdf kasi hindi mo sinabi. Tapos nagalit ka. Kasi hindi kita tinutulungan. Kasi kung nagkaron ka lang ng magulang na tulad ng akin sana hindi mo kailangan humingi ng tulong sakin sa paggawa ng sulat. Sana judge ka na ngayon. Ilang beses mo na bang isinumbat sa akin yan, na tila ba kasalanan ko na pinanganak ka sa hirap at ako sa ginhawa? Sinigawan mo ako. Hindi ko alam bat sinisigawan mo nanaman ako. Napakalaki ba ng kasalanan ko? Deserve ko ba yung masasakit na salitang binibitawan mo? Deserve ko ba itong emotional blackmailing at trauma? Alam kong hindi. Natulog na lang ako imbis na kumain ng almusal kasama ka. Gusto ko lang naman sanang kumain kasama ka. Buong araw hindi nanaman nagtugma ang mga oras natin. Kinabukasan ng tanghali na ulit tayo nagkita. Umupo at kumain ako sa harap mo, pero di mo man lang ako pinansin. Hindi mo tinanong kung kamusta yung klase ko. Wala. Umakyat ako. Hindi na ulit ako kumain sa harap mo. Tuwing makikita mo ako dinadaanan mo lang ako. So hindi na ako nagpakita. Nung nalaman kong sigurado na akong gagraduate, umiyak ako. Hindi sa saya kundi sa lungkot. Kasi mag-isa ako. Kasi sayo ko unang gustong sabihin pero hindi ko masabi. Nandito na ako sa dulo pero mag-isa ako. Ang dilim-dilim. Umabot na ng dalawang lingo.
16 hours. 16 hours ako sa kama ko. Bumangon lang nang dalawang beses na tig-isang minuto para ibigay yung hinihingi ng mga kapatid ko. Hindi ako kumain, uminom, miski umihi. Graduation ko ngayon eh. Sa mga susunod na taon, July 25 yung petsang sasabihin ko na araw ng pagtatapos ko sa abogasya. Pero alam kong hanggang sa mamatay ako na iba ang ala-ala ng araw na ito. Pinost ko yung gradpic ko nang madaling araw, kahit na hindi ako makakapag-celebrate. Para man lang sana may masaya akong babalikan sa FB Memories ko sa mga susunod na taon. Nagising ako sa mga mensahe mula kay Daddy. Tutal daw ay napagtapos na nila ako, kaya ko na silang tiisin. Sana raw mamatay na lang sya kung hindi ko kayang makipag-ayos sayo. Sobrang fucked up. Ang fucked up nyong parehas sa parte na yun. Linya nyo yan parehas eh. Tangina. Hindi naman kasi ganun kadali yun. Wala akong kasalanan pero nasa akin ang bigat ng paghingi ng tawad. Kaya ko naman ngang humingi ng tawad nang walang kasalanan. Ilang beses ko na bang ginawa yun para sa katahimikan nating dalawa? Pero may iba ngayon. Hindi ko na siguro mapapatawad ang sarili ko pag ako pa rin yung hihingi ng tawad sa pagkakataong ito.
8PM. Kumatok si Daddy, pinilit na buksan ko ang pinto. Ayan nanaman ang mahiwagang tanong. Pride ba ang mas gusto kong kupkupin? Mas gugustuhin ko bang mabuhay nang walang ina, walang ama, basta lang hindi ko kailanganing ibaba ang pride ko. Buti sana kung pride lang ito. Lumalaki nanaman daw ang puso mo. Nagkakasakit ka dahil sa akin. Dahil nga ba sa akin? Hindi ba ikaw ang gumagawa nito sa sarili mo? Hindi mo kasalanan na masama ang kabataan mo, na lumaki kang may trauma mula sa magulang mo. Pero kasalanan mo na natulad ako sayo. Ikaw ang gumawa nito sakin. Paulit-ulit na iisang tanong, nakaririndi. “Gusto mo na bang mamatay ang Mommy mo? Gusto mo na bang mamatay ang Mommy mo? Gusto mo na bang mamatay ang Mommy mo?” Utang na loob kahit ilang beses mo akong tanungin hindi at hindi at hindi ang isasagot ko. But I’m so tired. I’m so fucking tired of this emotional blackmailing, of this hostaging. Kahit anong argument hindi ako mananalo, kahit pa hindi ako ang nasa mali; basta lang ibring up ang posibleng kamatayan mo, kailangan kong tumiklop. But not this time. Kaya sinabi ko na. Kung may mamamatay man sa ating dalawa, ako na lang. Kasi ayoko na. Kasi mula nung sinabi mong dinadasal mong mamatay na ako, ayoko na. Tuwing sinasabi mong pagod ka nang mahalin ako, na suko ka na sakin, na hindi ako yung anak na pangarap mo, ayoko na. Tuwing sinasabi mo na pinagpapasalamat mo na nandyan si Yaku kasi kung ako lang ayaw mo na, ayoko na. Tinanggi mo lahat. Sabi mo never mong naramdaman yung ganung pagkamuhi sa akin. Inulit-ulit mo kung paanong halos ikamatay mo ang pagsilang sa akin. Kinuwento mo na nung pinapapili ka ng doktor kung ikaw o ako ang bubuhayin sa ospital na ako ang pinili mo. Malaki ang pasasalamat ko na binuhay mo ako. Pero kahit na totoo itong mga sinabi mo, hindi mabubura ang masasakit na salitang sinabi mo. Siguro nga you never meant them. Maybe they were things you said because of the emotions of the moment. But you can’t blame me for taking them to heart. Lalo na kung paulit-ulit mong sinasabi. Hindi mo na naaalala na sinabi mo, pero di ibig sabihin hindi mo na sinabi. Hindi mo ibig sabihin, pero hindi ibig sabihin ay di na ako masasaktan.
July 30, 2021. Yan ang deadline na binigay mo sa Diyos para linisin ang pangalan mo. Sabi mo kung totoo ang lahat ng bintang ko na mamamatay ka bago matapos ang limang araw. Na kung buhay ka pa ibig sabihin nagsisinungaling ako. Kaya dapat kalimutan ko na lang. Tangina. Dinamay mo pa ang Diyos. At kung mamatay ka nga, tingin mo magiging masaya ako? Na mamamatay ka nang dahil sa sarili mong kahangalan na isisisi ko sa sarili ko? Hindi ko gustong maging tama. Gusto ko lang palayain ang sarili ko. Pero dapat inexpect ko na to. You gaslighted me, telling me na nananaginip lang ako. Or that I misheard or misunderstood you. Or na kaya meron akong ganoong false memory ay dahil may masama akong ginawa sayo. Na alam mo sa sarili mong hindi yun totoo kasi binuhay ka ng Diyos. Kung ako ang Diyos, kikilabutan ako sa mga panalangin mo. Hihilinging kong tumigil ka na lang sa pagdarasal. Mas pipiliin ko pang wag mo na lang akong kilalaning Diyos, kung gagamitin mo lang ang kapangyarihan ng pananampalataya mo para makasakit. Ang Diyos na kilala ko ay hindi mababaw. Hindi sya nakikinig sa mga hunghang na panalangin. Pero sige kung diyan ka makakatulog sa gabi, bibitawan ko na. I didn’t expect you to acknowledge the pain and trauma you caused me anyway. I did this to free myself. And I am. I no longer have to hide the fact that I want to die; that YOU make me want to die. I no longer have to pretend that I’m okay.
August 09, 2021. I’m writing this long-ass shit. It’s 1,355 words. I’m writing this to process everything that happened. I’m writing this to tell myself that I am forgiving you. I forgive you for all the trauma you caused me. I forgive you for revictimizing me by denying the trauma you caused me. I am writing this because this is the way I will be able to move forward from this, even without you asking for my forgiveness. Because I want to live the rest of my life with you by my side. And to do that I have to let this go. I am writing this and I am going to post this to let it go.