Hindi ko na alam nangyayari sakin. Yung pakiramdam ko ngayon di maipaliwanag. Sobrang bumababa na yung self-esteem ko. Yung confidence ko. Hindi ako sure sa lahat ng bagay na ginagawa at gusto kong gawin. Natatakot ako sa mga sasabihin ng nasa paligid ko. Unti unti na akong kinakain ng anxiety ko. Sobra ang epekto sakin ng quarantine na ito. At ang masama pa don yung wala pa akong mapagsabihan sa nararamdaman ko. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral, pero nagdadoubt ako sa sarili ko na baka di ko kayanin. Kasi bobo ako. Limitado lang ang alam ko. Tapos ang kinuha ko pang kurso ay pagiging guro. Di ko na alam kung tama ba yung pinasok ko. Gusto kong kumita ng pera ngayong may epidemya, gusto kong mag-vlog pero di ko magawa dahil sa sasabihin ng iba. At alam mo rin ba na gusto kong gumawa ng sarili kong lipgloss tsaka ibenta? Pero wala akong pera. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gusto ko. Marami akong gusto pero naiinis ako sa sarili ko dahil napapangunahan ako ng takot. Fuck anxiety!

















