Para kang pumindot ng ‘like’ button sa Facebook
Na walang option na “are you sure you’re going to continue?”
To follow na lahat ng notifications.
Updated ka sa lahat ng comments at mga reaksyon
Ng ibang mga tao na hindi mo naman kilala.
Kapag may ibang babae na feeling mo medyo ka-age mo,
Io-open mo account niya para i-check kung sino ba siya,
Gaano ba sila ka-close ni crush.
Habang kinkumbinsi mo ang sarili mo na wala lang yung taong ‘yon kay crush,
Kaibigan niya lang ‘yon, nothing serious.
Forever na yung updates nung ni-like mo,
Kaya panay bukas ka rin ng account niya
Para makita kung ano na bang ganap niya sa buhay.
Ang hirap na lagi-lagi na lang may kaba
Kapag sino-stalk mo siya sa Facebook.
Lagi ka na lang tensed at nago-overthink.
Hindi ba kasi pwedeng tayo na lang para wala na kong kapraningan?
Hindi pa pwedeng mag-comment na lang ako lagi ng heart emoji
Nang hindi ako mag-aalala sa iisipin ng ibang tao?
Pwede bang tanggalin mo na ‘tong pag-iisip ko na
Pindutin na lang ulit yung ‘like’ button para ma-un-’like’ ko na
Nang hindi na ako ma-update pa nang tungkol sa ‘yo.
Nang hindi na ako mag-isip pa nang tungkol sa ‘yo.