Bakit worth it ang hype na 'to? Pag nakakabasa ka ng mga post sa socmed, karamihan pag tinry mo nadaan lang sa hype tsaka sa pag ig-worthy na design ng lugar. Tapos yung food waley. Eto naman hindi mo aakalain na masarap kasi nasa looban. Hindi mashadong halata yung signage tapos papasok ka pa sa eskinita na reminiscent ng community nursing days. 😅 (parang anytime may "nurse, pwede kami magpa-bp?" Pero pagdating naman ng food, aba, masarap yung french toast nila kahit ayoko sa cinnamon ah, hindi ko mapigilan kainin. Masarap din yong carbonara. Ay, yung charlie chan din pala masarap. Ang anghang ng sausage pero sakto yung hollandaise sauce tapos yung omelette. Pero yung kape talaga. Panalo yung vanilla cold brew. Ay teka, bat parang mas masarap yung spanish latte? Haha Seriously though, one of the very few cafe na worth it yung hype. Sabi ko nga, pag may nagtatanong ng recommendation ng masarap kainan sa bayan ng Naic, Pan Grill Foodie/Kape't Bahay lang talaga yung nasa top list ko. 🙈😅 #bakitworthitanghypenato #coffee #cafereview (maiba naman) #foodie #hype (at PAN GRILL Foodie) https://www.instagram.com/p/CTRi_7AvMCKLD9wM7-79C9PpqaOXOscLl1JdGo0/?utm_medium=tumblr













