07/28/2018 (Saturday) 09:05PM
Mga panahong ako naman ang nakatulong, nakaalalay, nakinig, at higit sa lahat sumuporta sa lahat ng ginawa at ngyare sayo.
Bestfriend tayo simula bata pa lang tayo. Noong mga panahong ako ang may problema nandyan ka at nadamayan mo ako. Pero that night. Nakinig ako, kahit hindi ko alam kung paano ako makakatulong. Ngayon lang ulit kita nakita na muntik ng umiyak kahit ang luha mo ay babagsak na. Strong tayo e. Mali pala. Mali ako . Strong ka. Malakas ka. Pero yung kalakasan mo sa isang iglap nag laho, nang hina. Ayokong nakikita kang malungkot hindi sanay ang aking mga mata ngayon lang kitang nakitang ganyan. Na kaya pang ngumiti kahit sobrang sakit na. Bes, Kilala mo sarili mo malakas ka. Lagi mong sinasabi sakin na.. " Bes! Kaya mo yan. Mag pray ka lang lagi. Pag ppray kita"
That night. Ngayon lang tayo ulit nakapag usap nang seryoso. Nasabi ko ang mga gusto kong sabihin about sa problema mo. Nasaktan din ako dahil ayokong nakikita kang ganyan at hindi mo dapat yun maramdaman kase mabuti kang tao. Oo nag kakamali pero marunong humingi ng tawad, Salamat sa ilang oras na nilaan mo para samin para malabas mo ang dinadala mong tinik sa dibdib. Nandito lang ako "As always" nandito lang kameng mga kababata mo para makinig. Salamat sa pag lalakad habang naulan. Hehe Kaya mo yan! Strong tayo! Strong na din ako! Godbless you! Labyou! 👊😂😚
07/09/2018
03:45AM











