Ang tagal ko na din palang hindi nag tumblr. 😁 at hindi na din nakapag share ng personal life ko. Haha.
November 6, 2021 nanganak ako at the same time doon lang din ako nakapag leave sa work. Meaning buong pregnancy journey ko talaga sinisikap kong mag ipon para sa baby ko.
Ang cute nya no. Worth it yung pagod at hirap ko napaka gandang baby. 😊 masaya sobra lalo na yung pagsasama namin ni Yuan. Nakita ko naman yung willingness nya para masuportahan yung pangangailangan ni Euniz.
Kaso nung 3 weeks old na si Euniz nagka pneumonia sya so we decided na bumukod na para maayos na yung titirhan ng baby kase medyo magulo at madami nagkakasakit talaga sa bahay that time.
Masayang naka bukod kase ang dali kumilos ng walang kumokontra sayo at nakikita namin lahat ng kulang sa bahay na dapat namin punuan. At nakilala din namin ung isat isa.
Masaya din ako na mabilis gumaling si Euniz sa pneumonia nya kase wala akong choice kundi tutukan yung baby ko. And ngayon 3 months old na sya ang dami na din nyang alam sobrang kulit na.
Ako im looking forward na sana no maging strong pa kami ni Yuan kase this past few days palagi na kaming nag aaway. May mga times na may mga salitang masasakit na ding nabibitawan. Haaay. Gusto kong iassess kung ako ba yung problema haha. O baka ngayon ko nararanasan yung PPD. Sana pagtibayin yung loob ko ni Lord. Buksan nya yung isip ko kung ano ba talaga dapat kong gawin lalo sa mga panahong nakakapagod na. Haaay.
Pag tibayin nya ako para sa baby ko. Sa pamilya ko.