Pinoy Pride Daw?!
Medyo naiirita na kasi ako sa katagang yan na masyadong sikat o laging nababasa/naririnig ko ngayon.
Kung ako mahirap o kapos sa buhay at sumigaw sigaw ako ng 2 words na yan, dahil nanalo si Pacman, nanalo ang Heat dahil sa pagcoach ni Erik Spoelstra, nanalo ang Gilas, yayaman ba ko? matutulungan ba ko niyan sa pag-angat ko sa buhay?
isang malaking HINDI !
Siguro magiging determinado ako, tapos kapag matagal nang natapos ang event ng pagkapanalo ng isang may dugong Pinoy na yun, hindi na. kasi balik sa normal na ang buhay ko eh.
Parang kasing kelangan galangin lagi ang mga Pinoy sa lahat ng pagkakataon kahit sa ibang bansa eh.
weh? ows? Ok Sige….
Pero kung natalo ang mga Pinoy celebrities na yan sa ibang bansa, Boom! kumuha ka na ng Popcorn at Coke magbasa ka na ng mga comments/pag babash ng mga Pinoy sa kaaway nung celebrities na yun dahil natalo siya/sila. O nasan yung respeto ng Pinoy sa ibang bansa doon? Tang ina kung di ako nagkakamali, tinuruan tayo lahat noong elementarya tayo na “kung gusto mong irespeto ka ng ibang tao, irespeto mo rin sila”. wow Unfair naman ata yun diba?
Katulad nalang nung nangyari sa centro ng Iran na si Haddadi, samut-saring masasamang salita ang binitiwan ng mga Pinoy na yun sa taong yun. dahil nga natalo ang Gilas sa Iran. Para sakin ok na yung katagang “Proud to be Pinoy” eh kasi nga naman nakakaproud dahil kahit di man tayo naging champion pasok parin tayo sa Spain2014. Pero wag ng masyadong bitter. Lumalabas na parang walang pinag-aralan talaga ang mga Pinoy eh, kaya ganito nalang din tayo laitin ng ibang bansa eh.
(pero sa totoo nakakainis din naman talaga yung laban natin sa Iran, pero ibahin mo ko hindi ako nagsalita kay Haddadi ng masama)
Meron akong nabasang pag-aaral daw dati sa internet kaya ang mga Pinoy ganon nalang umasta kapag naaapi ng ibang bansa kasi karamihan satin laki sa hirap at ayaw na nila maapi sa pamamagitan ng natalo ang manok nila sa basketball, boxing o sa ibang pang bagay na pwedeng ipasok ang Pinoy pride na yan.
Eto yung evolution ng Pinoy pride:
Miami Heat nanalo -> Talented Coach Erik Spoelstra may dugong pinoy -> Kelangan ipagbunyi -> Pinoy ako, talentado din ako icecelebrate din -> Boom and it became koko crunch ay mali it became Pinoy Pride na pala.
Tapos eto pa masaya… Tipikal na ugali ng mga pinoy..
Si Manny nanalo sa boxing match niya. (Pinoy: Pinoy Pride Yeah!)
Si Manny kunwari walang ginagawa sa congreso. (Pinoy: Bobo to! Pota! &%^#$@! Dapat di ka nalang nag congressman!)
Kita niyo? Oo alam ko yung mali niya sa pagpasok niya sa politika pero naman may nagawa din naman siya sa Sarangani kahit papano eh. search search din kasi…
Saka diba ang Pride isa sa mga 7 Deadly sins? diba karamihan satin Katoliko? hala ka… tsk tsk… sasabihin niyong ibang usapan nanaman yun? sige magcomment ka open ako sa diskusyon…
Nasa mga Pinoy po ang kasagutan kung gusto niyong matulungan ang Bansang Pilipinas. Kung wala kang Disiplina na maguumpisa sa sarili mo wag ka nang umasang Yayaman ka o Gaganda ang buhay ng Pinoy after manalo ng isang Pinoy sa isang event sa ibang bansa. Kahit magsisigaw sigaw ka buong araw sa kalye pagtapos manalo ni Manny sa laban niya ng “Pinoy Pride” di ka yayaman bukas makalawa kung mahirap ka. Kahit na ipag-popost mo sa ibat-ibang social networking sites mo yang “Pinoy Pride” na yan! Hindi ka matutulungan niyang baguhin ang Bansa natin bukas.
Ok na yung “Proud to be Pinoy” eh. Tama na sakin yun. actually at firsdt ok naman yung “Pinoy Pride” na yan naging overrated lang masyado. tsk tsk.











