DINASTIYANG MARCOS: Batas Militar, Ano Tara? Dinastiyang Politikal, Ano Tara?
âHindi lahat ng tahimik ay payapaâminsan, silaây pinatahimik lamang.â
Ika-21 ng Setyembre, 1972: Maaaring sa ilan, ito ay isang simpleng petsa lamang na walang kahalagahan, ngunit dala nito ang bigat ng pagdurusa, pagkabalisa, at pagkawala ng kalayaan ng milyong-milyong Pilipino. Imbis na pairalin ang kapayapaan, katarungan, at kaligtasan, lalo na pagkatapos ng digmaan, umusbong ang mapaniil at marahas na presidenteâsi dating Pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos Sr.
WANSAPANATAYM
Si dating Pangulong Marcos Sr. ay nagsilbi bilang Pangulo ng Senado mula 1963 hanggang 1965 bago mahalal bilang presidente noong 30 Disyembre 1965 (Britannica Editors, 2026). Lingid sa kaalaman ng lahat, dalawang beses naihalal si Marcos Sr. bilang panguloâna siyang ikinonsidera na legal ayon sa 1943 Constitution (Supreme Court E-Library, n.d.). Bagaman naging progresibo ang kaniyang unang termino sa larangan ng agrikultura at edukasyon, tila biglang nagbago ang ihip ng hangin.
Nilagdaan ni Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081 na nagdidiktang mapasailalim ang Pilipinas sa batas militar. Ayon sa diktador, nararapat lamang ito upang maprotektahan ang ating sarili mula sa mga insurhensiya ng mga komunista at mga Muslim separatists. Dahil dito, linimitahan ang kapangyarihan ng Sangay Hudisyal, at sapilitang pinatahimik ang malayang pamamahayagâlahat ng ito ay para lamang sumibol ang âNew Societyâ sa ilalim ng panibagong sistema ng gobyerno, ang âconstitutional authoritarianism.â (EBSCO, n.d.).
WAT HAFEN, MARCOS?!Â
Ayon sa ilang mga Pilipino, nakita nila ang Rehimeng Marcos bilang âGolden Age of the Philippinesâ dahil mas disiplinado umano ang mga mamamayan. Bumaba ang nibel ng krimen dahil sa ipinataw na curfew mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng umaga (Supreme Court E-Library, n.d.). Ang korapsyon ng mga ahensiyang kilala sa pagiging kurakot, gaya ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue, ay biglang huminto. Panghuli, sa pangunguna ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos, mabilis na natapos ang mga imprastraktura na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ng publikoâgaya ng Philippine Heart Center, Kidney Center, Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Center, Manila Film Center, atbp (Sangil, 2024). Ngunit, iyon lamang ba ang dala ng batas militar?
Sa likod ng imahe ng kaayusan na pilit iginigiit ng mga Marcos, libo-libong Pilipino ang inaresto, pinahirapan, at pinatay nang walang awaâmga aktibistang lumalaban para sa karapatan ay pinatahimik, mga inosenteng binugbog upang makuha ang katotohanang hindi naman naroon, mga pamilyang nawasak dahil sa isang proklamasyon. Ang rason? Upang ipalaganap ang kanilang kapangyarihanâkapangyarihang walang makapipigil kahit pa ang mga pinakamalalakas, pinakamatatalino, at pinakamatatatag. Muli nating alalahanin ang mga Pilipinong lumaban sa kabila ng mapaniil na pamumuno ng Diktadurang Marcos.Â
Maaaring sabihin ng iba na wala namang biktima ang batas militarâisang propaganda upang paalisin sa kapangyarihan ang mga Marcos. Ngunit, mahigit 70,000 ang kinulong, 34,000 ang binugbog, at 3,200 ang pinatay (Bicker, 2022). Hindi biro ang mga numerong ito; nagsisilbi bilang paalala sa ating lahat ang kalupitan na idinulot ng Rehimeng Marcos. Si Nanay Lydia Sanchez, kasama ng kaniyang mister, ay dinakip ng mga awtoridad noong 1973. Bagaman pinalaya siya pagkaraan ng dalawang araw, ang kaniyang asawa, na si Tatay Nicolas, ay nagdusa sa loob ng kulungan ng limang buwan. Maaaring magmukhang maikli ang mga buwan na ito, ngunit araw-araw ay siya ay binugbog, nilulublob ang kaniyang ulo sa inidoro, at ilang beses pilit tinanong tungkol sa mga bagay na wala siyang muwang (Aznar & Gutierrez, 2022).
Bukod sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao, lumubog din ang ating ekonomiya. Ang Gross Domestic Product (GDP) ay nanatili sa 3.8% sa kaniyang pamamahala. Lumaki rin ang utang ng Pilipinas, halos anim na besesâmula $4.1 bilyon hanggang $24.4 bilyon. Humina rin ang halaga ng peso kontra dolyar, mula Php3.92 hanggang Php18.61. Umabot naman sa 33% ang unemployment rate ng mga mamamayan. Para naman sa may mga trabaho, bumaba rin ang kanilang suweldoâmahigit triple ang kaltas dito (Pangilinan, n.d.).
PUWEDE NA âTOâŠ?
Bagaman mahigit limang dekada na ang nakalipas mula nang pirmahan ni Ferdinand Marcos Sr. ang proklamasyon, nananatili pa ring anino na bumabalot at tumatakip sa sinag ng araw ang Rehimeng Marcos. Kinailangan ng Pilipinas ng dalawang dekada upang makabawi sa kasakiman ng pamilyang Marcos (Manila Chronicles Project, 2020).
Sa pamumuno ng Constitutional Commission, nabuo ang 1987 Constitution (Gavilan, 2016). Sa tulong ni dating Pangulo Corazon, unti-unting nanumbalik ang Pilipinasâmasaya, payapa, at malaya. Ngunit gaya ng magagandang bagay, hindi rin ito nagtagal. Mula Nobyembre 1, 2011âmahigit dalawang dekada lamang mula nang ipatupad ang konstitusyonâhanggang Marso 16, 2019, ipinairal ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kampanyang war-on-drugs (International Criminal Court, n.d.) upang mawala umano ang mga nagtutulak ng droga, magnanakaw, at mga tambay (Human Rights Watch, n.d.). Sa kasalukuyan, nakakulong ang dating Pangulo sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
GOODNESS GRACIOUS!
Makalipas ang mahabang panahon, nasaksihan ng Pilipinas ang muling pag-upo sa pinakamataas na puwesto ni Ferdinand âBongbongâ Romualdez Marcos, Jr. noong 25 ng Mayo 2022 bilang ika-17 na presidente. Kasama ng kaniyang partidong pulitikal na Kilusang Bagong Lipunan o KBL, ginamit niya ang social media at mga propaganda para muling makilala ng mga botante. Sa pamamagitan nito, naipakita nila ang kaniyang mga nagawa, mga plano sa hinaharap, at kaniyang personalidad. Ginamit din nila ang social media upang sagutin at kontrahin ang mga negatibong balita tungkol sa kaniya. Mas pinalakas ng social media ang epekto ng propaganda sa paghubog ng opinyon ng mga botante (Wafiq, 2023).
Ngunit, hindi lang si Marcos Jr. ang may posisyon sa pamahalaan. Ilang kilalang kamag-anak rin ang nahalal sa ibang posisyon. Ang kaniyang kapatid na si Maria Imelda âImeeâ Romualdez Marcos, ang âbaluarteâ ng kanilang pamilya, ay dating gobernador ng Ilocos Norte mula taong 2010 hanggang 2019. Ngayon, siya ay isang senador sa 20th Congress (Rappler, 2025). Ang panganay din na anak ni Marcos Jr., si Ferdinand Alexander âSandroâ Araneta Marcos ay nainteresado sa mundo ng pulitika. Siya ngayon ay isang House Majority Leader at Chairman ng Committee on Rules simula Hulyo 28, 2025 (De Leon & Viloria, 2025).
Sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas sa termino ni PBBM, nahaharap ang bansa sa ibaât ibang isyu. Maraming naiulat na corruption scandals kung saan bilyon-bilyong piso ng pondo ng bayan ang sangkot. Mayroon ding mga palpak na flood control projects na hindi nakakatulong sa mga komunidad na madalas bahain (CenPEG, 2025). Kasabay nito ang sobrang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na ang pagkain, kaya mas nahihirapan ang maraming pamilya sa araw-araw na gastusin. Marami pa ring Pilipino ang nakararanas ng kahirapan at gutom. Ipinapakita ng mga isyung ito ang matagal nang problema sa sistema ng pamahalaanâtulad ng dominasyon ng mga political dynasty, laganap na palakasan, manipulasyon sa mga regulasyon, at pang-aabuso sa pondo ng publiko para sa pansariling interes at kapangyarihan (IBON Foundation, n.d.).
LOVE, JOY, HOPE!
Sa harap ng mapait ngunit mahahalagang aral ng kasaysayan, nararapat lamang na maging higit na mulat, mapanuri, at matatag ang sambayanan sa pagtatanggol ng ating demokrasya. Ang bawat boto ay isang sandata laban sa muling pag-iral ng pang-aabuso at katiwalian. Sa ating mga kamay nakasalalay ang kapalaran ng bansa; kayaât huwag nating hahayaang manaig ang mga dinastiyang pulitikal na may bahid ng mapang-aping nakaraan. Sa halip, pairalin natin ang diwa ng pananagutan, katapatan, at pagmamalasakit sa pagpili ng mga lingkod-bayan.
Huwag tayong manahimikâtanggalin ang mga piring at mga maskara. Sa bawat halalan, itaguyod natin ang katotohanan at ang kabutihan para sa lahat. Ihalal ang mga pinunong may dangal, kakayahan, at tunay na may malasakit sa bayanâhindi yaong inuuna ang pagkamal ng kapangyarihan kaysa sa kapakanan ng mamamayan. Sa sama-samang pagkilos, maitataguyod natin ang isang lipunang makatarungan, malaya, at tunay na para sa lahat.Â











