Hi... so nagising ako bigla feeling sad. Naalala ko kasi na malapit na ako magresign. Nagpaalam na kasi ako sa nanay ko kagabi na uuwi muna ako samin para magpahinga muna. Nakakalungkot pagnaiisip ko na aalis na ako, na iiwan ko na yung mga taong unang nakasama ko at napamahal na rin sakin. Si nanay reg ☹ napakabuting boss. Wala na akong mahahanap pang katulad nya. Napakasarap kasama sa trabaho, hindi nya kayang magalit napakahaba ng pasensya, sobrang sipag at handang magextend ng tulong kahit kanino. Hindi nya nililimit ang sarili nya sa paggiging boss lang talagang mafefeel mo na friend mo sya na pamilya talaga yung turing nya sayo. Napakagenuine. Mamimiss ko sabayan yung tawa nyang napakalakas at nakakagoodvibes hahahay. Si kuya Jayson, kahit na madalas ako ma-GG sakanya jusko sobrang naaappreciate ko sya, kuyang kuya talaga sya umasta. Hindi ko makakalimutan yung mga panahon na pagnagkakamali ako or paglalabas kami ni MJ, pagtatakpan nya ako. Yung mga heart to heart at realtalks namin (at yung baon nyang binuburaot ko 🤣😛) sobrang mamimiss ko. Nawa'y makatagpo ka ng taong magmamahal sayo, kuya. Kahit na aalis na ako at hindi na kita palaging masasampal ng katotohanan pagnaggiging tanga ka na naman sakanya, andito pa din ako sa fb messenger mangungulit at patuloy na sisirain ang pagdadaydream mo sakanya hahahaha. Sa taong una kong naging kaclose, Vielka, nakuuuuu kahit lagi ikaw ang dahilan ng pagkabugnot ko sa office at kahit na madalas tayo nagkaclash, love pa rin kita. Napakamaalalahanin at maalagang kaibigan. Thank you sa pagaalaga sakin nung nalasing ako sa Quezon kahit na nasukahan ko yung towel mo hahaha sobrang naaappreciate ko po. Mamimiss ko yung haching mong napakacute 😂, yung jukay-ukay sesh natin, k-pop and k-drama fangirling days at mga realtaks natin na nauuwi sa pagiiyakan at initan ng ulo hahaaay. Wala nang magmamakeup at magaayos ng buhok ko pagmay event sa office, since day1 na nahire ako ikaw na talaga ang stylist ko chos. Lastly, kay Judy, sa walking diary ko, sobra sobrang mamimiss kita. Ito yung taong lagi kong kasangga sa lahat, yung handa kang damayan at samahan sa lahat (kahit sa cr - ang ultimate friendship goals 💕🤣) huhu. Wala nang sosoporta sa mga kabaliwan ko sa buhay, wala nang tatawa sa corny kong jokes at makikinig sa mga kwento ko everyday. Sa maikling panahon na nagkasama tayo sht ikaw yung taong kilalang kilala ako, alam mo kung kelan ako malungkot at masaya kabisadong kabisado mo na lahat ng facial expression ko pati pagutot ko alam mo na din. Marami pa akong gustong banggitin dito kaso magaalas singko na at kailangan ko na ulit matulog haha. Sobrang marami akong nakilalang masasaya at napakababait na tao sa PETNET, ang first job ko at ang second home ko, marami din akong itatagong masasayang ala-ala. Thank you for making my first job experince a fun and exciting one! Di ko kayo lahat makakalimutan, kayo ang first work love ko. 💖