Hi! π Himala at naligaw ako dito sa tumblr acct ko. Haha. De actually kase, asa gitna pa din tayo ng #ECQ and lagi kong sinasabi na dadalawin ko tong tumblr ko kasi sa totoo lang naikutan ko na lahat ng socmed ko and yet di pa din ako naliligaw dito so here I go. π
So dahil nga nasa gitna tayo ng pagkaburyo, halos lahat nakakalkal natin ngayon. Daeng time e. Haha. Mapa throwback pictures, mga lumang gamit, ultimo mga pangako ng ex's natin na napako lang. π And sa mga tunay na nakakakilala sa akin, alam kong alam nyong isa to sa mga pagkakabusyhan ko kapag wala na talaga akong magawa. Ang mag spazz sa mga korean idols ko. π
But before that, nauna ko na kasing dineactivate yung fb acct na ginagamit ko ngayon dahil sa kadahilanang jejemon HAHA (might share sooner too) then napabukas na lang ako nang mag binge watch ako ng MVs ng BTS sa isa nilang fanbase na Weverse. Dahil nga me pinagdadaanan ako noon, ang lola nyo, down na down pero tinatry ko labanan yung bumabalik kong depression that time and the best thing I did by that time is manuod ng MVs ng BTS sa Weverse. Bago lang din ako nun dun, napakalkal del nga lockdown sa sobrang kaburyuhan, e napasali na lang din. Alam nyo naman na YG stan talaga ako from the start kaso aaminin ko na nawalan na din ako ng gana simula pumasok sa army Bigbang, tas kabikabilang issue pa kinaharap nila lalo na si Seungri. π Tapos yung mga past issues pa about comeback tas every group me umaalis pa. Me nagdisband pa. Tas yung small promotion time nila na parang na discourage ako kasi parang kabuti na lang yung ent. Sorry kung naging mahina ako sa pag stan pero dun lang tayo sa realidad, masarap mag stan ng grupo na active. Pero mahal na mahal ko pa din YG artists, di na nga lang ako tulad nung dati na head over heels. Mian π
Balik sa topic, ayun nga ang pinanuod kong MV nila nun is yung Lights. Nadidinig ko na yun dati pa lalo na dun sa game ko pero di ako ganun ka interesado. Pero that time with shining shimmering subtitles, e pinanuod ko sya and when the lyrics said to me :
Don't lie to yourself any more"
Ses nangilid luha ko kasama yung bigat ng loob na dinadala ko sa araw araw. Sobrang na-touch ako. Sobrang sakit, na sobrang nakakagaan kasi at the same time nailabas mo yung bigat ng loob mo na walang nakakakita kasi tinatawan mo lang kunwari pero sa totoo lang sobrang sakit na. And so came to me na I should move forward and hindi ako dapat malubog sa kalungkutan at bitterness. Kaya after days of shutting down my system, deactivating my fb account, I opened it again as if I've been born again. Corny kung iisipin pero totoo talaga to. Bigla akong na-heal. Yung sakit na nararamdaman ko biglang nawala. Ang sinasabi ko lagi sa sarili ko nun, 'magiging okay din ang lahat' ng paulit paulit and I guess it worked. π
As for this quarantine na na-extend ng na-extend, I found myself spazzing again but this time with BTS. That time talaga was the hardest hit they've done to me. Kasi I've known them eversince but I've never been their fan. I just find their songs energetic. Just like any kpop song I've heard. I've once stalk their journey but doesn't mean I'm an Army by that time. Inalam ko lang basics about them para di naman ako mukhang bobita pag napadpad sa isang discussion about them. Wala akong bias by then but I found V and Jungkook interesting. But this lockdown made me insanely inlove, all about them.
I found out how everyone is charming in their own ways. They're all different but they swoon everyone's hearts just by being them. Nung una aminado ako si V at Jungkook lang napapansin ko
pero nung natitigan ko na silang maigi, nagugulat na lang ako sa sarili ko na: 'wow, ang husband material pala ni Yoongi,
si Jin sobrang bait, napaka pasensyoso sa lahat.
Same kay RM na laging nanjan para sa grupo, yung taong alam mong maaasahan.
Si Hobi na 'backbone' ng grupo lalo na sa performances nila, na sobrang organized yang tao.
Si Jimin na sobrang hard sa sarili na di sya dapat ganun kasi sa totoo lang ang galing galing nya na ang dami nyang napapasayang tao just by his existence na meron talaga syang pure talent na ang lambing lambing nya, na handa syang gumitna sa mga alitan na nangyayari sa grupo same sa lahat ng members.
Na ganun pala sila. Nakakatuwa isipin na akala mo me isa ka lang na papaburan sa kanila as we all know 'bias' pero pag sila na pag uusapan, no, magugulo ka nang bonggang bongga sa pagpili hahaha. Pero sigurado ako sa bias ko sa kanila. Oo me bias ako pero doesn't mean na hindi ko nakikita yung iba and yun yung nakakatuwa. Sa bias wrecker lang talaga ako nagugulo kasi lahat sila bias wrecker naman talaga HAHAHA. Ang bias ko is si V. π Kasi simpleng baliw lang sya. π He's so delicate na parang ang sarap nyang alagaan. Tapos ang bias wrecker ko nung una is si Jungkook, then naging si Suga tapos ngayon si Hobi and mukhang pabalik na naman ke Jungkook na nakikiagaw pa si Jimin. O diba kagulo HAHAHA.
Ang haba na neto pero keri lang, alam kong ako lang naman makakabasa neto. π
Sa sobrang pagka hook ko sa kanila, minsan tuloy pag di nila ako napapansin sa Weverse at Twitter, e nagtatampo ako. π
π Totoo. Hahahaha lalo na nung nakaraang araw lang. Power papansin ako ke V nun kasi ang dae na nyang nirereplyan pero kahit gumamit na ko ng translator, wala, deadma tayo ni oppa kaya nastress ako and in the end, nagpatay na lang ako ng data at nagpalamig. Hahahaha. Nakakatawa na nakakabwisit kasi nagiging ganun ka sa taong ni hindi alam na nag eexist ka. Sad but true diba? π
As days passes by napapaisip ako kung may pagkakataon nga ba talaga na makilala man lang nila ako bilang Army. O yung simpleng makita ko lang sila. Ganito lang ako e. Di mayaman. Tamang spazz lang ang kayang gawin. I-cheer sila through screen. May chance ba na makita ko sila o kahit mahawakan man lang yung mga kamay nila. Napapaisip din ako na ang swerte ng mga magiging asawa nila. Sobra. Sa personality pa lang ng bawat isa sobra na, bonus na lang ang looks lalo na ang bank accounts HAHA pero diba sa totoo lang. Panigurado magiging masakit sa lahat ng Armys yun , ngayon pa lang naiimagine ko na e. Pero para sa akin, kung saan sila sasaya, dun na din ako. π
Sa ngayon, asa bucket list ko yung makapunta sa concert nila. Kahit di ko alam kung posible pa ba. I just hate the fact na late akong naging Army. π
Everything can happen na e. Pwedeng me pumasok na ng army, me mag asawa, mag slow down sa carreer. Di natin masasabi.
I love how I met them and how their music healed me everytime I'm falling off the cliff. Kasi sa totoo lang, hindi lang this time nila ako natulungan. Just realized it lately, dati pa pala nila ako natutulungan without me even noticing about it so I thank you λ°λ¨ for that. π Huli man akong dumating sa inyo, pero sana, sana magkaroon ako ng pagkakataon na makita man lang kayo. At mapasalamatan sa tulong na nagagawa nyo sakin. Ang saya saya ko palagi dahil sa inyo. Akala ko dahil sa panahon na to, lalong lalala mental health probs ko pero hindi dahil anjan kayo. π Sobrang maraming salamat. π Mahal ko kayo di dahil sikat kayo, gwapo, o kung anupaman pero mahal na mahal ko kayo sa kung sino kayo. Yung totoong kayo. Yung wala sa spotlight. Yung walang make up. Yung mga purong puso nyo na nagmamahal sa mga katulad naming mga simpleng humahanga lang sa inyo. Mahal na mahal ko kayo. π Ang ipinagdadasal ko lang palagi is maging malusog at masaya kayo. π Kung makaramdam kayo ng kalungkutan, emptiness, andito lang ako,kami palagi. Hindi namin kayo iiwan. π
Danggg, after so many years ngayon lang ulit ako nagkaganto sa isang Kpop group. Ang korni ko na at mukhang tanga sa paningin ng marami ngayon pero gusto ko lamg ishare to. Yung isang moment sa buhay ko na nakuntento, na-heal at sumaya ako ng tunay dahil sa musikang bigay ng pitong lalaki κ·Ώ