Ikaw na ako.
Komplikadong sitwasyon ngayon ang pinanghahawakan ko. Sa dinami dami ng pinagdaanan ko sigurado pa rin naman akong hindi pa ito yung magiging pinakamalala. Pero syempre, positive lang. Kung maaari, sana last na tong pagpapakatanga ko sa mga bagay bagay.
Pero sabi ko nga, babalik na ako sa paksang dapat pagusapan sa blog ko. Ayun, wala naman bago. Isa nanamang kwentong puno ng katangahan, pag-ibig, kalungkutan, kasiyahan atbp.
Nananahimik ako sa isang sulok, ubos na ang paniniwala sa pag-ibig at ubos na ang pasensya sa mga taong basura nung ika’y dumating. Palibhasa, good boy image, kakagraduate lang at fresh na fresh na empleyado sa trabaho. Ako naman tong si tingin sayo at napaisip na “okay to ah” kaya tinanong ang tropa. “Pre, anong pangalan nun?” banggit ko habang si tropa, “ay nako, ayos yan. Kunin ko ba numero?” Hay nako, hindi naman din siya type ko talaga kaya wag nalang.
Tanga pa din ako sa isang taong gusto ko pero ibang usapan naman iyon. To make it all quick, suddenly he started to chat me na nag send pa sakin ng meme na hinding hindi ko trip. Okay sige, totoo, natuwa naman ako, sinagot ko naman yung chat, di ko pa tanda yung name niya nung time kaya ayun. Mula nun halos pagpasok sa trabaho, kinakausap na ako, tinatanaw daw mula sa malayo at automoatic nanligaw.
Inuulit ko, wala na akong paniniwala sa pag-ibig at “Masaya na ako sa buhay na walang hassle sa buhay at puro luha”. Salungat ka man sa mga taong type ko at pasok sa standards (kahit di naman talaga totoong nasusunod) Shet nasungkit mo pa din ang puso ko.
Para saakin hindi madali ang desisyon ng pag oo hanggat hindi ko pa sigurado and tunay na nararamdaman ko. Ang tiwala nagsisimula sa sarili pero dahil sa’yo, nalimutan kong alalahanin iyon. Natutunan kong manalangin muli, oo dasal, kahit ba ginagawa ko pa din, bihira nga lang. Ibinalik mo saakin ang tiwala ng pag-ibig na kailanman ay hindi mo ako iiwan. Pinatikim mo sakin ang tunay na pagmamahal sa loob lamang ng ilang segundo, minuto, aba sige, teleserye.
Sa araw na yun, tumingala ka at sinabing sa wakas, sinagot na kita at ako naman itong tanong ng tanong bakit ba parang hindi siya makapaniwala. Sobrang nagpapasalamat daw siya at nasagot na ang mga panalangin niya ng umoo ako sakanya.
Sa araw na yun, sabi ko sayo sa oras na umoo ako, panghahawakan ko na lahat ng sinabi mo saakin. Lahat ng pagbalik ng tiwala muli sa pag-ibig ibinigay ko sa’yo upang pangalagaan.
Ilang buwan na ang nakalipas, totoo sa loob ng ilang buwan na iyon, napuno tayo ng parehas na kasiyahan, tampuhan at pagtatalo. Halos ilang beses tayo naghihiwalay pero ikaw ang sinasabing glue at nagsisilbing lakas ko kapag gusto ko nang sumuko. Nanatili tayo sa piling ng isa’t isa ngunit may nangyari.
Wala naman third party, wala naman segway, walang nanira ng loyalty, pero base sa pagkakaiba natin bilang tao. Bukod sa Babae ako at ikaw ay lalaki, parehas tayong may pinagdaanan na nagiging dahilan para pagtalunan. Para sakin kasi, ang pag tanggap lahat ng aspeto. Kahit gaano kahirap, basta mahal mo magbabago. Kasalanan nga ba mag-isip ng ganito? Sa panahon ba natin, bawal na ba natin ito sundin? Baka pang magulang na nga lang ito.
Naghiwalay tayo.
Maraming pagkakataon, maraming paraan, maraming rason at sa maraming pagkukulang. Kinuha mo ang sing sing mo mula sa kwintas ko at sinabi mong ayaw mo na punong puno ka na. Tinapos mo ang lahat dahl sobra na ako at pabor ko palagi ang nasusunod. Inaaamin ko, patas tayo. Sobrang dami na din ng pagkakamali ko na nagawa sayo, marami din akong pagkukulang pero hindi ko natanggap ay isisi mo saakin ang lahat dahil sa relasyon, dalawa tayo.
Madami ang nalungkot, natuwa, nanira,nagalit at nangutya. Iba iba ng pagkakaintindi at paniniwala base sa edad, napagdaanan at natutunan. Gayunpaman, naisip natin itong ayusin ng halos mag 3-4 beses ngunit hindi pa din ito nagana.
Sa kasalukuyan, halos sa mga pinagdaanan mo mula nung panliligaw saakin, ako naman ngayon ang nagawa. Sa mga panahong minsan ako ang nagpalayo sayo, ngayon ako naman ako pinapalyo mo.
Madaya talaga ang tadhana. Tapos na ang mga panahong sinabing mo na pagsisisihan mo ang pag bitaw sakin at pagsuko. Tapos na ang mga panahong tinuruan mo akong maniwala na pwede pa pala magmahal. Tapos na ang mga panahong binalik mo ang tiwala ko sa pag-ibig na walang ginawa kung hindi paluhain ako.
Ngayon, sino na ang tanga, ako o ikaw?
sa ngayon, ako na nga siguro at ang mas masaklap dun, ako nanaman sa muling pagkakataong ito.














