"And when someone crosses your mind, pray for them
You might be on their mind too"
-Menna Zakaria
No title available

titsay
𓃗

pixel skylines

#extradirty

bliss lane
noise dept.
h
he wasn't even looking at me and he found me

blake kathryn
EXPECTATIONS
Mike Driver
ojovivo
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

tannertan36

ellievsbear
Stranger Things

No title available
Fai_Ryy

Discoholic 🪩
seen from Poland
seen from Türkiye
seen from Bulgaria
seen from United States
seen from United States
seen from Denmark
seen from Malaysia

seen from United States

seen from Latvia
seen from Türkiye
seen from Netherlands
seen from United States
seen from Netherlands

seen from Brazil

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Türkiye

seen from Canada
seen from Pakistan
@calliopethewriter
"And when someone crosses your mind, pray for them
You might be on their mind too"
-Menna Zakaria
Kapag itinutulak mo papalayo ang taong nagmamahal sayo, huwag kang umiyak at umarteng nasopresa kapag iniwan ka.
- Bob Ong
ang sarap sa pakiramdam na may taong nagmamahal sayo
yung may panindigan
yung kahit kailan hindi kinaila na ikaw ay kanyang nagugustuhan
salamat sa pagsusumikap na mahalin ang kagaya ko
kagaya ko na hindi perpekto pero
pero kung ibigin mo daig pa ang reyna sa kastilyo
Kung sino man yung nag-confess sa group, ramdam kita. Free to dm para ma ease naman yang pain mo. Nararanasan at naranasan ko na rin yang nararamdaman mo. Mahalaga at importante ka tandaan mo yan.
Para aking patagong minamahal
Kamusta ka na? Mukhang masaya ka na
Naaaalala ko lang yung mga panahon na nakilala kita
Nakakalungkot isipin na sa isang iglap wala ng pangungusap
Wala na yung kulitan na aking nakasanayan
Pag iibigan na tayong dalawa lamang ang nakakaalam
Hindi man bulgaran kagaya sa ating napapanood sa mga telenobela
Ngunit iyong pakatatandaan namananatili ka pa din sa puso at isipan
Alam mo ang hirap magsabi ng salitang paalam sayo
Sapagkat natapos tayo ng wala namang pinanghahawakan na “tayo”
Oo nakakatawa pakinggan
Minahal kita ngunit hindi mo alam
Sa bawat naririnig ko ang tinig mo
Lalo akong napapa ibig sayo
Mga parte sa katawan mo na hindi mo gusto
Mas lalong nabibighani ako
Mata mo na parang bituin
Sobrang nakakasilaw pag tinitignan
Labi mo na akala ko ay hanggang sa aking pagtanda ay mahahalikan
Bakit ba tayo nagkaganito?
Bakit ka kasi biglang nagbago? Bakit nung tumatagal na pag uusap natin bigla ka nag iba?
Mga mensahe na pabalik ay halatang hindi mo binigay na sabik
Alam ko ako ang umiwas
Pero ang desisyon na iwasan ka ay hindi ko kailanman ay ginusto
Kung nalaman mo lang mga plano ko
Magiging ganito kaya tayo?
Siguro oo ganto pa rin
Dahil hindi mo nga pala ako gusto
Kahit hindi man tayo tinadhana para maging magkasintahan
Mamahalin pa rin kita sa patagong pamamaraan
Maghihintay ako sayo hanggang mahal pa kita
Pero kung dumating man sa sitwasyon makahanap ka at ako ng iba...
Magiging masaya na lang ako para sa inyong dalawa.
Nagmamahal,
Your Anonymous Lover
Would you catch me if i fall?
Gaano man kagulo ang mundo
Gaano man kagulo ang nararamdaman mo
Meron kang ako na nandidito lagi para sayo
Ako na handa kang mahalin
Ako na handa kang patawanin
Ako na hinding hindi ka lilisanin
Ako ang magiging pundasyon sa tahanan mo
Ako ang magiging saya sa bawat kalungkutan mo
Ako ang masasandalan sa mga oras na ika’y litong lito
Ako na nandidito para tanggapin ang pagkatao mo
Ako ang hindi mapapagod na ibigin ang isang tulad mo.
- Calliopethewriter
Advice 101
You like her? Tell her.
Huwag mong i-feed yung mind mo sa takot.
Kung mare-reject ka... Accept it.
Pero wala kang pagsisisihan diba?
I-chat or tawagan mo na siya! Now na!
Paano ka nawalan ng gana?
Paano mo ako pinaasa?
Paano mo nasabi sa iba na ako lang ang interesado sa ating dalawa?
Masaya ka ba nung sinabi mo yun?
Ang sakit pala kung ganon
Minahal kita kahit sa maikling panahon na nakilala kita
Tama ka minahal kita kahit ang hirap hirap na.
Hinding hindi ko pinagsisihan na minahal kita sa patagong paraan na ako lang ang nakakaalam.
Sana maging masaya ka na.
Ito naman yung gusto mo diba? Kumilala ng iba.
Takot
Natatakot tayong mawala ang usapan
Natatakot tayong mawala ang samahan
Natatakot tayong hindi na bumalik ang dating pinagsamahan
~ Pero alam mo hindi ako takot mahalin ka...
Takot ako magmahal mag-isa
Takot ako dahil alam ko wala naman akong halaga
Takot ako dahil ramdam ko na walang pag-asa para tayo ay maging isa
~
Handang handa akong mahalin ka
Pero sa bawat pagpaparamdam ko sayo na mahal kita...
Minamahal mo rin ako ngunit hanggang pagka-kaibigan lang.
Made by yours truly,
CalliopetheWriter
message me your recommendations and i’ll make one for each ✍🏻❤️
should i start:
making letters again?
composing songs?
poems
Waaaaaa 😩✍🏻
Salamat sa pagiging duwag mo.
Kahit masakit sa umpisa
Dahil ako ay asang asa
Pero huwag ka mag alala
Kinikilala ko na siya
~
Oo tama yang nabasa mo
Kinikilala ko na siya
~
Sana maging masaya ka
Dahil masaya na rin ako
Marami akong nalaman na sinabi mo patungkol sa pinaramdam ko sayo
~
Kawawa nga ako sa kwento mo
Parang ako lang ang may gusto
Nahiya tuloy ako
Hindi ko alam kung assumera ba ako o pinahulog mo lang ako
~
Pero hindi na big deal sa akin yan ngayon
Sapagkat simula nung nagiging malamya ka na
At ramdam ko na ako lang ang interesado
Agad agad ko na tinanggap na kahit kailan ako’y hindi pasado sayo
~
Salamat ha? Salamat sa pagpaparamdam sakin na hindi tayo nagtutugma.
Salamat kasi kahit hindi man tayo naging tugma
Dumating muli yung taong kahit kailan hindi ako pinaluha.
~
Minahal kita ng hindi mo alam
Pero mahirap magmahal ng taong walang paninindigan.
Wala akong hinangad sa’yo
Pagmamahal mo lang masaya na ako.
~
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano nga ba ang meron sayo
Minsan nalilito na rin ako
Ang sakit kaya sa ulo
~
IKAW
oo ikaw! luging lugi na ako sayo
hindi mo naman ako gusto pero bakit ba ako nagkakaganito?
pero huwag ka mag-alala medyo napapagod na ako
napapagod na ako mahalin ang kagaya mo
kagaya mo na kahit kailan hindi makikita ang halaga ko
~
sana sa susunod na may magmamahal sa’yo
gaya sana ng pag ibig ko
hindi man ito perpekto kagaya sa mga aklat na nababasa mo...
pero tunay at tapat ang pagtingin ko sa’yo.