Sa panahon ngayon, bawal mag-assume
Bawal feelings, bawal ma-attach
Kasi kung ma-fall ka, lugi ka
Kung ma-inlove ka, talo ka
chill lang kayo, wala ng higit pa
Ang dami ko ng narinig na ganyang linya
I just really enjoy your company
Let’s just go with the flow
I dont want anything serious
I’m not ready for a relationship
At siyempre ung “basta chill lang”
Ikaw si sige okay lang, same same, easy lang, easy lang
Magkausap araw-araw, mapa-text o mapa-chat
Kahit nasa class o nasa office, usapan niyo'y walang awat
Sabi ng kaibigan, bes ano yan i dont think that’s right
At ikaw ay magsasabing, hindi to serious, di nga kami nagogoodnight
Sinusubukang magstay sa boundaries kasi baka ma-attach
Kaya ayan nagTinder parin sobrang kinikilig pag may naka-match
Ang galing kasi may sari-sarili parin kayong mundo
Kung tutuusin kayo lang ata nakakaalam ng love story niyo
Pero okay lang kasi nga chill lang kayo
No strings, no attachments, hindi naman kayo
Ano nga bang problema sa chill lang
Walang expectations at walang nagaabang
Puro perks at walang prerequisites
You get to enjoy the kilig and the benefits
Pero nakakalito kapag lagi na siyang nasa isip mo
Kapag may ibang nilalandi, sabi ng utak na uy parang mali ata to
Kapag may nagtatanong ano nga ba kayo
Hindi alam kung anong isasagot mo
Teka nga teka nga, sino ba siya sayo?
Hindi mo siya jowa, friends lang daw kayo
Pero ano na nga ba ang ibig sabihin ng kaibigan?
Sobrang nagbago ang definition ng nagdaan
Friend lang ba kapag sinasabihan kung nasan siya
Friend lang ba kapag yinayakap kapag umiiyak ka
Friend lang ba kapag ikaw ang laging kasama
Friend lang ba kapag tinituruan magdota
“Oo” sasabihin ng iba, hanggang sa naging malabo na
Kaibigan lang ba kapag ikaw lang ang nilalambing
Kaibigan lang ba kapag kayo ay magkasiping
Kaibigan lang ba kapag siya'y kasama sa pagising
Kaibigan lang ba kapag sa sarap at sakit siya'y kapiling
Kaibigan lang ba kahit parang girlfriend ka na ituring
Hindi, kaya ayan umiiyak ka kapag naririnig ang hotline bling
Isang araw nawala nalang siya
Di mo alam kung saan napunta
Pero buti kasi yung iba naggogoodbye pa
I feel like what we’re doing is wrong, sabi niya
Edi bakit mo sinimulan, bakit ginawa tangina
Pero di mo alam kung bakit ka pa nabigla
Hindi ka naman kasi jowa
Pero yung sakit abot buto
Kasi pinigilan ko ang nararamdaman ko
Paulit ulit na karol wag, mali to
Ngunit di maloloko ang puso ko
Kasi alam kong iba na talaga to
Nung titinitigan sa mata ng diretso
Yun pala di totoo, mga yakap mo
Pero naghanda pa nga ako
May evacuation plan ng iniwan mo ko
Pero Ilang beer man ang inumin ko
Ilang alon man ang isurf ko
At ilang tao man ang imomol ko
Ramdam ka parin talaga ng buong sistema ko
Pero ngayon okay na, mas masaya na ako
Durog at sawi, binabaon ang sarili sa trabaho
Nakangiti parin kahit bigo ng todo
Pero di mawawala ang tanong to
Gago ba siya, o naging tanga lang ako