
#extradirty
occasionally subtle

Game Changer & Make Some Noise
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
No title available

Product Placement

No title available
almost home
Fai_Ryy
TMBGareOK. The Official They Might Be Giants tumblr
tumblr dot com

Love Begins
Cosmic Funnies

Origami Around
Sade Olutola
cherry valley forever

PR's Tumblrdome

oozey mess
Noah Kahan
macklin celebrini has autism
seen from Saudi Arabia

seen from United States
seen from United States
seen from Switzerland

seen from Malaysia

seen from India

seen from Switzerland

seen from Hong Kong SAR China

seen from Switzerland
seen from United States

seen from Netherlands

seen from Türkiye

seen from Switzerland
seen from United States

seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Mexico
seen from United States

seen from Spain

seen from United States
@cheeseballsareforever-blog
July 13, 2012;10:49pm
Kanina, magkausap kami nung dati kong manliligaw. Kaibigan ko siya pero nagkailangan dahil nanligaw. So ayun, siya nga. Naaasar ako kasi mas updated pa siya ngayon sa bestfriend ko. Ang dating sa akin, "tengene. talaga? mas close na kayo?? ang bullshit naman no'n.", nakakaasar. 'Yung tipong mas may alam na siya sa everyday life ng bestfriend ko. Ugh! Buti na lang kumalma ako, kung hindi baka pati kami ng bestfriend ko magkairingan. Tsk. Ang pangit lang kasi sa pakiramdam. Alam kong medyo selfish 'yung dating ko pero ewan ko ba. Naiirita ako. Tas parang nagbago pa 'yung kaibigan ko. Biglang nagkagap? Haaaaaaaay. I don't know. Ang hirap kasi ng hindi nagkakausap. Tskk!
Anyways, okay na ako. Okay na kami. Naging okay naman at the end of the day. Medyo 'di lang ako makamove-on. Ang maganda lang dito sa araw na 'to, gumawa talaga ng way si Lord para mapangiti ako. Nakuha ko na 'yung bagong eyeglasses ko at nakabili na ko ng The Fault in our Stars ni John Green. Installment kay Ate Janine (pinsan ko). Hahaha! Ang dami ko kasing gastos. Ang dami kong gustong bilhin kaya unti-unti dapat. Sabi nga 'don sa nabasa ko sa NBS, 'It is not the man who has too little, but the man who craves more, that is poor', kaya dapat hinay-hinay lang ako. Little by little kong mabili lahat ng books na nasa checklist ko. 'Wag biglain ang sarili sa pagbili. Marami pang araw. Haaay. Friday the 13th isn't that bad at all pala.
Status: HAPPY. :p
July 11, 2012; 10:46pm I’m not feeling well, Babylove. The frustrations I have kept all along is now choking me. Anong kailangan kong gawin? Kahapon lang ang ganda ng mood ko kasi may mga natulungan akong tao, katulad nung preggy sa bus na natatamaan yung baby bump niya kaya nakipagpalit ako ng pwesto para hindi siya mahirapan. Tas ‘yung pagsuporta ko kay Wilwin sa new found love niya. Ang saya ko kahapon. Kahit kanina eh, kasi hindi natuloy ‘yung quiz namin sa Science at nakapagdeliver ng mabuti ‘yung group namin sa English. Pero iba ‘yung pakiramdam ko ngayon. I’m homesick sa loob ng sarili naming bahay. I don’t know what to do. Gusto kong maclear ‘yung utak ko. Pasensiya na, madalas rants lang naikukwento ko sayo. Sorry.. Kaya... Goodnight na. Itutulog ko na lang 'to.
July 11, 2012; 5:54am
Ang aga ko natulog. Ang aga ko gumising.
Pero nakatapat pa din ako sa computer para kwentuhan ka sana. Kaso nanaig nanaman 'yung urge na hanapin siya sa facebook para ii-stalk.
Tek! Ang gwapo niya. Ang ganda ng ilong niya. Hahahaayyy. May fetish na ba talaga ako ngayon sa ilong? :"")
ANYWAY..
Mamaya na lang kita kukwentuhan, okay? :-)
Nagmamahal,
Chay. <3
And I would really feel happy if only I can let you know. But this feelings are not to be shown.
Oh because you said,
that ev'rything will turn out right.
But right then and there,
you were nowhere in sight.
"Repeating current song"
O wag kang tumingin Ng ganyan sa ‘kin Wag mo akong kulitin Wag mo akong tanungin Dahil katulad mo Ako rin ay nagbago Di na tayo katulad ng dati Kay bilis ng sandali O kay tagal kitang minahal Kung iisipin mo Di naman dati ganito Teka muna teka lang Kailan tayo nailang Kung iisipin mo Di naman dati ganito Kay bilis kasi ng buhay Pati tayo natangay O kay tagal kitang minahal Tinatawag kita Sinusuyo kita Di mo man marinig Di mo man madama O kay tagal kitang mamahalin
BURNOUT by Sugarfree
July 09, 2012; 09:23pm
Babylove?
Nakalimutan ko..
Ako nga pala ulit si Chay. 16 years old na ako.
Hmmm. Taga Bulacan ako. Dito ako pinanganak, kaya ayoko na din umalis pa kahit kailan.
College freshman ako sa University of the East, BA Communication Arts.
Kung tatanungin mo ako kung bakit ayon ang napili kong course? Hindi kongretong sagot ang maisasagot ko sayo dahil nung malaman ko 'yung course na iyon, nainlove lang agad ako. Gusto ko kasing maging editor ng magazine. So, pwede na bang dahilan iyon?
Panganay ako. Apat kami. Ang dami 'no? Nasa lahi na kasi namin.
May pagkalukaret ako. Madali akong matuwa/matawa. Hindi ako mahirap i-please. Mababaw kasi akong tao.
Pero kahit na mababaw ako, hindi ako mabilis magtampo o magalit. Kaya kung sakaling magtampo ako o magalit man, galit talaga ako o nagtatampo. Pero (ulit) dahil hindi ako mahirap i-please, mabilis lang mawala yung tampo/galit ko.
Uhhmmm. Ano pa ba?
Wala na ako masyadong maishare.
Makikilala mo pa naman ako ng mas malalim sa pagsasama natin eh.
Di ba?
Emily-Marco na sa Walang Hanggan. Nuod muna ako.
Bye for now, Babylove! :-*
Love,
Chay <3
Sa CR...
July 09, 2012; 09:08pm
Lagi nalang.
Lagi nalang na sa CR ako nakakapag-isip ng kung anu-ano, 'yung mga ideas/thoughts ko nasosort ko ng maayos.
Bakit kaya ganun 'no?
Ewan ko ha, kasi marami din ako na kakilala na gano'n din. Yung sa CR sil nakakapag-isip ng mabuti.
Siguro dahil tahimik.. Tas ikaw lang. 'Yung tubig relaxing pa.
Kaya ito, gumawa na naman ako ng panibagong blog ko. Pang-apat na siguro ito.
Naiirita kasi ako kapag hindi ako consistent sa pag-aayos ng blog ko, kaya gawa ako ng gawa. Sobrang tamad ko kasi mag-ayos kaya gumagawa nalang ako ng bago.
Well anyway, sana this time, maging consistent na ako.
Gusto ko kasi sana na 'yung araw-araw ko nakarecord. Para nagiging aware ako na nagawa ko pala 'yung mga bagay na iyon.
Ako nga pala si Cheska. Pero dahil family ko lang ang gumagamit no'n, Chay na lang ang itawag mo sa'kin.
Tatawagin kitang Babylove. Okay? 'Wag kang aangal. Ikaw na ang bago kong lovelife. Hihihi.
Love,
Chay <3